CHAPTER: O6

195 6 3
                                    


a/n: hi! Bago niyo po basahin 'tong chapter na 'to, paki-balikan yung chapter 3 :) may binago ako doon hehe nakalimutan ko kasi lagay hahaha thanks!

maraming typo, di ko na naedit hehe

------

"Claudette, paki-interview yung America Perez. Tapos, wag mo i-reject ha?" Sabi kokayClaudette at binigay pabalik lahat sa kanya ang mga folders.

"Ha? Sir? Bakit naman po?"

"Sabi ni Mama." Alam ko naman na masama magsinungaling pero yun na lang ang naiisip ko'ng palusot.

"Ah, sige po sir. Ico-contact ko agad." Tumango ako at lumabas na rin siya ng office ko. Wala akong masyadong ginagawa ngayon dahil pumasok na rin si Mama. Biglang nag ring ang phone ko at sinigaw noon ang pangalan ni Rafael.

"Hello."

["Wanna drink tonight?"] Tinignan ko ang orasan at 4 pm na pala ng hapon. Hindi ko alam kung papayag ba ako or hindi. May problema si Rafael kaya naiintindihan ko kung gusto niyang mag loosen up. Naikwento niya na rin kagabi kung bakit ganon ang reaction ng Mama niya sa kanya. Yung ex pala niya, hinahabol siya at sinabi na may nangyari sa kanila, kahit wala naman.

"I dont know, Raf. Baka madami akong gagawin."

["Ang kj naman. Dali na, ngayon lang."]

"I can't."

["Fine, wag na."] Binaba ko ang tawag. Tinatamad rin kasi ako sumama sa kanila. Plus, kung iinom ayokong kasama si Rocker. Sure ako na nandoon si Rocker, syempre yun pa, di niya uurungan ang beers.

Sinabi sakin ni Claudette na bukas na bukas daw ay pupunta si America dito from Manila. Ang bilis naman.

Umuwi na ako ng bahay kasi bored na ako doon dahil wala naman akong ginagawa. "Hindi ka sasama?" Bungad sakin ni Trixie pagpasok ko ng bahay.

"Sasama ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. Kasama lahat, ikaw lang ata hindi?"

"Talaga? Pumayag ang mga oldies na may babae?" Knowing the oldies, they won't let the girls drink.

"Bakit hindi? Sa jacksridge angpuntanamin. Doon sila iinom, habang kami doon sa coffee shop."

"Alright, sasama na ako."

Nakaladkad nila ako papuntang jacksridge, at hindi ako sumama kanila Rafael. Doon ako kanila Trixie sumama. Hindi lang naman ako ng lalaki na nandito, si Travis kasama ko. I am not gay. "Ang tagal naman i-serve." Reklamo ni Mia.

"Can't you wait?" Sabi ni Trixie sa kanya. Kinalabit ako ni Travis at pinakita ang phone niya sa akin. Nandoon ang facebook profile ni America.

"Ano'ng gagawin ko?" Tanong ko sa kanya. Bakit ba ganito sila? Puro sila pakita ngfacebookat mga pictures ni America, ano ngayon? Ano gagawin ko? Makakain ko ba ang facebook at mga pictures niya? Di naman diba? Aanhin ko ang mga iyon?

"Chill, dude. Tignan mo kasi ang latest status niya!" Kinuha ko ang cellphone niya sa kamay niya at tinignan ko ang status nito.

'Im done trying. If you want me in your life, let me know.'

"So? Ano ang gagawin ko?"

"The hell, Rome? Ang sinasabi ko lang naman sa'yo ay broken hearted yung tao. At damayan mo siya."

"Damayan? Ano'ng damayan? Nababaliw ka na ba? Di nga ako kilala nung tao tapos sasabihin mo na damayan ko?" Hindi ko maintindihan kung bakit ba niya sinasabi sakin 'to. Ano naman ang magagawa ko kung nasaktan yung tao? Wala naman diba?

"Finally!" Sabi ni Mia habang sineserve ng waiter ang mga order namin. "Hello, Monique. Put your book down and let's talk."

"What do you want, Mia?" Sabi ni Monique sa kanya. Minsan lang mag salita si Monique, pero kung magsalita naman siya sobrang sarcastic or di kaya sobrang magugulat ka na lang bigla na lang siyang magbibigay ng advice or huhugot siya bigla.

"What? Di ka kaya nakikipag-bonding sa amin!"

"Di pa ba bonding ang tawag dito? Wow."

"Hindi. Sumasama ka nga sa amin, pero ikaw naman sobrang tahimik, nagbabasa ka lang ng libro. Seriously? Ano ba mapupulot mo dyan ha? Puro romance nga ang binabasa mo."

"Mind your own business, spoiled brat." Inirapan ni Mia si Monique at pinabayaan na lang niya ito. Wala rin naman kasi siyang magagawa kung pipilitin niya si Monique, at kung kakausapin naman niya, mababara lang siya. Wala rin.Talo rin siya.

"Kailan ang punta mo ng States?" Tanong sa akin ni Travis. Every year kasi umaalis ako, pumupunta ako sa bahay ng Lola ko, sa side ni Mama.

"Don't know. Di pa naman namin napapag-usapan ni Mama, bakit?"

"Wala,naitanong ko lang."

Binuksan ko ang phone ko para I-check kung sino ba iyong nagtext kanina. Pero agad ko rin pinagsisihan na binuksan ko ang phone ko parai-check kung sino ang nagtext, dahil si Oliviaang nagtext sa akin.

From: Olivia Lim

Why aren't you answering my calls?

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon