CHAPTER: 24

141 9 0
                                    


Hinatid ako ni Rome sa bahay nila Rese at kinuha niya ang susi ng kotse ko para ipakuha ang kotse ko sa isa sa mga tauhan niya. May aasikasuhin lang daw siya sandali at tatawagan niya ako kapag natapos siya.

Agad akong nagtext kay Rese kung saan ang kwarto ko, malaki ang bahay niya, may dalawang palapag, may tatlong kwarto dito sa baba at lima naman sa taas.

Nakita ako ng isang maid at sabi niya ay sinabihan na raw siya ni Rese na dito ako tutuloy ngayon. Kaya pala ay walang reply ang pinsan ko.

Yung bagahe ko ay nasa kotse ko pa at hindi ko alam kung nasaan na ba yung pinadala ni Rome dito. Binuksan ko ang tv kahit hindi naman talaga ako manunuod at humiga sa kama. Binuksan ko ang phone ko para mag-text kay Rome at itanong kung malapit na ba yung tao niya dito sa bahay.

Hindi ko alam kung anong oras umuuwi si Rese ng bahay pero sa tingin ko ay mga nine na siya ng gabi dumadating kaya naman maaga akong matutulog mamaya dahil ayokong makarinig ng sermon niya. Alam ko naman na papagalitan niya ako dahil sinagot ko si Daddy, sana ay nagsabi ako sa kanya na hindi ako matutulog sa bahay kahapon.

Nakatulog ako sandali nang may kumatok sa pintuan ko.

"Ma'am?" Pinagbuksan ko ng pintuan ang maid. Niyaya niya akong kumain sa baba at sinabi na nandito na raw si Rese. Ang sabi ko pa naman ay tutulugan ko siya..

Pinailaw ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. It's almost 7 pm! At ang estimated time ko kanina para sa pagdating ni Rese ay 9 pm. Bakit ang aga niya ngayon?

Nakita ko siya sa dining table at sa tingin ko ay hinihintay niya ako. Umupo ako sa harapan niya. Mahaba ang lamesa, kasya ang walong tao pero kaming dalawa lang ang nandito.

May tatlong potahe sa lamesa, chicken curry, lasagna at pork steak. Tinitignan ko pa lang ang lasagna ay natatakam na ako.

Hindi umiimik si Rese habang kumukuha siya ng pagkain kaya kumuha na rin ako. Tahimik kaming dalawa habang kumakain, gusto ko man kumain ng marami dahil may lasagna ay hindi ako kumain. Nahihiya ako.

Inaamin ko naman kasi na mali yung ginawa ko kanina, pero hindi niya naman ako masisisi kung ganon ang inasal ko. Mali kami pareho, hindi lang maamin ni Daddy.

Halos sabay lang kaming natapos kumain. Pinaligpit niya sa maid ang pinagkainan namin. Tumingin siya sa akin at tumayo bago buksan ang bibig niya para magsalita. "Your Dad is in the hospital."

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya at naestatwa sa kinauupuan ako. Kahit na galit ako sa kanya, in the end, tatay ko pa rin siya. Siya ang nagpalaki sa akin, together with my Mom. Magsasalita na sana ako ng unahan na niya ako.

"Alam mo na may sakit si Tito hindi ba? Hindi ka kasi nag-iisip! Everyone is worried about you last night! Bakit ba kasi hindi mo ginagamit yang utak mo? Sinagot mo pa kanina si Tito! Nung umalis ka kasama si Rome, he blamed himself! he blamed himself kung bakit ka nagkakaganyan! My God! You dont know the whole story why Tito is being like that to you!" My favorite cousin is shouting at me right now, pakiramdam ko ay galit na silang lahat sa akin. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat.

"Nagpunta ako kanila Rome kagabi at doon ako natulog. Iyon lang ang ginawa ko. What is wrong with that?" Tinignan ko siya. Tinitignan niya ako at alam ko na punong puno na siya sa akin. "Bibisitahin ko si Daddy bukas ng umaga."

"Mabuti naman at bibisitahin mo si Tito, you should say sorry to him."

"I can't promise you that." Tumayo ako at umakyat na papunta sa kwarto. Bastos na kung bastos, puno na siya sa ugali ko? Puno na rin ako sa ugali nilang lahat!

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon