CHAPTER: 18

152 7 0
                                    





Wala si Nala sa apartment, I forgot, may concert series nga pala siya. Binaba ko ang mga gamit namin at umupo agad sa living room. Binuksan ko ang laptop ko at nagcheck agad ng emails. May mga hindi pa ako nabubuksan na email kaya chineck ko isa-isa. Ang iba ay mga nag-uupdate lang ng mga tela na kinukuhaan ko at kung anu ano pa. 




From: magnolia.ent@gmail.com 

Good day Ma'am!

Greetings! 

We would like to schedule an appointment with you in your most convenient time. We are impressed with your works and we would like you to design a gown. This is for an artist in the Philippines. 

We hope for you fast response. 

You can contact us through email or through text.


Thank you! 

-Magnolia 




Tiningnan ko agad ang date kung kailan siya nag email. It was two days ago! Though, hindi ko alam kung papayag ako dahil mayroon pa akong tatlong gown na ginagawa. I shrugged at nag email kaagad. 




To: magnolia.ent@gmail.com

Good day, Miss!

Sure. I would like to take this offer. Im currently at New York right now, but I will be back in Manila and will be accessible by October 8. I would like the meeting to be around Makati or Bonifacio Global City. 

America Perez




Pinatay ko ang laptop at nagpunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Im going to my boutique today to check the gowns. Nang makapagpalit ako ay nagpunta ako sa kwarto ni Lean. "Lean, Im going to the boutique. Im leaving you with Nana." Nana is his babysitter, pero pinapupunta ko lang siya dito kapag aalis ako at walang maiiwan kay Lean. Nag text naman na ako sa kanya kaya umalis na rin ako kaagad. 




Pagdating ko ng boutique ay dumiretso kaagad ako sa office at nakita na gawa na ang dalawang gown. Thank God! "Chanel, deliver the gowns already, okay?" Sabi ko sa emplayado ko dito sa boutique. Maliit lang ang boutique ko pero madami na kaming clients. Nakuha namin ang iba't ibang top chart singers noong isang taon, and that was a big break for us! Dalawang beses na rin akong nafeature sa isang magazine. 




Umuwi na rin ako kaagad ng bahay para magprint ng leave para doon sa isa ko pang pinagtatrabahuhan. Kahit na may sarili akong business ay nag-apply pa rin ako sa isa pero isa naman akong HR doon, multi-tasking ang ginagawa ko. Pinagiisipan ko pa kung magreresign ako dito sa isa kong trabaho dahil pwede naman akong magtrabaho sa PBI at may sarili naman akong business. At balak ko rin kasing bumalik ng Pilipinas kahit for two years lang. 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon