CHAPTER: 16

185 8 0
                                    

Naging busy ako sa paghahanda para sa party ni Crim. Doon ko binubuhos ang lahat ng oras ko, kung hindi naman ay minsan lumalabas kami ni Calvin para mag dinner. Crim's birthday is in 2 weeks! Nakahanda na ang mga invitations at location ng event. Ang pinagawa na tatlong gown ay hindi pa rin tapos, kaya naman ay pina-check sa akin ni Tita Ezra-ang mommy ni Crim- ang mga gowns. Gamit ko ang kotse ko ngayon, palagi ko na itong dinadala dahil ayoko na rin na puro driver at ayoko rin na may naghihintay sa akin. 





Im on my way to Trixie's boutique, iyong pinsan ni Rome. Doon na kami nagpagawa ng gown ni Crim para naman ay hindi hassle. Crim's turning 21 this year, hindi ito debut, gusto kasi ni Tita Ezra ng engrande na celebration. Pagdating ko ng boutique ay sumalubong sa akin ang ngiti ng isa sa nagtatrabaho doon. "Good afternoon, Ma'am!" Ngumiti ako sa kanya at pumasok sa isang pinto kung saan nandoon si Trixie.




"Good Afternoon, Trix!" Bati ko sa kanya, pansin ko ang mga drafts sa kanyang lamesa. Ang office niya ay punong puno ng mga mannequin, mga tela at mga papel. "You're busy today?" Tanong ko. 





"Hey, not really. May mga clients lang na tumawag kanina at nag set ng date ng meeting." Tumingin siya sa akin at ngumiti, binaba niya ang lapis na hawak niya at tumayo. "Iyong gown na baby blue na fitted ay gawa na, iyong pastel pink naman ay matatapos siguro by friday. Iyong isa, hindi ko pa siya natignan kanina pero... I think finishing touches na lang. I'll call you if it can't be finished on time." Kinuha niya ang isang gown sa isang cabinet. Iyong baby blue na ako mismo ang nagsabi ng detalye, simple lang ang gown, may class ito hindi katulad nung iba na simple pero walang class. May konting sequence sa taas, fitted ito pero medyo flow-y naman. 





"Looks amazing! Papapuntahin ko na lang dito sila Tita Ezra at Crim para tingnan ang gown. Tita asked me to check if you guys are doing it." Tumawa ako. After that nagpaalam ako at umalis na. Habang nagda-drive ako ay naisip ko kung kailan ako aalis ng Pilipinas. I can't stay here, may iniwan akong trabaho sa New York at kapag nanatili ako dito, walang kasama si Nala doon. 





Nakarating ako ng bahay at nag-text na lang kay Tita Ezra na nagawa na ang isang gown at magpunta na lang sila doon kung gusto nila makita ng personal ang gown. After that I recieved another text, I expected that the text if from Tita pero galing kay Rome at kay Calvin. Hindi ko alam kung bakit ako ite-text ni Rome, kaya hindi ko muna pinansin at mas binigyang pansin ang text ni Calvin.





From: Calvin 

Are you done checking the gowns? Im going to a rave party tonight, want to come? 





America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon