CHAPTER: 01

501 15 6
                                    

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay. Nagpahatid na lang ako kay Ace dahil wala ang driver ko ngayon. "Bro! chicks ha?" Binatukan ko siya.

"Siraulo!" Nagtawanan kami. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam na sa kanya. Hinintay ko muna na makaalis siya bago pumasok sa loob ng airport. Kahit papaano ay naeexcite ako. Hindi ito ang unang beses ko na pumuntang Manila, pero may kung ano akong nararamdaman.

Naglalakad ako nang mag-ring ang phone ko. Olivia. Tsk. Hanggang ngayon tawag pa rin ng tawag. Nakakairita na. Pinatay ko ang phone ko para hindi na siya makatawag ulit.

Olivia Lim. She's my ex girlfriend. Half Chinese, half Filipino. Mahaba ang buhok, maputi, kulay brown ang mga mata, matangkad. Why am I describing her anyway? Nevermind. Nakipagbreak ako sa kanya dahil sobrang nasasakal na ako sa kanya at ayoko ng ganun.

Umabot kami ng isang taon pero, that was 2 years ago! Pero ewan ko, hanggang ngayon patay na patay pa din siya sa akin. Wala eh, gwapo ko kasi. But seriously, it took me months to move on.

"Rome!" Inayos ko ang buhok ko bago tignan si Travis. Nandito kami ngayon sa boardwalk. Pasko kasi, masarap mamasyal dito dahil malamig. "Tara! Its our turn!" Sabi niya at pinakita sa akin ang hawak hawak niyang sky lantern. Lumapit ako sa kanya, hawak hawak ko ang lighter.

"Sindihan mo na!" Excited na sabi ni Mia. Agad kong sinindihan ang sky lantern at sabay rin itong pinakawalan ni Travis.

"Wow! Ang ganda!" Sabi ni Trixie at kinuhaan ito ng litrato gamit ang cellphone niya. "Mon! Its our turn now!"

Olivia is not my first girlfriend. Pero sobrang nahirapan akong magmove on dahil halos ibigay ko na ang laat sa kanya, kahit nung nililigawan ko pa lang siya. Our first three or four months ay masaya. Pero nang nagkasakit ang lola niya ay minsan hindi na kami nagkakausap. Pero may isang beses na isama niya ako sa ospital para bisitahin ang lola niya.

"Lola, this is my boyfriend. Rome." Ang lola niya ay may sakit sa puso at kailangan na hindi mastress. Tumingin sa akin ang lola niya at binigyan ako ng malamig na ngiti. Doon pa lang ay alam ko na, na ayaw niya sa akin.

"Goodevening 'ho." Kinuha ko ang kamay niya para magmano pero agad niya itong hinawi.

"Lola!"

"I dont like you for my grand daughter!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nasasabihan ng ganoon.

"Rome, Livs, umalis na kayo. I dont want Mama to be stressed, its better if you leave and visit next time." Sabi ng Daddy ni Olivia.

Ang mga sumnod na buwan, dahil nga hindi na kami gaanong nakakapag-usap, naging sobrang possessive si Olivia. Konting usap ko lang sa mga babae ay nagseselos agad siya. Thats why I breaked up with her, mababaw ba? I dont really care, to be honest. She's being too hard on me already. I tried telling her na huwag magselos, pero ganun pa din lagi.

Tinawag na ang airplane na sasakyan ko kaya naman ay nagmadali akong pumunta doon sa eroplano. Inayos ko ang upo ko dahil hindi ko kilala ang magiging katabi ko. Sa likod ko naman ay may dalawang babae, doon sila nakapwesto at sobrang ingay nila.

"Crim! Give me my yogurt, nasa bag mo ata yun." Sabi nung isang babae. Hindi ako nakikinig sa usapan nila, sadyang malakas lang ang boses nila kaya naririnig ko. "Yogurt! I said yogurt!"

"Ica, shut up! Nakakahiya sa ibang nakasakay!"

"I dont care! Kailangan kong kumain. Sobrang pagod na ako! Bakit kasi tayo pa pinapunta dito, tss."

Sa sobrang ingay nilang dalawa ay kinuha ko ang earphones ko at nakinig na lang ng music. Matutulog na lang muna ako, psh.

----------

Paglabas ko ng airport ay nakita ko na agad ang driver na pinadala ni Mama. Binuksan niya ang likod ng kotse at nilagay ang mga gamit ko doon. Pumasok na ako sa loob at sumunod naman siya.

Sa isang hotel ako tutuloy, si Mama na ang bahala sa bayad at lahat. She also gave me extra money kaya okay lang din naman. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Mama na nasa Manila na ako.

Sandali lang ang byahe papuntang hotel dahil malapit lang naman ang airport sa hotel. Bumaba na ako ng sasakyan at tinulungan ng driver na ibaba ang mga gamit ko.

Pumasok ako sa hotel at tinanong kung saan ang room ko. Agad namang sinabi ng babae kung ano ang room number ko. Pagpasok ko ng kwarto ay humiga ako agad. I wish that I can sleep all day!

Sobrang boring dito. This is what I hate about hotels. Sobrang boring, kulang na lang ay ang mabaliw ka. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan sila Ace at si Travis pero hindi nila sinasagot. Damn, ano kaya ginagawa nila?

I stayed inside the hotel room until 7. Wala, natulog, nanood, nag-online sa facebook, nag check ng e-mails.. yun lang ginawa ko maghapon. Tumawag na lang ako sa baba para magpadala ng pagkain.

Habang kumakain ako ay biglang nagtext si Mama.

From: Mama

Acuatico kayo bukas. Dont worry, alam na ng driver kung saan yun. By 10 ay dapat nandoon na. Papunta na diyan sila Travis at Ace. You'll need them.

Pinapunta niya dito si Travis at Ace? Woah. Hindi na ako nagreply sa kanya.

Nang matapos akong kumain ay saktong may kumatok sa pintuan ko. Buti na lang at malaki ang kama, kasya naman siguro kaming tatlo dito. Kung hindi ay magpapadala na lang kami ng extra bed, its okay though. Ako na lang magbabayad. Pagbukas ko ng pinto ay biglang tumakbo si Ace sa kama ko.

"Finally! I can rest!!!" Sabi ni Ace.

"Damn, Ace! Ako ang matutulog sa kama! Doon ka sa sahig!" Pumasok si Travis at pinaghahahampas si Ace. Pagod na pagod sila. "Ace!"

"Shut up, Travis. I want to sleep. Masyadong madami ang nainom kong alak." Ah, kaya pala. Nagpunta siguro muna sila sa bar bago magpunta dito. Mga siraulo talaga. Buti pinayagan sila sa airport na ganyan. Ang alam ko kasi bawal sa airport ang mga nakainom? Tama ba? I dont know..

Si Travis ay humiga na sa tabi ni Ace. Wow, naunahan pa nila akong dalawa. Tumawag ako sa baba para magpadala ng extra bed. Hindi kami kasya sa iisang kama..

----------

"Can we swim?" Tanong ni Ace sa akin. Binatukan ko siya.

"Team building ito, hindi outing." Nagpunta kami doon sa room na pinareserve para sa amin. Paglapag namin ng mga gamit ay nagpunta na kami sa resto sa loob ng resort, nagugutom na daw kasi si Travis. Kaya kumain na rin kami.

"Ica, nasaan na sila Tito?" Kain lang ako ng kain at hindi iniintindi ang mga maiingay sa paligid ko. "Sila ang nagsabi ng before 10 ay dapat nandito na, 10 na kaya!" Napatingin ako. Kasama sila sa team building?

"I dont know, okay? Ask Crim!" Ano daw? Ica? Crim? Wait..

Sila yung mga nakasabay ko sa eroplano! "Perez?" Tanong nung babae sa kanila na nagtatrabaho sa resort.

"Yup. Im Elijah Perez, and this is my cousin, America." Nakipag shake hands sila doon sa babae. Elijah Perez? America Perez? Sila may ari ng... PBI? At America? Yun ba yung sinasabi ni Trix na maganda? Tinignan kong mabuti. Panget naman eh.

"This way sir, hinihintay na po kayo ni Sir Arthur."

"Nandoon na pala si Daddy eh!" Hinampas ni America si Elijah. Sumunod na sila doon sa babae kaya ibinalik ko na ang tingin ko doon sa pagkain ko.

America Perez? Okay fine. Maganda siya. Biro lang yung sinabi kong panget siya. Trixie's right. Maganda siya. Pero, nope. Hindi ko siya gusto..

--------------------

P.S: PREQUEL PO ITO, MEANS FLASHBACK :)

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon