CHAPTER: O8

163 7 1
                                    

sorry sa typo & spacings huhu ipad lang gamit ko hahaha

AMERICA'S POV

Papunta na kaming airport ni Nala. Maiiwan na ako sa Pilipinas, pero si Nala, ay babalik dito sa New York dahil may parang tour siya. "Nala, nakita mo yun? Ang gwapo?"

"Saan? Saan?" Humalakhak ako.

"Biro lang!" Hinampas niya ako sa braso pero patuloy pa rin ako sa pagtawa.

"Sus, akala mo ha. Pagdating natin sa Pinas, papupuntahin ko si Rome sa bahay niyo!"

"Kaya mo? May number ka niya?"

"Syempre! Wala!"

"Wala naman pala eh!"

Saktong dumating kami sa airport. Kumain muna kami, pampalipas oras at nag check in na ng gamit. Tinawag na ang flight number namin. I can't wait. After two years! Makikita ko na naman ang mga pinsan ko.

48 hours ang flight ar tinulugan ko lang iyon. Tumingin ako sa bintana at nakikita ko na ang maliliit na bahay mula sa taas. Nag-announce ang stewardess na 10 minutes na lang ay lalapag na ang eroplano.

Nang lumapag na ang eroplano, agad kong inayos ang sarili ko. "Nandito na tayo!" Sabi ni Nala. Sobrang excited na ako! Parang sasabog ang puso sa magkahalong kaba at excitement.

"Come Lean, grab your bag." Hinawakan ko ang kamay ni Lean.

"Ate, who will pick us up?"

"I don't know, maybe Eli." Lean's turning 10 next month. Ang laki laki na niya, pero he will still be my baby bro.

Nang makaalis kami ng eroplano at makuha ang bag namin, hinanap ko kaagad ang mga pinsan ko at nakita ko si Crim na kumakaway, tumakbo si Lean papunta sa kanya. "Ate!"

"Hi, Lean!" Niyakap siya ni Crim. "Ica!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Oh my god, dami ko'ng kwento!"

"About what?" Tanong ko kay Crim, kinalabit naman ako ni Nala.

"Ica, sunod ako sa inyo mamaya, dito na driver namin." Sabi ni Nala.

"Yup! Sige." Sabi ko kay Nala.

"About Rome!" Ngumit siya sa akin na nakakaloko. Oh, great.

"Nako! Ituloy mo yan mamaya sa kotse."

Pagsakay namin sa kotse......

"O, eto na nga! Palagi ko siyang nakikita dyan sa BGC! Tapos.."

"Crim! Wag ka ngang pabitin effect!" Oo, hanggang ngayon syempre gusto ko pa din yung tao. Dahil di naman ako nakipag-break sa kanya dahil di ko siya mahal. Nakipag-break ako sa kanya dahil magiging komplikado ang lahat.

"Tapos... Wala lang! Lagi ko siyang nakikita." Tumawa siya at hinampas ko naman siya sa braso.

"Kainis! Yun lang pala!"

"Well.. gwapo pa rin!"

"I know." Akala ko naman kung anong ikukwento niya, excited pa naman ako!

"Gusto mo, daan tayo ng BGC? Malay mo nandun siya!" Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Eh. Bukas na, pagod ako." Nagsasabi ako ng totoo. Pagod talaga ako. Jetlag, super.

"Kj. Joke! Sige! Basta bukas ha?" Tumango ako. Medyo malayo ang bahay mula sa NAIA kaya tinulog ko na lang iyon dahil sa sobrang antok ko.


Pagdating ng bahay, ang dami ng pagkain na nakahanda sa long table. "Wow, baket nagluto pa?"

"Ica!!!" Sigaw ni Pin habang pababa siya ng hagdan. Kumaway sa akin si Monte, kumaway naman ako pabalik. "How are you, New York girl?" Natawa ako sa tanong ni Pin.


"Better than ever!!" Hinanap ko si Elijah, pero wala siya. "Saan si Eli?"

"Ah! He's with Rese and Fran. Nagpunta sa Cruz, uyyy!" Hinampas ko siya sa braso. Ano ginagawa nila doon? Unang pumasok sa isip ko ay susunduin nila si Rome pero imposible naman.

"Anong ginagawa nila doon?" Tanong ko.

"May inaayos na papers." Tumango ako.


"Ica!" Sabi ni Bianca pagpasok ng pintuan

"Hi! How are you and kuya Stephen?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Uy! Wala na yon. Wag na balikan ang nakaraan." Nagtawanan kami.

"Bitter." Sabi ko at napatingin siya sa may hagdanan.

"Oh, ayan na si tito."

Pagkasabi niya non ay kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa hagdanan at nakita ko si Daddy na nakatayo doon. Lumapit ako sa kanya. "Hi, Dad."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap yung nangyari, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. "We'll talk later."

"Okay, Dad." Kakauwi ko lang, ito na naman? Hindi na natapos.

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon