CHAPTER: 1O

185 10 2
                                    



"Kita mo yun? May girlfriend na!" Sabi ko kay Nala at binuksan ang TV. Kakauwi lang namin ng bahay. Si Crim katabi ko. "Mali talaga na pumunta tayo doon!"

"Kasama niya yung girlfriend niya?" Tanong ni Crim. Tumingin ako sa kanya.

"Alam mo na may girlfriend siya?" Kinakabahan ako kay Crim. Alam ba niya na may girlfriend si Rome?

"Hindi. Nagulat nga ko sa sinabi mo eh!"

"Ica, uwi muna ako. Tinatawagan ako ni Mama eh." Sabi ni Nala.

"Sige, text kita later." Umalis na si Nala at dahil doon bored na bored na ako. Nagsi-datingan na ang mga pinsan ko at nagyaya si Rese na manood ng Twilight. Kahit ayoko manood ng romance ngayon, pumayag na lang ako.

"Mon, set up the TV." Utos ni Rese kay Monte. Habang nanonood kami ay biglang nagring ang phone ko. Di ko sinasagot dahil tutok na tutok ako sa screen dahil yung scene na kung saan kailangan nilang ilayo si Bella kay Victoria ang ipinapakita. Hindi pa rin tumitigil sa kaka-ring ang cellphone ko.

"Ica, answer please!" Sabi ni Pin. Okay. Okay. Pagtingin ko sa screen ng phone ko ay 'ROME' ang nakalagay.

"Rome?"

"Tumawag sayo!?" Sabi ni Elijah. Lahat ng pinsan ko ay tumingin sakin.

"Hindi, nagbook ako ng flight papuntang Rome?" Wow Ica, cute mo magsinungaling. Hindi halata, promise.

"You know what? Answer it. Alam ko'ng si Cruz yan." Umalis ako ng living room at nagpunta sa labas ng bahay.

"Hello?" Kinakabahan ako. He called. He finally called! At this time, nasagot ko na yung tawag niya.

["Hey, si Rome to."] kinagat ko ang labi ko para pigilan na ngumiti.

"I know." Anong sasabihin ko? Yung isip ko parang asdfghjkl ngayon!

["What? You never deleted my number?"] natawa kami pareho.

"Ikaw din oh, di mo dinelete ang number ko." He didnt. Does that mean na hinihintay niya ako?- oh wait, may nililigawan pala.

["Why would I delete your number?"] Hindi ako sumagot. Ayoko magsalita, dahil natatakot ako, baka may masabi akong mali. ["Ica? Hello?"]

"Nandito pa ako." Ngumiti ako kahit alam ko naman na di niya ako nakikita.

["Hindi ka ba masaya na tumawag ako?"] Masaya...

"I don't know."

["Anong meron?"] Gusto kong magmura. We sound like a freaking couple and I dont like it!

"May gusto ka'ng iba." Tumingin ako sa taas at huminga ng malalim. Ica, you dummy. Don't cry.

Tumawa siya. One sarcastic laugh. ["Sino? Ako?"] Lumamig ang boses niya. ["Bakit ba ang manhid mo?"]

"I'll call you later. Bye." Hindi ko siya kayang kausapin. Bakit siya nagpapakita ng motibo? Gulong gulo na ako.

Nandito pa din ako sa labas ng bahay nang marinig ko ang pagstart ng kotse. "Ica, Sama ka?" Yaya ni Crim.

"Where?" Tanong ko. Sumakay na din si Elijah sa kotse niya at inistart ito.

"Susunduin si Fran and then Valk."

"Alright, Valk sound good tonight." Hindi naman masamang uminom, diba? Im so confused right now at ang paginom lang ang nakikita kong sagot. Its not bad to be bad sometimes.

Dalawa ang sasakyan at mas pinili kong sumakay kay Elijah dahil alam kong safe. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa pagdrive ni Monte, pero si Monte kasi ay mabilis magdrive at ayoko ng mabilis. "So, anong meron sa inyo ni Cruz?"

"What? Nothing. We're not even... Friends? Or maybe were friends? I dont know!" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Friends ba kami? "And, ano naman kung tumawag siya right? Ako ang tumigil sa kung anong meron kaming dalawa. Siya ang nasaktan.. Well, nasaktan rin naman ako but it wasnt my choice!"

"Hindi kita maintindihan, pwede mo naman siyang ipaglaban. Si Tito ang may mali, hindi ikaw. Bakit hindi mo siya pinaglaban? Stupid."

Then it hit me. Para akong binagsakan ng malaking bato. Bakit nga ba hindi ko siya pinaglaban? Kahit ako, hindi ko rin alam ang sagot. Siguro masyado akong nagpadala kay Daddy, I was like a puppet. He controls me.

I am lost in my own thoughts nang tumigil kami sa isang malaking building. "Anong ginagawa natin dito Eli? Nananadya ka ba?" Nasa tapat kami ng Cruz Corp! What if, pababain ako ni Elijah? What if, set up to? Napaparanoid na ako!

"Sinusundo si Fran. At hindi ako nanandya."

"Anong ginagawa ni Fran?" Nag-apply ba siya? Bakit? Nababaliw na ba siya!?

"Sales talk."

"What do you mean sales talk?" Tumingin ako sa bintana, nakita ko si Fran papalabas ng building. Is that Luke? Bakit nandito sa Manila? Pwede naman sa branch ng Davao siya? Oh nevermind, bakit ko sila iniintindi sa oras na ito?

"Your Dad wants companies to bid for our investments. Alam mo na, maraming company ang may gusto dahil lumalaki na ang business." Paliwanag ni Elijah.

"Tapos? Kasama ang Cruz Corp sa bidding? Huh! Of course hindi sila papayag kasi-"

Biglang bumukas ang pintuan sa likod ng kotse at pumasok si Fran. "They said yes! Finally! After two weeks of convincing Rome!"

Halos mamatay ako sa sinabi niya, "Si Rome na ang namamahala ng Cruz Corp?"

"Yup, sinc ang Mommy niya ang nag-aasikaso sa branch sa Davao at Cebu." Tumango lang ako. "By the way, Ica. Favor? Pwede ikaw ang magdala ng record ng sales natin? Pupunta naman ako ng Malaya bukas para makipagusap sa kanila."

I am not okay.

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon