CHAPTER: 17

157 10 0
                                    





"Dad, Lean and I will leave tomorrow." Sabi ko kay Daddy habang inaayos ang kanyang neck tie. Birthday ni Crim ngayon and the event will start in 5 hours. Naghahanda pa lang kami dahil ako ang tumawag kay Trixie para ipa-deliver ang gown. May defect kasi ang isang gown kaya ibinalik, ngayon lang natapos. Tumingin sa akin si Daddy.




"You're leaving for New York? Paano ang bidding?" Tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang buhok ko na formal na naka-ayos at tumingin sa kanya na busy pa rin sa pag-aayos ng neck tie. 




"We'll be back before the bidding. Kaya please ask tito Calliope to get my visa ready so I won't wait too long." Lumapit si Lean sa akin at inabot ang kanyang neck tie. "My baby boy is grown up already!" Kinuha ko ang neck tie sa kamay niya at nilagay ito sa kanya. 




"Im turning ten this month!" Ngumiti siya sa akin. "Ate, high five!" Tinaas niya ang kanang kamay niya. 




"High five!" Sinalubong ko ang kanyang kamay at niyakap siya. "You're so big na!" Binitiwan ko siya at tumingin kay Daddy na nakatingin sa aming dalawa ni Lean. "Yes, Dad?" 




"Nothing, tawagin mo na ang Mommy mo. Aalis na tayo." Tumango ako at tinawag naman ni Daddy ang driver namin para ihanda ang kotse. Ako naman ay tinawag na rin si Mommy, at habang palabas ng bahay ay napagtanto ko na dadalhin ko ang kotse ko. 




"Dad, can I bring my car?" Sana ay pumayag si Daddy. I really want to drive at hindi ko alam kung bakit. "Baka kasi ay lumabas kaming magpipinsan? Or baka doon na ako matulog sa bahay nila Crim." 




"Okay, kapag doon ka matutulog make sure you'll be back here by 8 am. You will leave tomorrow, don't drink too much, America." 




"Yes, Dad." Pumasok na sila Mommy at Lean sa kotse at nang pinaandar na nila ito ay sumunod ako. It feels great to drive, though, I want a new car because this car is old. Balak ko rin magipon pero sobrang hirap mag-ipon lalo na kapag nandoon sa New York, kaliwa't kanan ay puro damit ang nakikita ko, puro sale pa! Minsan nga gusto ko maging bulag for a day para hindi ako makabili, pero no choice! 




Bumaba ako ng kotse ko at sobrang daming tao. May mga ilang reporters rin ang nandito, hindi na ako magtataka pa. I saw my cousins in one table at mukhang ako na lang ang hinihintay nila. "Ms. Perez! Ms. Perez!" Tawag sa akin ng isang reporter, lumingon ako sa kanya at ngumiti. "We haven't seen you for years! Where have you been?" 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon