CHAPTER: 23

167 8 1
                                    



Bago pa ako makahanap ng condo ay agad na tumawag sa akin si Rese at sinabi na pinapapunta ako ni Daddy sa building. Gusto ko sanang tumanggi pero naisip ko na ito a rin ang pagkakataon para makausap at matanong si Daddy kung ano ba talaga ang problema niya. 




Nang makarating ako ng building ay agad akong nakipagsiksikan sa elevator. "Good afternoon, po!" Bati sa akin ng isang empleyado. Ngumiti na lamang ako at naghintay ng aking palapag. 


Habang naghihintay ay hindi maalis sa isip ko kung makikipagbati na ba ako kay Rome o hindi muna. I am in a bad mood tapos ay gaganunin niya ako. Napahawak na lang ako sa noo ko, I am so frustrated right now! 



Nang tumunog ang elevator sa floor ng office ni Daddy ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng elevator. Pagbukas ko ng office niya ay nakita ko si Rese at Elijah na nakaupo sa harap ni Daddy. Nakahalukipkip si Daddy at si Elijah naman ay matalim ang tingin sa akin habang si Rese ay parang may gustong sabihin pero natatakot siyang ibuka ang bibig niya. 



"What did you do this time, America?" sabi ni Daddy. 




"I am just trying to defend myself, that's-"



"Defending yourself? Saan? Sa pagsama buong gabi sa Romeo na iyan?" Sigaw ni Daddy. Im not scared kahit na sumigaw na siya. Alam ko kung ano ang mali ko, inaamin ko iyon, mali na nakitulog ako sa bahay ng lalaki, pero may rason naman ako kung bakit ko nagawa iyon. 




"It's not like we did something, Dad! Nakitulog lang ako, that's it!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kalumot ang utak nila. Malaki na ako at alam ko kung ano ang tamang gagawin. "I dont know why you treat me like a baby, Dad. Bakit kay Fran ay hindi ka naman ganito? May mali ba sa akin ha? Ang unfair mo!" 




"I have my own reasons, America!" Napakunot ang noo ko. 




"Well, I have my own reasons too, Dad!" Naningkit ang mga mata niya. "Oh, iiwan ko nga pala sa inyo si Lean. Mawawala ako sandali. Don't ever teach him bad things like how to be unfair, do you understand, Daddy?" Hindi ko na hinintay na magsalita si Elijah dahil sobrang naiinis na ako. Papalabas pa lang sana ako ng office ni Daddy ay naharang na ako ni Elijah. "Damn it! Umalis ka at aalis na ako!" 




Huminga ng malalim si Elijah at nagsalita, "Ica, say sorry to your father." 




"Ako ba ang may kasalanan? Bakit ako hihingi ng tawad kung siya mismo ay hindi marunong humingi ng tawad." Tama naman ako, gusto ko ay siya muna ang humingi ng tawad bago ako. Hindi niya kasi maamin sa sarili niya na may mali siya kaya ganyan siya. Akala niya ay tama lahat ng ginagawa niya. Ang gusto ko lang naman ay matanggap nila si Rome. Yun lang, okay na ako. 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon