CHAPTER: 12

185 8 1
                                    



"Oh bakit ka naka-simangot?" Sabi ni Fran habang sinasara ko ang pintuan. Kakarating ko lang ng bahay at nagpasundo ako kay Monte dahil nag-text siya na papunta siya dito sa bahay kaya nagpasundo na ako. Sobrang traffic at isa iyon sa dahilan kung bakit naiinis ako ngayon, sobrang gusto ko na umuwi para matulog pero dahil sa traffic doble ang tagal. 




"Wala, wag mo na alamin." Bagot na sabi ko. Dire-diretso ako paakyat sa kwarto ko, alam ko na parating na ang mga iba kong pinsan pero wala akong panahon para i-entertain sila at lagi naman silang nandito kaya sure ako na kabisado na nila itong bahay. 




"Ate, saan ka galing?" Tanong ni Lean. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kasi kapag sinabi ko na galing ako kay Rome, magtatampo siya. Tumingin ako sa kwarto ko na nasa tapat ko na, ugh, konti na lang!




"Wala, sa labas lang. Why? Kumain ka ba ng lunch?" 




"Ah, yes. Kumain na ako ng lunch, naghanda si yaya."  




"Uhm, let's talk later okay? Ate will sleep lang." Tumango siya. Nagpunta na ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at humiga na sa kama. Pero nakakainis! Hindi ako makatulog. Kung kailan nandito na ako sa kwarto, nakahiga na ako, hindi na ako makatulog. Pumikit ako pero biglang bumukas ang pinto,




"Ica! May tao sa baba." Hindi ako dumilat pero alam ko'ng si Jash iyon. 




"Sino?" Tanong ko habang nakapikit pa rin. Napansin ko na ang tagal niyang sagutin ang tanong ko kaya dumilat na ako at tumingin sa kanya. Nakatayo siya sa pintuan ko at nakatingin sa akin na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba kung sino ang taong nasa baba. 




"Uh, ikaw na ang tumingin?" Tumango na lang ako at sinabi na susunod ako. Hindi rin naman ako makatulog kaya okay lang. Pababa pa lang ako nang marinig ko na sumisigaw si Lean at tumatawa. Doon pa lang ay kinabahan na ako. Nakita ko si Elijah na nakaupo sa may dining area at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sa akin ng ganon. 




"Bakit ka nandito?" Tanong ko, malayo pa lang ako pero nakikita ko na si Rome. Anong ginagawa niya dito? Ngumiti si Lean sa akin, wala siyang alam. Hindi nga niya alam na wala na kami. Hindi ko sinabi sa kanya, kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka magalit siya sakin. Hindi rin niya alam na kapatid niya si Rome―Shit. Bakit hindi alam ni Lean na kapatid niya si Rome kung kasama niya ang Mommy ni Rome for 7 years? 

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon