CHAPTER: 03

339 10 1
                                    

"Mia, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala sakin yung lotion na sinasabi mo!?" Sabi ni Ace habang kausap niya si Mia sa phone niya. Ewan ko ba sa dalawang to. Mukhang malabo na magbati. Lagi na lang nagaaway. Parang mga aso't pusa. "Wala nga sakin diba?! Bumili ka na lang!" Habang pinapanood namin ni Travis si Ace na magmukhang tanga habang kausap niya yung kapatid niya sa phone, bigla namang nagtext sa akin si Mama.





From: Mama

Pupunta ako dyan. By 11 siguro ay nandyan na ako, then pwede na kayo umuwi sa Davao.





Masaya ako na malungkot doon sa sinabi ni Mama. Masaya ako kasi uuwi na ako at hindi na ako mabobored. Malungkot ako kasi mamimiss ko yung dagat.





"Jesus Mia! Maghanap ka nga at wag yang bibig mo ang ginagamit mo panghanap!" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa. Hindi ko maimagine kung magkasama yung dalawa ngayon at nagaaway. Siniko ako ni Travis kaya napatingin ako sa kanya.





"Tara na. 8 magstart yung unang activity" Sabi niya sabay hila sa akin palabas ng room namin. "Hoy Ace tara na!"



Nagpunta kami doon sa venue kung saan gagawin ang first activity. May malaking net na nakalagay sa gitna. Beach volleyball kasi ang gagawin namin. Mayroong walong mga company dito, at hinati kami sa dalawang grupo. Kasama namin ang mga Perez at hindi ko naman inaasahan iyon.




"Oh? Sino ba ang naglalaro dito ng volleyball?" Tanong ng pinsan ni America na si Jashmine.



Siniko ako ni Ace. "Ikaw na ang magprisinta." Marunong naman ako maglaro pero nahihiya lang talaga ako.



"Wala ba?" Tumingin siya sa akin. "God, Crim ikaw na ang maunang mag serve." Bumaling siya ng tingin sa pinsan niya tapos sa amin. "I need six players. Si Crim yung isa, so five na lang."



Nagbulong-bulungan yung iba namin mga kasama. "Ikaw? Gusto mo?" Turo niya sa akin. Tumango na lang ako. Bahala na. Kailangan kasi makakuha kami ng mataas na points dito sa team building, para sa future may shares kami dito sa PBI. At may pag asa na matulungan nila kaming lumago yung business namin.




"Ica punta doon, Pin ikaw rin." Ang mga kasala sa first set ay ako, si America, Jashmin, Crim, Pin at si Travis.



Nagpunta na kami sa mga pwesto namin at pumito na yung kinuha nilang referee. Nandoon sa kabilang grupo yung bola kaya sila ang naunang magserve. Nasalo naman agad ni Pin yung bola. Tinira ni America para mapunta doon sa kabila. Hindi nila nasalo dahil spike ang ginawa ni America.

America & Rome: book 2 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon