“Bakit ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito.
“Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad.
“Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya.
“Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere dahil sa pagkabigla sa reaksyon niya. Hindi kasi siya komportableng hinahawakan ng iba dahil na rin sa mga nangyari nitong nakalipas na taon.
Hindi naman sa mailap sa kung ano pero mas maganda kasi sa pakiramdam na walang sumusubok na humawak nang pabigla-bigla sa kaniya, lalo’t pakiramdam niya hindi pa naghihilom ang sugat ng nakalipas na trauma sa dating kasintahan.
Oo, nahawakan din siya ng iba pa nilang kasama noong nawalan siya ng malay kaso iba ang pakiramdam niya ngayon dahil sa noo ito humaplos. Isang bagay na nagpapaalala sa gusto na niyang makalimutan pa.
Ganoon pala iyon, oras na may bagay o sitwasyon na una mong naranasan sa espesyal na tao para kang uhaw na gustong paulit-ulit na maramdaman ang parehong pakiramdam, pero oras na napunta ka sa sitwasyong iyon; sa parehong taong nagparamdam sa ‘yo noon, pero nagbibigay na ng masamang alaala ngayon parang bangungot na lang na gusto mo ng makalimutan.
Hindi naman siya nakaranas ng pananakit sa taong iyon ngunit pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang nagpapaalala rito sa hindi malamang kadahilanan. Siguro dahil madalas nitong hawakan ang noo niya noong sila pa kaya hanggang ngayon hindi pa siya handang maalala ang mga bagay na magpapabigat lang ng dibdib sa kasalukuyan.
Hindi naman sa tumatakas, ang punto ay iyong parang kang sinisilaban na kung ano. Iyong pakiramdam na kasabay ng pagbalik ng alaala ay iyong pagdausdos din ng mga masasakit na bagay na nagpapakita kung paano mo sinubukang tumayo ulit pagkatapos mong mawasak ng paulit-ulit sa masaklap na katapusan ng kasiyahang iyon.
Hindi rin naman sa sobrang pagiging sensitibo sa reaksyon sa kaganapan pero ang punto kasi ay iyong pakiramdam na parang ayaw mo munang balikan ang kahit anong bagay na nagpapaalala rito, upang maging magaan ang pagdadala ng kirot na nag-iwan ng masakit na eksperyans na kung saan magiging dahilan pa upang maging ibang tao siya.
Hindi naman kasi madaling tanggapin at unawain na lang ang lahat ng nararamdaman pero ang hirap kapag nasa punto kang sarado pa ang isip para maunawaan ang mga bagay. Iyong pakiramdam na kahit anong pilit mong sabihin sa sarili mong okay ka na at nakapag-move-on ka na, hindi pa rin aayon sa takbo ng puso’t isip mo.
Hindi pa rin masasabing maayos ka na talaga dahil hanggang sa huli, mananatili pa rin ang salitang sugatan ka sa loob at nasa labas ang pilat ng nakalipas. Paano, sa pamamagitan ng pagiging “victim conscious” sa lahat ng nangyari. Iyong dumating ka sa puntong sarado ang isip mo upang sabihin na may pagkakamali ka rin, kundi nandoon ka sa sitwasyon na sinisisi mo ang lahat ng mali sa taong nakasakit sa ‘yo.
Wala naman masama kung dumating tayo sa puntong iyon. Natural na maramdaman nating mali o tama tayo pero sana dumating ang puntong matuto tayong tanggapin na okay lang maging sarado pero dapat may gawin tayo upang mas maging mabuting tao pagkatapos natin maging basura, o hindi pa maging sapat sa paningin ng taong tulad natin naging sugatan dahil sa sugat na mayroon sa taong minahal lang din nila.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...