D/S 48: THE BREAKAGE

28 12 0
                                    

Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra.

         “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee.

          Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito.

         Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng tingnan. Hindi niya alam kung saan ba ito nagsu-suot para magmukhang naghilamos ng putik.

         Maging ang kasuotan nitong beige ay nagmukha ng nilublob sa putikan. Parang nagdadasal din ang mga palad nito habang nagmamakaawa. Bakas din ang takot sa mga mata nito na animo’y humihingi ng tyansa para sa buhay.

        Napaisip tuloy siya kung sino ba ang babaeng ito, para kasing may hawig ito. Hindi nga lang niya maalala kung saan ba niya nakita ito. Gayon din, pinakatitigan naman niya ang babaeng nakaharap dito. Likod lang ang natatanaw niya sapagkat nakatalikod ito sa parte nila.

         Ganoo’n pa man, isa lang ang nasisigurado niya. Mukhang mapanganip ang babaeng ito. Hinihiling niyang huwag sanang magtagpo ang landas nila kung sinuman ito. Balingkinitan ang katawan nito na sadyang pamatay talaga ang hubog ng katawan. Hindi maiiwasang gamitin nito ang katawan para makahanap ng mahuhuling-isda. Kumbaga sa pamingwit, kukuha ka ng pain para makabingwit ng maraming malansa.

         At base naman sa pag-uusap ng magpinsan, mukhang kilala ng mga ito kung sino ba ito. Hindi malabong tsismis lang ito. Uso man ang mga tsismosa at tsismoso, sa huli maaring may katotohanan pa rin.

        Huwag lang iyong nadagdagan at nabawasan na. Iba-iba kasi ang persepsyon ng tao kaya maaring iba rin ang dating ng usapin sa mga nakakarinig sa simpleng salita lang.

        Sa patuloy din niyang pag-oobserba, napukaw ang atensyon niya nang may sumigaw. Mula ito sa kabilang gusali sa ’di rin kalayuan ng departamento nila. “Yeah, Idol, I love you.”

         Isang grupo ng mga kalalakihan na para tuwang-tuwa pa sa mga nagaganap. Wala rin pakialam ang mga ito kung halos mamatay na sa pagmamakaawa ang kung sinuman na binabanatan.

           Tuwang-tuwa pa nga ang mga itong nakadungaw sa balkonahe na parang isang palabas sa sinehan ang nagaganap. May nagsusulsol pa habang awang-awa naman ang iba. Ganito talaga ang tao sa mundo. Hindi lahat maaaring maging kaibigan. Madalas kaaway at mga taong nais manghatak pababa. Kumbaga sa elevator isang direksyon lang ang pupuntahan. Up and Ground.  

           “Baka may nahuli na naman, alam na parang mauubusan ng lalaki. Halos lahat na ng mga lalaki rito nakuha na niya. Hindi man lang nahiya sa parents niya. Nakakahiya sa mga freshman,” sagot naman ni Ashlee na parang wala siya sa tabi ng mga ito. Saka lang niya napansin na kasama pa pala niya ang mga ito.

          Madalas out of space siya. Kumbaga sa pangarap laging may sariling gusto. At kung sa talento naman kaniya-kaniyang kakayahan. We can’t expressed ourselves if we’re always making false personality just for the acceptance of others.

         It’s not a mistake if we let ourselves learn from others or let others teach us and yet being the real us was a perfect rhythm of what they called true self. It’s different learning and yet it’s our own ways on how we build ourselves into a new perspective of living in the present moment.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now