Matapos ang ilang minutong paglalakad at paglilikot ng mata sa kapaligiran tuluyang silang nakarating sa pupuntahan.
“Wow! Bes, ang ganda rito. Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang ganda talaga,” animo’y kinikiliting turan ni Alily ng nasa tapat na sila ng gymnasium.
Maging siya’y labis ang pagkamangha sa napakagandang infrastrakturang hindi niya alam kung paano ba ginawa. Sa bungad pa lang makikita na sa pinakatoktok ang naglalakihang pangalan ng Las Santidos University gymanasium na nakukulayan ng maroon.
Nakadesenyo ito sa malahiganting orasan na may nilalang na nakayakap habang may naglalakihang mga pakpak na nakukulayan ng itim at pula maging sa buong kabuuan nito. Nawala lang siya sa pagsuri nito nang biglang magsigawan ang mga nasa loob ng gymnasium. Napuno ng tilian mula sa mga kababaihan habang umalingawngaw naman ang sigawan ng mga kalalakihan.
“Sindy, anong nangyayari? Ba’t ang ingay sa loob?” nakakunot-noo na kapit muli ni Alily sa braso niya matapos siyang iwan.
“Hindi ko rin alam. Sandali nga, Alily, huwag mong hatakin damit ko. Kanina ka pa,” reklamo niya matapos mapikon dito. Ayaw kasi niyang nalulukot ang damit kahit hindi pa ito naplantsa.
Hindi naman importante kung naplantsa o hindi ang suot pero mas mainam pa rin na may kaayusan at kalinisan sa kasuotan. Oo, hindi lahat kompleto ang gamit sa bahay o mayroong plantsahan pero nagagawan naman iyan ng paraan sa pamamagitan ng paglalaba ng tama at hangga’t maari gumamit ng hanger kapag nagsasampay ng mga importante upang mapanatili ang postura ng damit para sa ikakaayos na rin ng magiging itsura.
Hindi importante ang mamahalin o napakalinis na damit as long as, kayang dalhin ng may gamit at kayang pangatawanan ang kasuotan magiging okay pa rin lahat. Aanhin ang magarang kasuotan kung walanghiya at walang modo ang magsusuot. Aanhin ang napakalinis at ayos ng suot kung sa loob naman ng may gamit, isang magulo at nakakahiyang pagkatao ang mayroon.
Hindi masamang maging maayos at desente pero kung gustong makakuha ng respeto unahin muna sa sarili bago ang physical na kaanyuan.“Sorry, nai-excite lang. Tara na nga,” nagmamadaling anito na akmang hahawakan pa sana siya pero nagpatiuna na lang. Kaya naman, sumunod na lang siya rito. Hindi na lang siya umimik pa at nagpatianod na lang. Ayaw na niyang pahabain pa ang diskusyon sa pagitan nila.
Gayon din, agad siyang napatingin sa pasukan ng gymnasium. Pinaghalong kulay itim na kayumanggi ang pyberglass na salamin nito na lubhang kaakit-akit. Ngunit lalo silang namangha nang pumasok ang isa nilang kamag-aral kung saan kusang nagbukas-sara ang pintong pinasukan nito.
“Wow, ang ganda talaga. I really loved it,” kinikilig na ani Alily na siyang napayakap pa sa kaniya.
“Ano ba, Alily, wait nga lang,” pigil niya rito na siyang ikinabitiw nito pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi.
“Welcome, Students! Welcome to Evil world. Ops, what I mean to say, Las Santidos University!” malakas na anunsyo ng nagsasalita mula sa mikropono na siyang ikinahalakhak pa nito pagkapasok na pagkapasok pa lang nila.
“Ha, Evil world? Kanina pa iyang evil world na ’yan, hindi ba sila nagsasawa?” puna ni Alily na siyang ikinatahimik na lang niya. Ayaw niyang magbigay komento, ewan ba niya, mukhang nahawa na siya sa silence baka may makarinig.
“Huwag ka nga magbulong-bulong diyan,” ani Alily na siyang ikinalingon niya rito. Hindi naman siya nagsasalita kaya anong problema nito.
“Yes, Students, handa na ba kayo? Ready na ba kayo sa Evil World? Ops, nadulas again. Nagbibiro lang ako,” anang nasa mikropono ulit na siyang ikinalingon niya rito. Humahalakhak muli ito na siyang parang nasisiraan ng bait.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Misteri / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...