“Ito na, maraming tao sa cafeteria,” maktol niya pagkalapag ng pagkain sa center table.
“Nagpapatawa ka ba, Syl? Maraming tao may foot,” puna ni Dammier na humalakhak pa.
“Ano naman ngayon kung maraming tao? Aanhin mo pa ang pagiging Heneral kung ’di ka rin bibigyan ng pribilehiyo para mauna? That's, nonsense, Sylier,” sagot naman ni Adminicous na bumangon sa pagkakahiga mula sa sopa.
Nagpalit ata sila ng ugali nito. Siya itong hindi makabasag pinggan sa Underworld tapos siya itong parang tangang sunod-sunuran sa mga ito ngayon. Gano’n ba talaga ang mundo, always duality in everything, parang buy one take one at take one take two pagkatapos cut.
“Parang pumangit ang kulay nito,” puna ni Adminicous pagkabangon.
Napatingin naman sila sa tinutukoy nito. Naghahalo ang itim-pula at dumihing-puti, maging ang mga upuan, center table ay ganun din ang tema.
“Naku, Adminicous, huwag mo sabihing nakalimutan mo. Ikaw pumili ng kulay niyan. Alam na kunwari ayaw sa special treatment,” komento ni Dammier. Nakangising taas ng paa nito sa center table; sa harapan nila.
“Ano ba, Dammier, may pagkain diyan,” sabat ni Xhander na kagagaling sa kusina. Agad nitong tinapik ang paa’ng nakapatong. Tinanggal naman agad ’to ng luko.
“Ito na naman po sila,” bulong niyang alam niyang narinig din ng mga ito. Paupo siya sa bakanteng bahagi ng sopa na nakaayos ng pa-kuwadrado. “Nga pala, Xhan.” Bato nito sa kung ano.
“Ayon oh, ang lupit mo, Syl. Thank you. The best ka talaga,” wika nitong tuwang-tuwa pa. Napayakap pa ito sa kaniya. “Paano mo pala nakuha ’to?” tanong nito matapos siya bitiwan.
“Here comes again, Xhan. Basta pagkain malupit. Ayaw patalo, basta kainan kakayanin kahit malapot at basang-basa pa,” biro ni Dammier na siyang ikina-halakhak ni Adminicous.
“Gago! Ano'ng akala mo sa akin, Okra?” komento ni Xhander na mas ikina-halakhak ni Adminicous. Ang dumi ng isip e.
“Sige, Admin, tawa pa, parang tanga lang,” seryoso sagot ni Xhander habang tinatanggal ang pagkain sa paperbag na dala niya.
“Grabe naman kasi, Adminicous. Halatang tigang ka na, ang dumi ng isip,” komento ulit ni Dammier na ginatungan pa talaga.
“Tarantado!” sagot ni Adminicous na mukhang napikon na. Tatawa-tawa tapos ngayon. . . . bipolar talaga.
Humalakhak naman si Dammier dahil sa reaksyon nito. “Ikaw nagsimula tapos ngayon pikon ka?” nakangising pang-asar pa nito.
“Part two na naman po sila,” bulong niya ulit. “Kumain na nga lang tayo,” pigil niya sa kulitan ng mga ito.
“Sylier, Paano mo nga ba nakuha ’to?” ulit ni Xhander na akala niya nakalimutan ng itanong. Naku, lagot na naman.
“Saan pa nga, Xhan. Si Sylier pa, the best iyan mangapa—mangapa ng mauutusan,” sabat ni Adminicous na siyang ikinahagalpak ni Dammier. Sabi na nga ba. Naluko na.
“Parang hindi naman natin kilala si Syl. Iyan pa hihingi ng number? Pagkakaguluhan iyan if ever,” sumbat pa ni Dammier na nakangisi. Okay, nasa kaniya na naman ang usapan.
“Ayaw niya kasing gayahin si Xhander, laging may 69,” komento ni Adminicous na muling ikina-halakhak ni Dammier. Naku talaga.
“Tangina, Dammier, kung makahagalpak ka wagas. Tuwang-tuwa sa 69, hindi ba puwedeng 60 seconds everyday within 9 days, before change?” paliwanag ni Xhander na siyang ikinailing niya. Isa rin sa abnormal. Ginatungan pa ang trip ng mga ito.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...