D/S 46: TAKE BACK A HEART

5 1 0
                                    

“Waiter Attire? E, si. . . ”putol ni Ashlee na mukhang nagulat din sa nakita. Kilala pa ata nito kung sino ang nasa harapan.

        Samantala, bakas naman ang pagkabigla ni Cierra nang makita kung sino ang lalaking itinuro ng pinsan. Kumindat pa ang lalaking tinititigan ng mga ito. Napakunot-noo naman siya at inalala kung saan ba niya nakita ang lalaki.

         Ngunit mas nanlaki ang tingin niya ng luminga ito sa dako niya. Kumindat din ito na siyang ikinabigla niya pero pinanatili niya ang pagiging matigas na parang walang pakialam sa ginawa nito.

        “S-Shit! W-Waiter? Baka nagkamali ka lang, Cie. A-alangan naman na si X-Xhander ang magdi-delivered ng pagkain na ’yan.” Turo nito sa pagkaing kinain nila kanina. Bahagya pa itong natawa bago napalinga sa mga nasa paligid.

        “Oh, M, si Xhander ba iyan? Ano'ng ginagawa niya rito? May kasama ba siya? Nasaan pa ang tatlo?” bulong ng ibang mga estudyante sa paligid ngunit dinig naman nila.

        “I-I don't know,” ani Cierra nang mahimasmasan. “Baka napagkamalan ko lang,” asik pa nito. “Mukha kasi, malay ko ba kung utusan na pala ang trabaho ng iba diyan,” paparinig nito.

        Dahil sa banat ni Cierra saka niya napagtanto na ito nga ang dating nobyo na nakita niya sa labas ng school noong kakarating pa lang niya. Tama nga naman ito, kamukha ng suot nito ang waiter na hindi nila namukhaan kanina.      

         “Ahem,” sagot ni Xhander habang nakatalikod na. “Okay lang maging maninilbihan kung ang pagsisilbihan ko ay ang reyna ko,” anito na mukhang hindi naman pabulong ang pagkakasabi.

         “Naks naman, Xhander. Talaga? Reyna mo? Ang sarap naman pakinggan,” komento ng kasama nito. May kasama pala ito. Halatang kinikilig pa.

         “Hays. . .  sabi ko nga, kakain na ako,” bulong ni Ashlee na binanatan ang hawak na sandwich sa trey na dala nito. 

         “Oo nga. . . . kumain tayo ulit. Tanggalin natin ang malas. Mahirap pa naman kung puro negatibo na lang. Madadamay pa tayo sa malas ng iba riyan,” banat ni Cierra saka kinuha ang pagkain din nito sa trey.

         Akalain mo iyon, hindi niya namalayang pangalawa na nito sa pagkain. Pabilisan lang ang labanan. Naiiling na lang siyang sumubo sa kinakain at hindi na umimik pa.

         “Grabe naman, Miss. Umagang-umaga malas agad? Hindi ba p’wedeng papunta pa lang kung sisimulan pa lang magkalat ng malas?” banat mula sa kabilang mesa.

         “Ano ka ba? S’yempre, hindi ah. Kaniya-kaniyang malas iyan depende sa atin. Tara punta na lang tayo sa paradise para walang malas,” hinaing ng babaeng kasama nito. Nanglalandi lang ang peg.

         Nagulat na lang sila nang humalakhak si Cierra. “Paradise, my foot! Ano iyan scenery sa baba. Grabe naman, ang saklap na paraiso,” nang-uuyam na komento ni Cierra na ikinanganga niya. Ano raw?

         Humalakhak naman ang nasa kabilang table bilang sagot. “Bakit may paraiso naman sa baba, kaya nga maraming nababaliw ’di ba? Sina-submarine pa nga kasi gustong-gusto makita ang view,” anito na ikinatampal niya sa noo. Ano rin daw?

         Humagalpak naman ng tawa si Cierra. “Sina-submarine o sinisibasib hanggang maubusan?” Napakuyom ito ng kanang-kamao. “Kaya pala, parang nauubusan sila kaya tumitira ng iba-iba. Ang saklap naman. Kawawa naman kaming mga nagpakatanga noon para magpa-submarine tapos idu-dugyot ka lang pala. Para kang nagpakain ng pirahna na sa huli ikaw rin ang kakainin ng buhay tapos kapag dugo-dugo ka na. Basura ka na lang!” banat ni Cierra. Nanginginig na ang kamao nito sa pagkakasara. Naluko na.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now