Sa patuloy nilang paglalakad patungong guardhouse napukaw ang atensyon niya nang mapansin ang gusaling nasa kanan mula sa kalayuan. Nakatayo itong natatakpan ng mga naglalakihang puno na may malalagong sanga. Kita rin dito ang kalumaan ng lugar kung saan may anim na palapag ngunit purong kayumanggi ang makikita sa kabuuan. Makapal at naglalakihan din ang mga damong narito kung saan iba sa nilalakaran nilang pino at naputol ng pantay.
Mas lalong hindi naalis ang tingin niya rito nang mapansin ang anino na nanggagaling sa ikaapat na palapag malapit sa hagdan sa gitna. Dumoble rin ang kaba niya nang maglakad at pumasok ito sa isang silid kasabay ng patigil at paglingon na hindi niya sigurado kung sa kaniya ba o sa kung saan. Hindi rin niya mawari ang kakaibang pakiramdam, nagtataasan ang balahibo niya sa batok kung saan parang wala siyang nararamdaman na kung ano sa paligid maliban sa mag-isa na lang siyang nakatayo habang nakatulala sa dakong iyon.
Hindi sa tinatakot niya ang sarili, ang punto rito matalas ang pakiramdam niya sa ganitong senaryo. Ayaw niyang mag-isip ng mga negatibong bagay o nilalang dahil hangga’t maari iniiwasan niya ang masangkot sa mga ito. Oo, nakakakita siya ng ada na naging kaibigan din niya pero ayaw niyang makakita ngayon ng iba pa dahil sa halip na makapag-aral, makapokus at makatapos siya e sa mental na abutin niya. Hindi sa over react pero malakas ang pakiramdam niya na iba siya sa lahat; na iba siya sa mga karanasan ng iba.
Hindi naman masamang maging iba ngunit kung ang pagiging iba ang magbibigay ng tunay na kasiyahan sa bawat isa bakit hindi yakapin. Gaya ng pagtanggap sa sarili na inaalagaan sa pamamagitan ng pagkain, pagligo, pagdumi, paglalagay ng kung ano, maging ang pagpapasaya sa sarili tulad ng pagbili ng accessories, damit, at iba pa. Walang masama sa pagiging iba pero kung ang kaibahan at pagtanggap sa sarili mismo at sa imperfection ang magpapasaya sa isang tao bakit hindi yakapin ng buo.
Hindi man madali ang pagbabago pero kung sisimulan sa sarili kung anong dapat gawin maaring makatulong ito sa hinaharap. Tanggapin sa sarili na iba tayo at kahit kailan walang tatanggap sa atin ng buo maliban sa sarili natin, dahil una sa lahat, tayo rin lang ang magpapalaya sa atin sa pagkakaroon ng disappointment sa tingin ng iba.
Hindi naman kasi lahat ng tao matatanggap at mamahalin tayo tulad ng ginagawa natin sa kanila, dahil gaya nila nagdaranas din tayo ng ups and down sa sarili at kung mayroon man na tumanggap sa atin ng buo malaking pagpapasalamat na iyon kanila at sa poong maykapal, dahil una sa lahat hinayaan niya tayong makakita ng taong tunay na magmamahal sa atin ng walang labis at kulang.
Sino bang ayaw sa pagtanggap at pagmamahal. Sino bang ayaw maalagaan at gawing mamahaling bato sa mata ng iba. Lahat naman ng nilalang sa mundo: tao, hayop, puno, halaman at iba pa kailangan ng pagtanggap sa imperfection nila pero una sa lahat tayo ang puwedeng tumanggap sa atin mismo, na sila at tayo na nangangarap na balang araw ay may tatanggap sa atin ng buo gaya ng pagtanggap natin sa kanila.
Ang matutunang mahalin ang sarili ng buo ang pinakamahirap gawin. Ang matanggap ang imperfection at kakulangan na sa tingin natin wala sa atin. Ang kasiyahan na matagal na nating hinahanap sa sarili na hindi lang pala sa panlabas na anyo makikita, at kahit hindi tayo magsalita o ang bawat isa sa bagay na gusto nating marating isang bagay lang gusto nating makamit—Happiness and contentment. Ang matagal na nating hinahanap pero nasa sarili lang pala nakatago.
Hindi madali ang proseso ng paghahanap ng sagot pero oras na matutunan ang pagtanggap at pagpapatawad sa sarili sa lahat ng pagkakamali, desisyon, imperfection ay saka lang makakamit ang matagal ng kakulangan na hinahagilap natin sa iba. Tayo lang ang makakapagbuo muli sa sarili natin, ang bubuo sa piyesang matagal na nating hinahanap sa iba. Na matagal na pala tayong naghahanap ng sagot pero nasa mga kamay lang pala natin kung paano masusolusyunan ang kakulangan na laging hinahagilap sa mundong ginawa natin mismo.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystère / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...