D/S 33: MEETING the OLD ONE's

5 1 0
                                    

“Sindy, okay ka lang ba,” basag ni Cierra sa katahimikan na siyang ikinalinga niya rito pagkatapos kina Brent, Atalia, Rocky at Ashlee na naghihintay ng isasagot niya.

        “Oh—okay lang ako,” sagot niya bago humalakhak ng walang bukas. “Kumain na tayo, ang sarap nitong niluto mo. Chief ka ba?” awkward niyang biro sabay subo na siyang mas ikinatahimik ng lahat. Tiningnan pa niya ang mga ito ngunit nakanganga lang sa kaniyang animo’y ang layo ng sagot niya.

        “Yeah, pangarap ko nga pero no worries magluluto ako ng mas masarap. Ito lang kasi ang nasa refrigerator kaya hindi na ako namili,” sagot ni Atalia na siyang ikinabalik ng sitwasyon sa dati. Bakas ang katotohanan sa pananalita nito, wala kang makikitang peke na siyang dahilan upang mapayuko siya. Nakangiti pa itong sumubo ng pagkain animo’y anghel na bumaba sa kalangitan.

        “Aasahan ko iyan, At, pati dapat may snack ah, iyong carbonara chicken toppings mo,” komento naman ni Ashlee na ikinaapila naman ni Cierra.

        “Sus, Ash, ang sabihin mo nakapokus ka sa Chicken toppings hindi sa carbonara. Kunyari ka pa, toppings lang naman kailangan mo tapos sawsaw sa sukang maanghang with rice. Gosh, Ash, tatamaan ka sa akin,” anang subo ni Cierra sa pagkain.

       “Wow, Couz, you bright, paano mo nalaman?” pang-aasar ni Ashlee bago humalakhak.

       “Naku, Ash, ngiting aso mo pa lang hindi ba magiging obvious?” banat ulit ni Cierra na siyang mas ikinahalakhak ni Ashlee.

       “Kung ako sa ’yo, Ash, maghahanap na ako ng girlfriend este katulong ko sa pagkain, ginawa mo ng chief ang pinsan ko,” singit ni Rocky na siyang painom na ng tubig.

       “Grabe ka, Rocs, Anong akala mo sa akin, paralisado?” banat muli ni Ashlee sabay halakhak.

       “Hindi nga ba, Ash?” singit naman ni Brent na siyang ikinalinga niya rito. Napatingin pa ito sa kaniya na siyang ikinaputol din ng tingin nito habang nakangiti. “Ahem, bakit ganyan kayo makatingin?” basag muli nito sa katahimikang namayani ng bahagya bago ang halik ni Atalia sa pisngi nito. Napatulala pa ito sa nangyari. 

        “’Yon oh,” anang sigaw ni Ashlee bago inasar ang dalawa hanggang sa nakita na lang niyang tumatakbong hinahabol ito ni Brent.

       Nakangiti naman si Atalia at Rocky na sa unang pagkakataon nakita niyang nakabungisngis. Hindi na niya alam kung ano pang pinagsasabi ng mga ito dahil natuon ang pansin niya sa paghalik. Ayaw niyang magkaroon ng hard feelings pero ang sakit sa mata na makita ang mga ito sa ganoong sitwasyon. Oo, tapos na sila pero hindi naman ganoon kadali na tanggaping okay lang ang lahat. Hindi ganoon kadaling maghilom ang sugat ng basta lalo’t walang malinaw na dahilan kung bakit ba sila naghiwalay.

        Oo, sabi nila minsan hindi na natin kailangan ng closure lalo kung nasa harapan na ang sagot pero hindi maiwasan na nais pa rin nating marinig ang katotohanan. Hindi sa para saktan ang sarili kundi para maramdaman nating enough na ang lahat. Enough na ang sakit para masabing over na talaga. Madalas kasi manhid ang puso ng tao, kahit nasa harapan na ang sagot hindi pa rin nakikita na sapat na ang lahat para masabing tama na, suko na at hindi na dapat pang ilaban lalo kung ikaw na lang ang lumalaban para sana sa laban ninyong dalawa.

        Hindi naman natin masisisi ang tao: nagmahal, nagbigay, lumaban, nagsakripisyo tayo kasi hindi pa natin kayang bumitaw pero okay lang iyan, atleast ’di ba kahit sa huling pagkakataon sinubukan pa rin natin kahit negative ang resulta. Walang masama sa pagbibigay ng buo pero kung handa na tayong tanggapin at hindi na dapat pa, sana magawa nating tumayo kahit para sa sarili na lang natin. Kahit mag-isa na lang tayo.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now