“Sindy! Nandiyan ka pa ba? Si Cierra ’to,” dinig niyang katok mula sa labas ng pinto.
Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagmumuni matapos iwan ang dalaga sa silid nito.
“Sandali lang,” sagot niya bago bumangon at nagtungo sa pintuan. “Maupo ka muna,” sinenyasan niya itong maupo muna sa kama. Wala naman siyang ibang maibibigay na upuan maliban doon.
“K-kakagising mo lang ba? O-okay ka lang ba? Hindi ba ako nakakaistorbo?” tanong nito pagkaupo.
“Hindi naman, actually, saktong gising ko rin. . . . Wait lang, ah, punta lang akong banyo.” Agad na siyang nagtungo rito upang maghilamus. Baka kasi magmukha siyang dugyot na may muta pa. Nakakahiya naman sa kaharap.
“Oh, kumusta pala? Okay ka na?” tanong niya pagkalabas ng banyo. Agad siyang nagtungo sa nakasabit na tuwalya at pinunasan ang mukha.
“A-Ano. . . nagpunta ako rito para humingi ng pasens’ya sa nangyari. Actually, nahihiya ako sa inasal ko. Pakiramdam ko hindi nararapat ang ipinakita ko. Pasens’ya ka na kung sarili ko lang naisip ko kanina, at hindi man lang iniisip ang nararamdaman mo. Pasens’ya na, ah,” dinig niyang paliwanag nito.
“Ano ka ba, Cierra, okay lang naman ako. Okay lang iyon. Hindi naman ako napahamak. And also, wala namang nangyaring hindi maganda. Huwag muna isipin iyon and relaks ka lang. Huwag ka ng mag-alala pa, okay lang iyon. Hindi naman natin maiiwasan mag-take ng risk kaya dapat masanay na,” pagpapahinahon niya rito saka nagsuklay sa harapan nito.
“Sorry talaga, Sindy. Pasensiya ka na, ah. Pagdating kasi sa lalaking iyon pakiramdam ko sobrang hina ko. Iyong feeling na pakiramdam mo lumulutang ka sa ere for some reason. Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ng lalaki ’yon. Basta ang alam ko hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya, still ang lakas pa rin ng dating niya kahit masakit na,” pagsisiwalat nito. Pinunasan pa ang mata na animo’y napuwing lang.
“Ano ka ba, Cierra, okay nga lang iyon. Huwag ka ng magpakaistress sa pag-iisip. Life and Love is a complicated situation on earth yet it's a process of understanding how things may work. It's okay to feel attached to someone because we love them, yet it's not okay to feel attached without knowing how to stand up for yourself. Don't forget, it's okay to love but never forget that it's not always sacrificing yourself to make others happy,” pagpapaliwanag niya.
“Sindy! Cierra! Nandiyan ba kayo? It's me, Ash. Paki-bukas naman, oh,” hiyaw mula sa labas ng pinto.
“Sandali lang,” pigil niya kay Cierra na patayo na upang pagbuksan ang pinsan. “Ako na,” sumenyas siyang diyan ka lang.
“Hi, Sindy, si Cierra?” bungad ni Ashlee pagkabukas niya.
Hindi naman siya sumagot bagkus agad nabaling ang tingin nito sa pinsang nakaupo sa kama niya. “A-ah, puwede b-b—”
“Pasok ka,” pigil niya sa sinasabi nito. Mukhang nagpapaalam pa kung puwedeng pumasok. Oo, nga naman, babae pa rin siya at hindi maganda na may lalaking papasok sa kuwarto niya ng basta.
“Couz, itatanong ko sana kung ano sa ’yo? Nakalimutan ko kasi iyong sinabi mo kanina. Busy ka kasi sa pagbabasa kanina ng libro ni L.M Montgomery e, may ginagawa kasi ako kanina,” bungad ni Ashlee sa pinsan nito.
“Burger with Ham & Egg lang ako saka Iced Tea,” ani Cierra na pinakikinggan lang niya ang pag-uusap.
“Okay, sige. Alis na ako,” anito sabay tungo sa pintuang kinatatayuan niya.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...