D/S 22: SINGHEL LEAVES

214 156 19
                                    

Nai-iling siyang nakaupo sa bench na nakukulayan ng maroon. May lawak itong labinlima na kataong puwudeng maupo ng tabi-tabi, maging sa itaas ay ganoon din. Sa suma-total tatlumpo na katao ang puwede mamalagi sa lugar na iyon. At nang mapatingin kaliwang dako hindi nakaligtas sa kaniya ang buong lugar.

       Napapalibutan ito ng bulaklak na kalatsutsi na may iba’t ibang kulay na siyang bahagya niyang ipinagtaka. Bukod kasi sa mga bulaklak na ito, puwede namang rosas o ano pang puwedeng gamitin pangdesenyo na lang sa paligid ngunit mas pinili pang ito ang gamitin. Weirdo lang.

        “Tsk!” Sa huli binalewala na lang niya at nagpatuloy sa pagkakadekuwatro sa tabi ng malaki at matandang punong nagpapakubli sa bench na iyon. Makapal at maagap ang pag-ugoy ng sanga ng puno kaliwa’t kanan na siyang mas nakakapagbigay lamig sa lugar. Katatapos lang ng laro nila ng basketball kaya napagpasyahan niyang magpahangin dito. Bukod kasi sa pagod siya gusto niyang malamigan ng ulo.

       “Badtrip! Ang dadaya ng kabilang kupunan. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ipinagbabawal ’yon samantalang obvious naman na pandaraya iyon.” Mga salitang gumugulo sa isip niya habang nakatitig sa kawalan na pawang mga punong umuugoy lang ang natatanaw.

       “Hoy, MVP, tara na,” sulpot ng kung sino sa tabi niya. Umakbay pa ito sa balikat niyang tuwang-tuwa na hindi na bago sa kaniya. Pinaglihi pa ata sa kalamansi dahil sa parang palagi itong kinikilig na ewan.

       “Oh, nag-effort ka pang maghanap?” Agad siyang tumayo at nakipagsanggang-dikit dito.

       “Hinahanap ka na ni coach, e, punta raw tayo sa Cafe dewon. Alam na, panalo pa rin.” Tapik nito sa kaniya matapos siyang makaupo ulit. At mula rin sa kinauupuan kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakangisi na naman ito, nasa personalidad na ata nito ang ganitong pag-uugali. 

       Napapailing na lang tuloy siya sa mga naiisip, pero hindi na nakaligtas sa kaniya ang gamit pa rin nitong varsity uniform. Mukhang hindi pa ito nagpalit at tulad niya pinaghalong pula at itim ang suot nito. At mula sa pagkakaupo ramdam din niya ang pagtulo ng pawis mula sa ulo. Kaya naman, agad niya itong pinunasan gamit ang itim na katamtamang laki ng tuwalyang nasa kaliwang balikat.

        “Mauna ka na, sunod na lang ako,” sa halip na sabi niya bago tinungga ang hawak na blue tumbler; may laman itong malinis na tubig.

        “Relax lang, Brent, nag-iemote ka na naman? Huwag mo sabihing—”agad itong tumitig sa harapan niya at sinuri ang mukha niya.

        Mula rin sa kinauupuan kita niya ang kabuuan nito. Matangos na ilong, makapal na kilay, makapal na labi, malaking pangangatawan na may malaking tiyan ngunit kahit ganoon magaan itong gumalaw at hindi iyong klase ng matabang hirap na hirap gumalaw.

       “Fuck, Dude, relax, huwag mo nga ko tingnan ng ganyan parang pati kaluluwa ko sinusuri mo,” wika nitong natatawa. “Sige, una na ako. Sunod ka na lang, baka naghihintay na mga chicks doon.” Kumindat pa itong nagtatakbo palayo. Napapailing na lang tuloy siya, siraulo talaga.

       Napainom na lang tuloy siya ng tubig muli at saka pinunasan ang tumutulong pawis na naman. Bagamat hindi ganoon kainit pero pawis na pawis siya sa sobrang inis. “Tsk!” buntonghininga niya.

       Agad din siyang napaisip kung bakit napasama siya sa basketball team. Wala kasi siyang hilig doon at mas gusto niyang kumain kaysa sumali sa mga sports na kung ano-ano ngunit ika nga nila dumarating sa puntong pagnagkakaedad ka nagbabago rin ang hilig at mga bagay na nakasanayan noon. Matangkad at katamtaman ang katawan niya oo, pero hindi talaga niya gustong magsasali sa kung ano-ano hanggang sa isang araw.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now