D/S 10: IMAGERY

260 164 24
                                    

“Buwisit! Bakit ba may mga nilalang na laging sumisira ng plano ko?” aniyang nanggagalaiti. Tinititigan ang gitnang parte ng silid. At nang hindi siya makuntento agad siyang sumuntok sa ere dahilan ng pagliyab ng kung ano sa harapan.

     Mula rin sa kinatatayuan wala ng tigil na sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel na apoy. “Damn it!”

     Naglalakad siya sa mapunong lugar na pawang katahimikan at huni ng ibon lang ang maririnig. At habang pinagmamasdan ang lugar nakikita niya ang naglalakihan at nagtatandaan na mga sanga, kung saan umaalingawngaw ang ihip ng hangin na siyang mas nagbibigay kaaya-aya sa nasasaksihan.

     Gayon din, mula sa malayo napansin niya ang kakaibang tunog ng kung ano dahilan upang makatawag pansin sa kaniya. Dahan-dahan niyang sinundan ang dakong iyon na siyang habang tumatagal animo’y may nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa ’di malamang kadahilanan. Dinig din niya ang naglalagablab na kalabog nito na animo’y atat na hindi siya mapakali.

     At habang papalapit mas lumalakas ang huni ng ibon na siyang umaalingawngaw sa buong lugar. Kitang-kita rin niyang mas dumodoble ang laki at lawak ng mga sanga rito, kung saan halos hindi na maramdaman ang sikat ng araw. 

    Gayon din, agad niyang napansin ang dalawang magkasalungat na daanan, ngunit mas nakatawag pansin sa kaniya ang kanang dako dahil sa animo’y nagbibigay pugay ang mga halaman dito at parang nahati-hati pa ayon sa disenyong iginawad.

     Sa patuloy na paglalakad mas humahangin at lumalamig na ang dakong iyon, animo’y hinehele ang pakiramdam niya. Dala ng kuryusidad mas pinag-igi niya ang paglalakad. Dinarama ang kakaibang sensasyong nagbibigay kaginhawahan ngunit pagtapak sa hangganan agad niyang napansin ang malaking puno.

     Napansin din niya rito ang mga nakasabit na damit na may iba’t ibang kulay, higit ang kulay itim na T-shirt na nasa tabi lang ng puno. Mula rin dito, kita niya pa ang iba na siyang nakakonekta pala sa kabilang bahagi.

     Mas malakas at mahangin na rin ang dakong iyon na animo’y may buhawing paparating upang manalasa. Gayon din, naaamoy niya ang malamig at preskong ihip ng tubig mula sa isang talon na malayo-layo lang sa puwestong kinatatayuan.

     Kaya naman, dahan-dahan siyang lumapit dito, at nang mahawakan ang itim na blusa. Isang rumaragasang imahe ang nagpahawak sa kaniya sa katawan ng puno.

     “Criselda—”sabay yakap sa babaeng nakatalikod. Humarap ’to sa kaniya at nagulat na lang siya ng magkabilang sampal ang tumama sa pisngi niya.

     “Ano’ng ginagawa mo rito? Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!” singhal ng babaeng may blondeng buhok at may nanlalaking mga mata.

     “Criselda, pakiusap—”aniyang nagkakandautal habang nakatitig pa rin sa may bilugan mga mata, matangos na ilong, medyo manipis na labi at kayumangging dilag.

     “Sinabi ko na sa ’yong ayaw na kitang makita ’di ba? Bakit ang hirap mong umintindi?—Ano pang hinihintay mo! Umalis ka na!” sigaw nitong itinuro pa ang kabilang dako.

     “Cris, pakiusap, tumakas lang ako para makita ka. Huwag mo namang gawin sa akin ito. Miss na miss na kita, Cris.” Isang magkabilang sampal muli ang tumama sa pisngi niya.

     “Mamatay ka na! Ayaw na kitang makita pa! Umalis ka na sa buhay ko! Ayaw ko ng pinupuntahan mo ako! Ayaw ko na sa ’yo!” hesterikal na hiyaw nito bago napahawak ang kanang kamay sa buhok. Bakas pa rin ang panggagalaiti nito.

    “Criselda, huwag mong gawin ito. Hindi ako nakapunta kasi nahuli ako ni Ama. Walang akong magawa, please, huwag mong gawin ito. Mahal kita, Cris. Mahal na mahal kita at gagawin ko lahat para—”

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now