D/S 24: THE LAST DECADE

35 12 1
                                    

Habang nasa biyahe siya halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dama niya ang pakiramdam na parang sinasakal siya na hindi malaman, animo’y may nagtutulak sa kaniyang huwag ng tumuloy at umatras na lang, ngunit malakas ang loob niyang kakayanin niya ang kung anumang magaganap dahil ginusto niya ito. Siya ang pumili nito para sa sarili kaya wala ng atrasan pa.

     Ganoon naman kasi dapat, kung anuman ang desisyong gagawin o susundin, handa rin sa maaring maging kinalabasan lalo’t hindi pa nakikita ang kalalabasan, pero sabi nga nila, kung hindi lalabas sa comfort zone o sa familiar place na nakasanayan paano malalaman ang hinaharap. Paano makikita ang liwanag sa kadiliman kung sasanayin na lang ang sarili sa dilim. Paano makikita ang araw kung tatakpan ang mga mata. Paano malalaman ang pakiramdam na mapaso, malamigan, masarapan kung hindi nanaising sumubok na maramdaman.

      Sabi pa nila, bawat nakaraan magbibigay ng kaalaman, pakiramdam at kahihinatnan, bakit, dahil ang kaalaman ang magtuturo ng dapat baguhin sa kasalukuyan, ang pakiramdam ang magbibigay ng damdamin para hindi na maulit sa hinaharap at ang kahihinatnan ang susubok upang makita ang dapat pagdesisyunan sa sitwasyong nasa harapan. Kumbaga sa laro ng pimpong, bawat tama ng bola, katumbas noon ang pagbalik ng impak ng piniling tira para sa susunod na laban. Kung hihinaan ang pagtama, maaring hindi makarating sa patutunguhan ngunit kung anuman ang piliin sa dalawa, isa lang ang dapat isaalang-alang, kasayahan at pagtanggap sa piniling tira.

       “Mag-iingat ka sana, Iha,” bigkas ng kanina pang tahimik na tricycle driver, dahilan upang bumalik ang wisyo niya at tingnan ito ngunit nananatili itong nakapokus sa pagmamaneho.

       “Po,” tanong niya kahit narinig naman niya ang sinabi nito, ngunit hindi na naman muli ito nagsalita kaya naman tumingin na lang muli siya sa paligid. Kita na niya ang daan na pang isahan. Kaya naman muli napakunot-noo siya ngunit hindi na lang umimik kahit labis ang kabog ng dibdib niya sa hindi malamang dahilanan.

       Habang pababa ang sinasakyan sa daan na nilalakbay nila mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung masaya, nai-excite o ano ba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya naiihi siya na tumataas ang balahibo sa katawan kahit hindi naman makakapal ang mga ito.

      Mula sa malayo natanaw na niya ang naglalakihang pangalan ng Las Santidos University. Ang eskuwelahan na napapalibutan ng mga punong mayayabong at naglalakihang sanga na pinilipit hanggang sa matakpan ang buong paaralan, tanging ang pangalan lang nito ang hindi natatakpan na may maroon at pulang dahon na desenyo na tigta-tatlo sa itaas at ibaba na may espasyo, animo’y isa lang din itong normal na bahay ng mga duwende dahil sa mga sanga at dahon na natuyot na nakadesenyo sa palibot pa nito. Nagmumukha tuloy napag-iwanan ng panahon.

     Malayo rin ito sa siyudad na hindi niya alam kung gaano katagal ang biniyahe nila para makarating dito. Masyadong malalim ang mga iniisip niya kaya hindi niya napagtuusan ng pansin ang oras, ngunit dahil sa malagubat pala nitong itsura bibihira daw ang naglalakas-loob na pumarito. Kinatatakutan din kasi ito ng mga mamamayan maging ng mga karatig-bayan, sikat kasi ang baryo na ito sa tawag ang Huling Gusali. Pinaniniwalaan kasing pinatay raw lahat ang nakatira dito noong unang siglo nitong pagkakatayo.

     Bagamat walang matibay na ebidensya ukol doon ngunit nananatili ang pagpapalaganap ng usapan dito kaya halos lahat kapag naririnig ang bayan na ito, animo’y may papatay sa kanila dahil sa biglang nananahimik at wala ng gustong bumalangkas o magpaliwanag pa. Hindi naman siya pupunta rito ng walang bala kaya nag-search siya kahit papaano. Sapagkat base pa sa kuwento ng mga matatanda, apat napu’t walo na itong nananatili na wala man lang sinuman ang naninirahang mamamayan dito. Weirdo lang pero wala na siyang pakialam, nandito na siya kaya marapat lang na panindiganan niya.

      Malaking porsyento man ang kinatitirikan ng gubat na ito ngunit walang nangahas na bilhin ito, maliban sa kung sinong nagpatayo ng paaralang nandirito. Higit sa lahat, ang iba sa mga estudyanteng narito ay mahirap lang ngunit dahil sa iskolar na ipinamamahagi dalawang beses sa isang taon sinasamantala nila ang pagkakataong makapasok ng libre, dahil ito lang din naman ang natatanging eskuwelahan kung saan unahan ang bawat estudyante na makapag-apply. Ang mauna ang masuwerte at ang mahuhuli ang hindi makakapag-aral dahil sa laki ng porsyentong dapat bayaran kahit pa pampublikong paaralan sa lugar nila.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now