D/S 40: QUESTION to UNKNOWN

6 2 0
                                    

Tahimik siyang naglalakad sa kahabaan ng madilim na dako. Nakayukong nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na jaket. Ayaw sana niyang magising ng maaga at pumunta ng cafeteria kundi lang sa trip ni Dammier.  Noon hanggang ngayon may tupak talaga sa ulo ang lalaking iyon.

      Palagi nitong pinananakot na kukuha ng numero gamit ang pangalan niya na siyang ikinabubuwisit niya. Hindi dahil sa nagpapatakot siya kundi ayaw niyang sumakit na naman ang ulo sa kung anong magiging resulta ng kagaguhan na naiisip nito. Maraming babae ang naghahangad na gawin niya iyon, makuha ang numero niya, kaya kung sakali na magpapanggap si Dammier na humihingi ng numero sa pangalan niya, magiging komplikado lang ang mundo niya. Bagay na ayaw na niyang maulit pa.

      Malayo na ang nalalakad niya nang mapansin ang lugar sa ’di kalayuan. Natatanaw niya roon ang isang bulto ng kung sino. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa ganitong oras. Lalagpasan na sana niya ito nang, “Did you hear that?”

      “What?”

      “That’s fast though. Hey, Where are you—”

“Shi! That—No! It can’t be. . .  shit!—sa Secret passage? Ano’ng ginagawa niya roon? Damn it!” Agad siyang napatakbo nang matauhan sa realidad.

“AH,” DAING NIYA kasabay ang paghawak sa ulong parang naalog pa ata. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagkahilo. Nadagdagan pa iyon nang manlaki ang mga mata. “N-Nasaan ako?” Agad siyang napalinga-linga sa paligid kahit nakakaramdam pa rin ang pagkahilo. “Nasaan a—”

      “We meet again, Human. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig mong lumapit sa kamatayan?” pukaw ng kung sino na siyang tuluyang ikinatitig niya sa harapan kasabay ang biglang lagapok ng pang-upo niya na siyang bahagyang ikinadaing pa niya.

      “Hindi mo pa ba tiningnan iyong libro? Puwes, sasabihin ko na lang, ‘Huwag mong banggain ang pader na gawa sa bakal kung ayaw mong masaktan sa huli.’”

      Agad kumunot ang noo niya sa narinig, “A-Ano bang sinasabi mo? Huwag kang lalapit!” hiyaw niya nang mapansin ang dahan-dahang panghakbang nito. Naglalaro din ang mapaglarong ngisi sa labi nito.

      “Sige, sumigaw ka pa. Gusto mo ng mamatay agad ‘di ba? Go, hindi kita pipigilan bahala ka sa buhay mo,” bulong nito na agad ng tumalikod. “Shit, Ano bang ginagawa mo? Damn!” bulong pa nito na narinig naman niya. Ginulo pa nito ang pagkakaayos ng dati ng magulong buhok.

     “B-Bakit ka nandito? S-sinusundan mo ba ako? Wala naman akong ginawa sa ’yo,” wala sa sariling bigkas niya na siyang nagpatigil sa paghakbang nito.

      “A-Ano’ng ginagawa ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo nga naman, tama ka. Ano nga bang ginagawa ko?” anitong nakatitig na sa mga mata niya. Agad din nitong inihakbang ang mga paa.

     “H-huwag kang lalapit!” nagbabantang aatras niyang habang nakatihaya pa rin. “H-huwag kang—”ikinatigil niya nang nasa harapan na niya ito. Bakas ang kaseryusohan ng mukha nito na napapatagilid pa.

      “Hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa ko. Dapat nga hayaan na lang kitang kainin ng kamatayan total wala naman makakapansin,” seryosong sagot nito bago ngumisi na siyang ikinaawang ng labi niya sa pagkabigla.

      “A-Ano bang sinasabi mo?” titig din niya sa mga mata nito. Kita niya ang mapungay na mga mata nito na siyang mukhang sinusubukan ang tapang niya.

     “Umalis ka na next week, may magaganap na Choosing event. Go home and leave this place, hindi ka nababagay rito,” anito nang matauhan sa titigan nilang dalawa. Tamad din itong tumayo bago pinagpag ang suot na pantalon kahit wala naman dumi.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now