Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.
Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang beses na pagkabuwal, hindi pa kasi naisasaayos ang daan sa dako iyon kaya naman para siyang lasing na napapayuko dahil sa panlalabo ng paningin. Isabay pa ang mga luhang patuloy kumakawala sa mala-anghel niyang mukha. Matutumba at tatayo muli hanggang sa hindi inaasahang natapakan niya ang nakaharang na bato, dahilan upang mapatapilok siya at tuluyang bumulusok na gumulong-gulong sa paibabang daan malapit pa rin sa kalsada. Mabuti na lang at walang sasakyan na paparating kundi baka nasagasaan pa siya. Kaya naman, pagkatapos na makabuwelo agad siyang tumayo at paika-ika na naglakad.
“Ina’t ama,” aniyang humihikbi.
“Patawarin ninyo ako. Hindi ko naalagaan at nabantayan ang kapatid ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Patawarin ninyo ’ko. Hindi ko sinasadya, patawad, Ina’t ama. Hindi ko na kaya,” paulit-ulit niyang bulong habang pagewang-gewang na humahagolgol.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba o kung mamamatay pa siya ngayon. Ang importante sa kaniya’y makalayo sa lahat ng kabalisaang hindi na kayang maintindihin pa. Pagod na siya at hindi na kaya pa. Gusto na lang niyang magpahinga at kalimutan ang lahat ng sakit na kumain sa kaibuturan ng isipan. Sobrang pagod na rin ang isip at katawan niya.
Hindi niya alam kung saan ba ang masakit sa kabuuan niya. May nararamdaman siyang kirot na hindi malaman kung galing ba sa puso o sa kabuuan ng kaanyuan. Labis ang bigat ng kalooban niya, parang gusto na lang niyang mawalan ng ulirat at makalimutan ang masakit na realidad sa pagkakataong iyon.
“Bakit? Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kailangang sisihin ko ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon? Bakit kailangang ako ang umako ng responsibilidad kung saan kapag nagkamali, ikaw at ikaw ang may kasalanan. Saan ba ako nagkulang? Hindi ko maintindihan, bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na.”
“I can’t believe this! Nandito na talaga tayo?” dinig niyang wika ni Elaine. Kabababa lang nito mula sa likod ng sasakyan.
“Naman, sabi ko naman sa inyo maganda rito. Pasalamat na lang tayo, pinahiram ni daddy ’tong sasakyan,” bilib sa sariling sagot niya. Tinanggal na niya ang suot na shade pagkababa sa driver seat sa kanang bahagi.
“Oo nga, Brent, nakapormang pantambay ka parang hindi sure kung ipapahiram ba ni
tito ’to, tapos may kasama pang bodyguard,” pang-aasar ng taong nakahawak na sa balikat niya. Kumindat pa ito sa huling sinabi. Kababa lang din nito mula sa likod niya.“Buwisit nga, e,” balik bulong niya sabay halukipkip. Mula sa peripheral vision niya, iiling-iling naman ito.
“Nakahanap ka ng katapat, Couz.” Tapik nito muli sa balikat niya.
“Omg! We’re here na?” segunda naman ng maarteng babaeng kinaaayawan niya.
“Take two?” dinig niyang parinig ni Elaine.
“Megaphone, Couz,” pang-aasar muli ng katabi.
“Puwede ba, Shaina, iyong boses mo,” iritableng baling niya rito na siyang kabababa lang din mula sa driver seat na kahilera niya.
“I told you, Couz,” pang-aasar na akbay ng katabi. Agad naman niya itong siniko nang higpitan nito ang pagkaka-akbay sa kaniya.
“Bakit mo pa kasi isinama ’yan?” bulong nito.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...