Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali.
“Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas.
“What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari.
Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.”
Nang maramdamang tutumba na siya. Hinanda na niya ang sarili. Hindi na niya mapigilan. Masakit, sobrang sakit. Wala ng pag-asa. Wala na. Wala na siya. Kasalanan niya. Kasalanan niya talaga.
“Sindy” sigaw ng kung sino. Dinig niya ang nag-uumiecho na boses nito kasabay ang pagdampi ng katawan nito sa kaniya.
Kilala niya ang boses nito. Hindi siya pwedeng magkamali. Sana siya nga talaga. Salamat kung siya nga. Sa huling pagkakataon dinamayan pa ulit siya. Pagkakataon na ito pa rin ang sasalo sa kaniya.
Araw-araw niyang ipagpapasalamat ang lahat. Sila man o hindi, malaking bagay na nandito pa rin ito para sa kaniya sa pagkakataong ito. Gayon din, sa mga imahe na naglalabasan sa sistema niya. Isa lang ang ibig sabihin, ‘Remember Me.’
“Shit, Ano bang nangyari? Kinabahan ako ro’n,” dinig niyang komento ni Cierra makalipas na mapatulala sa nangyari.
“Ako rin, akala ko, patay na,” segunda naman ni Ashlee na mukhang gayang-gaya ang ekspresyon ng pinsan.
“Ano bang nangyari?” dinig niyang hinaing naman ng isa pa. So, sila nga talaga. Siya nga talaga.
“Nagulat ata si Sindy sa sinabi namin and nabagsak na niya iyan,” sagot ni Cierra.
“Announcement!” biglang bigkas naman mula sa alarm.
“Mabuti na lang kamo sumabay ang alarm kundi patay tayo,” komento naman ni Atalia.
Hindi niya alam kung anong nangyayari at naguguluhan siya sa paraan ng pag-uusap ng mga ito. Wala siyang alam at hindi niya maintindihan kung bakit parang mas gumugulo ang lahat sa harapan.
“Babe, Huwag mong hawakan iyan,” sigaw ni Brent este Brielle daw. Agad siya nitong binitiwan.
“Sindy, okay ka lang ba?” Salo sa kaniya ni Ashlee na siyang mukhang na-gets nito ang nangyari. Medyo nahihilo pa siya at bago pa lang lumilinaw ang paningin sa nangyari.
“Sindy, okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sa ’yo?” segunda naman ni Cierra na mukhang nag-aalala sa kaniya. “Dahil ba sa amin? W-wala naman kaming sinabing—”
Umiling-iling naman siya. “Hindi. . . O-okay lang ako. M-medyo nahihilo lang ako,” aniyang pilit itinatayo sa normal ang sarili.
“Sigurado ka ba?” tanong ni Ashlee na mukhang nag-aalala pa rin sa paraan ng pagkakasabi.
“Tss.” Napalingon naman siya sa pinanggalingan nito. Bahagyang umaayos na ang pakiramdam niya at nakakatayo na siya nang normal ngunit nakaalalay pa rin si Ashlee sa kaniya.
“Oh, Roks, wala ka sa gym? I thought—”sabat ni Ashlee na mukhang nagulat din sa presensya nito.
“Kung nandoon ako, wala ata ko rito,” sarkastikong anito na siyang ngumisi pang tinitigan siya ng matalim.
“Wow, Roks, ang lupit, sarkastikong
-sarkastiko, ah. Bad mood ka ata?” sagot muli ni ni Ashlee na nakangisi. Halata na winawala nito ang seryosong usapin mula sa kaniya. Mukhang nabasa nito ang tensyon sa paligid.
Hindi niya alam kung bakit ang sama ng timplada ng ugali nito. At mula sa kinatatayuan malinaw na ilag ito sa kaniya. Sa madaling sabi, ayaw nito sa presensya niya. Sumasama naman ang loob niya sa nangyayari dahil sa pagkakaalam niya wala siyang ginawa rito.
Wala rin siyang magagawa kung ayaw nito sa kaniya pero isa lang ang nais niya, kung pwede itago na lang nito ang pagka-disgusto sapagkat mas nakakadagdag ito ng stress niya. Ayaw niyang gumulo na naman ang dati ng magulong isip niya.
“O-okay ka na ba?” mayamaya’y pukaw sa kaniya ni Brielle na nilingon niya.
“O-Oo, o-okay na ako. Maraming salamat, medyo—”
“Tss, arte. Hindi mo kailangang mag-explain. Hindi naman hinihingi. Tinanong ka lang kung okay ka na,” bulong ulit ni Rocky. Talagang sinasagad nito ang pagtitiis niyang huwag ’tong patulan.
Mukhang siya talaga ang tirada nito. Siya ang pinapatamaan na hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung anong problema nito sa kaniya.
Napaayos ng tayo naman si Brielle at napasuksok ng mga kamay sa bulsa ng pantalon dahil sa sinabi ni Rocky. Mukhang pati ito ilag sa lalaki. Hindi niya alam kung masungit ba ito o sadyang ganito na talaga ugali nito sa kahit sinong nobyo ng pinsang si Atalia.
“Tapos na ako nag-ayos, Babe,” sabat na sabi ni Atalia na siyang kararating lang ulit. Mukhang ito ang nagligpit ng nabasag niyang mugs na ininuman ng kape.
“Ah, Atalia, salamat. Pasensya ka—”
“No, it's alright, Dy. No problem, ’di ba, Brielle este Babe?” putol nito sa sinasabi niya, sabay kapit sa nobyo. Hinalikan pa nito ang nobyo sa harap niya. Okay, mukhang may pagkapariho ito sa ugali ni Rocky.
“Oh, yes, naman, Babe,” sagot naman ni Brielle na siyang ngumiti sa nobya.
Sa halip magsalita, ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin bagamat ang akward sa paningin ng nasasaksihan.
Masakit pa rin sa pakiramdam and yet alam niyang masasanay din siya, magiging okay din ang lahat. Sa tamang panahon at pagkakataon maghihilom at mawawala rin ang sugat ng nakaraan. Hindi madali and yet at least maaayos din naman.
“Ano? Magta-tanda ka na ba? Ang kapal ng mukha mo! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? Si Xhander?” sigaw ng babaeng gumagawa ng eksena. Nag-umiecho ang halakhak nito.
“Si Xhander hindi ka ginalaw?” pagpapatuloy nito. “That's impossible, the playboy of all King? Wow!” Nabaling ang atensyon nilang lahat nang marinig ang pangalan ng ex ni Cierra.
“Xhander?. . . Ano ’to, bagong isyu? Trending na naman si Xhan,” komento ni Atalia. Hatak nito si Brielle patungo sa tabi ng salamin sa corridor. Nakalingkis ang kanang kamay nito sa kaliwa ng dating nobyo.
Napalingon siya sa mga ito dahil sa pagsiksik sa tabi nila ni Cierra. Napaatras tuloy pa-kaliwa si Cierra na nasa tabi niya sa kanan, habang nasa kaliwa si Ashlee na nakaalalay pa rin sa kaniya.
Nagpapasalamat siya dahil kahit bago lang niya nakilala ang mga ito ay ramdam niya ang proteksyon at pag-aalaga ng mga ito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit may kakaibang pakiramdam na hindi niya mapangalanan.
Magaan ang loob niya sa mga ito at parang ang tagal niyang hindi naranasan ang bagay na ito sa mahabang panahon. Kung anuman ito, alam niyang mabibigyan din katarungan sa tamang pagkakataon. Naniniwala siya at maniniwala siyang lahat ng bagay may dahilan.
“Tss,” dinig niyang bigkas ni Rocky nang mapalingon siya rito sa tabi ni Atalia. Gaya kanina, masama pa rin ang tingin nito. Okay, kinain na nito ang lahat ng sama ng loob para sa kaniya.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...