D/S 21: QUEEN of CUP's

208 150 0
                                    

“Kumusta?” Sulpot ng kung sinong kakapasok sa pintuan.

      “Inang Reyna—”naisabibig niyang titig sa hindi katandaan na ginang. Bagamat may edad na ito kita pa rin ang pagiging elegante at maganda. Ang Queen of Cups ng buong palasyo.

      May maamong mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at labi ngunit may seryosong mga mata na parang laging may hinahanap o inaalam na mga bagay. May pansit kanton din itong buhok na nakukulayan ng naghalong kayumanggi’t pula.

      “My dearest king, kumusta na? Namiss kita, Anak.” Agad itong lumapit sa kaniya at yumakap bago siya hinalikan sa noo. “Tama na iyan,” tukoy nito sa akmang gagawin niya kanina.

      “Kailan pa kayo dumating, Inang reyna?” sa halip na tanong niyang bumitiw na rin sa ina ngunit bakas pa rin ang pagkagitla.

      “Ano ka ba, Iho, wala rito ang iyong ama, puwede mo ako tawaging ina at hindi Inang reyna,” anitong nakangiti na siyang hinawi pa ang nahulog na buhok sa noo niya.

      “Inang reyna—Ina. Ano, nandiyan—”sabay baling kay Akir na nakayuko.

      Natawa naman ang ina sa ikinilos niya, “Ano ka ba, Iho, si Akir lang iyan. Bata ka pa nakikita na niyang ginagawa ko sa ’yo ’to. Wala namang pinagbago, tumangkad ka lang.” Nakangiting titig nito sa kaniya.

      “Pero, Ina, syempre po—”

      Agad siyang pinigilan nito, “Relax, Iho, alam kong binata ka na at wala pang asawa pero anak pa rin kita. Ako ang iyong ina kaya natural lang na maglambing ako sa ’yo kahit sa pamamagitan nito.”

      “Pero, Ina, nakakahiya po kasi na—”

      “Shhh! Tama na, alam ko ang ibig mong sabihin. Binata ka na nga talaga, ’di ba, Akir?” baling nito kay Akir na agad nagbigay-pugay muli sa kanila.

       “Tama po kayo, Mahal na reyna,” sagot naman nitong nakayuko pa rin.

       “Ina—”

       “Alam ko, huwag mong pagalitan si Akir. Ako ang nag-utos sa anak niyang dalhin ang mga iyon doon. Ayaw ko ng mapagod ka pang magdala.”

       “Ina, a-akala ko po,” agad siyang napabaling kay Akir na nakayukong magkasalikop ang mga palad. Mukhang nakahinga na rin nang maluwag pagkatapos na protektahan ng kaniyang ina.

      “Magtimpi ka ng galit, Iho, hindi maganda ang pagiging magagalitin. May mga bagay na dapat kahinahunan ang pinapairal upang sa huli wala kang pagsisihan. Mahal na mahal kita, Anak, kaya sana piliin mo ang tama.” At muli siyang niyakap. “Huminahon ka lang.”

     “Salamat po, Ina. Pasen—”

     “I know, anak.” Pigil nito sa tangka niyang sasabihin. Kaya naman, napayuko na lang siya nang bahagya.

     “Akir, ipagpaumanhin mo ang ikinilos ng aking anak. Iwan mo na muna kami,” sa halip na baling nito kay Akir na siyang yumuko’t nagbigay galang ulit.

     “Walang anuman po, Mahal na Reyna Seliquxious. Naiintindihan ko po ang Mahal na Hari. Hindi naman po niya alam na kayo ang nag-utos sa aking anak. Paumanhin din po, Mahal na Hari,” sagot nitong yumukod ulit. Napapikit na lang tuloy siya sa mga nangyari at hindi na sumagot pa.

     “Sige po, Mahal na reyna at Haring Simpulika.” Yumukod muli ito at saka tuluyang nagtungo sa pinto.

      Akala niya ito ang nagdala iyon pala ang anak nito. Napabuntong-hininga na lang tuloy siya at napahawak sa noo. Hindi niya lubos maisip na gugustuhin pa nitong mamatay upang protektahan ang anak kaysa magsabi ng totoo. Hindi tuloy niya maiwasang mahiya sa sarili at sa inakto kani-kanina lang. Gayon din, hindi niya napansin na nakalabas na pala ito. Nagulat na lang siya nang mapatingin sa inang nakatitig sa kaniya.

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now