“Sindy?” tinig na naririnig niya.
“Hmm,” daing niya.
Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.
Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya.
Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niya sa hindi malamang kadahilanan, kung ano bang koneksyon sa kaniya.
May natatanaw pa siyang mga kabataan ngunit hindi niya maaninag kung sino nga ba ang mga ito. Ngunit base sa postura ng mga ito, alam niyang babae’t lalaki ang mga ito. Magulo, masakit sa ulo, sumabay pa ang nangangalit na galit ng kulog at kidlat. Madilim na kapaligiran. Umaapoy na tahanan. Wasak na templo. Wala ng matinong tingnan. Lahat parang napabayaan at dumaan sa digmaan; parang nasirang kalikasan na pinarusahan.
“Sindy, Sindy,” anang kung sino. Bahagya pa nitong tinatampal ang mukha niya.
“Okay ka lang ba?” bungad nito sa pagmumukha niya matapos kumawala ang hiyaw niya.
Napatitig siya rito at napanganga. “K-Kanina ka pa ba riyan?” tanging nasagot niya.
Tango ang sagot nito na mukhang naguguluhan sa reaksyon niya. “A-Ano bang nangyayari sa ’yo? Okay ka lang ba?”
Sa halip sumagot, napalinga siya sa buong paligid at napatulala. Masakit ang mga imahe na ayaw man niyang maalala ngunit malinaw pa sa puting tubig ang mga detalye.
“Here comes our new mystery…the one we should blame,” tinig mula sa taong ayaw niyang makita ngayon.
Hindi man niya nasisilayan ang mukha nito ngunit alam niya kung kaninong boses ito. Hindi pa siya nakakaahon sa pagkakalugmok sa mga imaheng nagpapahirap sa kalooban niya. Ayaw niya sanang sumabay pa ’to, ngunit parang hinihingi ng pagkakataon.
“B-Bakit ka umiiyak?” pukaw sa kaniya ni Cierra. Napalingon naman siya dahil dito.
Agad siyang napahawak sa pisngi at naramdaman ang daloy ng tubig mula rito. “Ah. H-Hindi ko alam,” punas niya sa pisnging basang-basa ng luha.
“Sigurado ka bang okay ka lang? Para kasing may sinasabi ka kanina na hindi ko maintindihan este hindi namin maintindihan—”
“Bakit ninyo pa tatanungin kung nababaliw na talaga ang babaeng ’yan? Sino bang matutuwa sa akto niyang parang baliw talaga?” sabat ng taong ayaw papigil sa pagtira sa kaniya.
“Ano bang problema mo sa akin, Mr…Rocky? Base sa pagkakaalam ko wala kong ginagawa sa ’yo para sumabatan, tirahin o i-bully mo. Wala akong alam sa ’yo at mas lalong hindi kita kilala? Bago pa lang ako rito pero mukhang ayaw mo na sa presensya ko? Ano bang problema mo?” hiyaw niya na hindi na napigil pa.
Wala naman nakaimik sa mga ito. Mukhang lahat ay nagbigla sa asta niya, pero wala siyang pakialam. Sagad na kasi. Sumasakit na ulo niya sa kakaisip ng mga bagay na wala na dapat sa problema niya.
YOU ARE READING
Dark Secret (on-going)
Mystery / ThrillerSimple life was to be the most beautiful place around the corner of every individual's life. Both men and women dream of the most exciting journey. They dreamt to be in a place of perfection that was full of contentment and happiness. Sindy, the unc...