D/S 39: FEELS like FAMILIAR

4 2 0
                                    

“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan.

        “C-Cierra?” halos hindi na marinig na pukaw niya rito nang makitang binibilisan nito ang pagkain kahit mainit pa. Nagkandanganga pa ito upang malunok lang ang sopas. “Cierra?” ulit niya na siyang ikinalingon na nito.

         “Bilisan mo, aalis na tayo,” anito sabay tingin sa sopas na hindi pa niya nakalahati. Napanganga naman siya sa narinig, hindi siya makapaniwalang mamadaliin siya nito sa pagkain.

         “Bilisan muna. Ano pang ginagawa mo?” ulit nito sa matataas ng pananalita bago sumubo na hindi alintana ang ekspresyong pinapakita niya.

         Bakas din ang pagkunot-noo nito habang patuloy sa ginagawa. Hindi siya makapaniwala na ganoon ito kadaling magbago ng mood sa ilang minuto lang. Tuluyang na rin nitong naubos ang sopas at nakahalukipkip ng nakatingin sa kaniya habang may nanlilisik na mga mata.

        “C-Cierra.” Napayukong baling niya sa pagkain. Hindi niya alam kung ano pang sasabihin dito. Kulang na lang tumakbo na ito sa kinauupuan nila.

       “Manang!” tili nito na siyang mas ikinanganga niyang baling muli rito. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa nito.

       Mukhang nataranta naman si Manang dahilan upang makahulog-hulog ang kung ano sa puwesto nito. Mayamaya’y nakarinig na lang sila ng yabag papalapit sa kanila.

      “Sorry, Ma’am, ito na po. Pasensiya po natagalan,” ani Manang dala ang isang stainless na bilog at isang plastik bag na kulay maroon.

        Agad nitong kinuha ang sopas niya at ibinuhos doon na siyang hindi na siya nakapagsalita pa sa sobrang pagkabigla. “Pasens’ya na po, ito na po, Ma’am.”

       “Halika na, Sindy!” tili muli nito na siyang ikinabalik ng atensyon niya rito. Agad na itong tumayo kasabay ang pagkabagsak ng upuan nitong gawa sa kahoy. Mas napanganga pa siya nang hindi man lang ito humingi ng paumanhin bagkus nagtuloy-tuloy ito sa pagpunta sa pintuan mula sa backdoor na ngayon niya lang napansin.

        “Sindy!” tawag muli nito sa pangalan niya na siyang ikinatayo na niya.

        “Pasensiya na po, Manang. Salamat po,” baling niya kay manang na nakatayong nakayuko pa rin doon. Hindi na niya narinig ang sinasabi nito sapagkat umalingawngaw ang boses mula sa kung sinong babae mula entrance.

        “Nandito na sila!” dinig niya na halos magpahinto sa kaniya ngunit isang sigaw muli ang narinig niya.

        “Bilis, Sindy!” hiyaw ni Cierra na ikinanganga niya rito. Kaya naman, walang siyang choice kundi sumunod dito.

       “Sandali, C-Cierra!” habol niya rito ngunit tuluyang siyang napahinto nang sumalubong sa kaniya ang kadiliman ng lugar.

        Madilim at talagang nakakakilabot ang daan dito. Kung ibabase ito para kang pumasok sa kampo ng kalaban na kung saan nasa isa kang tunnel. Ganoon pa man umalingawngaw pa rin ang tili ng kung sino na siyang mas nagpatigil sa kaniya sa paghakbang. “Nandito na sila!”

        “Sindy, nasaan ka na?” hiyaw muli ni Cierra na siyang nagpabalik ng isip niya sa mga nangyayari. Agad siyang napahakbang kahit walang nakikitang kahit ano mula sa kadiliman. Matigas ang inaapakan niya ngunit may tubig siyang naririnig mula sa kung saan.

        “Sindy, bilisan mo!” tili muli na siyang ikinamadali na lang niya.

        “Bakit ba tayo tumatakbo? Ano bang nangyayari?” tanong niya ng mapagtanto ang nais malaman. “Akala ko ba pupunta tayo sa School market?”

        “Bukas na lang o magpapabili na lang ako sa mga boys mamaya,” sagot nito na siyang umaalingawngaw sa lugar.

        Napabuntong-hininga na lang tuloy siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero malinaw na may hindi magandang dahilan kung bakit ito umaaktong weirdo.

        “Sa totoong lang hindi kita  maintindihan, Cierra. May problema ka ba? Puwede naman nating pag-usapan if okay lang sa ’yo. Sa pagkakaalam ko kakarating lang natin at okay ka naman kanina so, hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan?”

         “Hindi mo ako naiintindihan. Walang makakaunawa sa akin kundi sarili ko. Walang nakakaalam kung gaano ko kinakayang kayanin ang lahat ng pinagdadaanan ko tapos sasabihin mo sa akin na gusto mong pag-usapan?” hiyaw nito na siyang hindi niya inaasahan.

        Napapikit at napabuntong-hininga na lang tuloy ulit siya. “Hindi ko sinasabing pag-usapan natin agad. Ang punto ko lang sana ipaunawa mo sa akin kung bakit kailangan nating gawin ang ginagawa natin ngayon!” balik sagot niya.

       “Ang mahirap sa inyo puro lang kayong tanong sa pinagdadaanan pero wala kayong alam kung paano bigyang solusyon ang lahat. Madali lang sa inyo magbigay ng point of view pero wala kayong alam sa kung paano ba at kung kinakaya pa ba namin ang pinagdadaanan namin sa harapan ninyo. Tingin ninyo ba madali lang, sa pakiramdam ninyo pa lahat kayo ninyong solusyunan!” hiyaw muli nito.

       “Ganoon ba ang tingin ninyo sa lahat ng taong nakakausap ninyo? Tingin ninyo ba magkakapareho lang ang isip ng tao? Siguro nga pareho ang sagot, dahil pariho lang ang tanong. Pariho lang ang sinasabi ninyong tanong kung saan madaling sagutin ng mga taong mababa ang simpatya o sadyang walang pakialam sa nararamdaman ninyo. O, sadyang baka sa malamang walang kaalaman sa konseptong iyon o kaya naman, baka natutuwa pa silang nangyayari iyon sa inyo. Simple tanong pero hindi masagot, bakit, dahil nasa atin ang sagot, nasa atin ang totoong kasagutan pero nabubulag tayo at hindi nakikita ang bagay na dumidepende sa ating kakayahan upang magdesisyon para sa sarili natin.” Tuluyang tumahimik ang kapaligiran matapos niyang sabihin iyon.

       “You don’t understand, wala kang alam! Please, huwag ka ng magsalita pa umalis na tayo!” sigaw nito matapos makabawi sa katahimikan na namamagitan sa pagitan nila.

       “How could I understand if you don’t tell me what is really happening here? Oo, baguhan ako pero hindi naman ibig sabihin na susunod na lang ako sa lahat ng sasabihin mo na wala akong alam kung bakit ka nagkakaganyan! Siguro naman may karapatan akong magtanong sa mga nangyayari o magbigay ng opinyon ko sa ganap ’di ba?” hindi papaawat na sagot niya.

      “Ayaw ko siyang makita! Ayaw kong makita niya akong ganito! He choose to leave so, what could be the reason why do I need to see him in this expression!” sigaw nito na siyang ikinanganga niya kahit hindi naman nito nakikita. Tuluyang siyang napipi sa narinig. Malinaw na lalaki ang iniiwasan nito.

      “C-Ci—”

      “Don’t say my name,” pigil nito sa babanggitin pa lang niya. Tuluyang din siyang napanganga at hindi makapaniwala na paano nito nalaman ang gagawin niya.

     “Don’t say anything at huwag kang mag-isip ng kahit ano, nahulaan ko lang base sa pagkabigla mo,” anito na siyang ikinasigaw niyang bagsak sa kinatatayuan.

      “Oh my God! Shit!” anito na siyang narinig na lang niya ang nagmamadaling takbo nito na siyang mas ikinanganga niya habang nakatihaya pa rin. Hindi siya makapaniwalang bigla na lang itong susulpot sa harapan niya at magsasalita ng ganoon.

       Kasabay ng pagkapa niya sa nadaganan ng mga palad ay isang kakaibang aura ang naramdaman niya sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari pero pamilyar sa kaniya ang senaryong nagaganap sa harapan.

       Simula ng tumuntong siya sa paaralang ito ay ramdam na niya ang kaibahan ng klima rito at ng mga estudyante tapos iiwan siya sa ganitong kalagayan. Alam niya, malapit ng gumuho ang mundo niya.

“DID YOU HEAR THAT?”

        “What?” kibit-balikat na sagot ng isa.

        “That’s fast though. Hey, Where are you—”

“SHIT! THAT—SHIT! No!”

         “It can’t be. . .  shit! That—”

“OH, GOSH! ANO’NG ginawa ko? Shit! I’m sorry, please, help her. I’m sorry. Damn this feelings,” bulong niyang kumakaripas ng takbo kasabay ang paghagolgol. “I’m Sorry—Damn this feeling!”

Dark Secret (on-going)Where stories live. Discover now