Chapter 4: Regrets

38.9K 247 20
                                    

Chapter 4


Nathan's POV


Nagising ako sa marahang dampi ng halik sa mga labi ko.

Ngumiti ako.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at isang magandang mukha ang bumungad sa akin..

Pero hindi ang magandang mukhang inaasahan ko.

"Ellaine?" pabalikwas akong bumangon sa gulat.

"What? It's Nikky! Who's Ellaine?" Sigaw nito.

"I-I know! What I mean is... where is Ellaine? My wife." Pinilit kong tumayo pero naupo rin agad dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Aaarrggh!!" Sigaw ko habang hawak ang ulo.

"Are you insulting me? You're with me but you're looking for your wife?" Mataray na tanong nito.

"Y-yung nangyari kagabi... It shouldn't happen! Hindi dapat nangyari yun!"

Natatawa naman itong tumayo sa kama at binalot ang hubad na katawan sa pamamagitan ng kumot.

naglakad ito papalapit.

"Pero nangyari na. Wala akong lakas para pigilan ang mga pangyayari kagabi.. And to be honest? Nagustuhan ko rin naman e. Ikaw? Didn't you like it?" Nakakalokong tanong nito.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.

"Pero hindi pwede! Alam mong may asawa ako!" galit kong sumbat.

"Bakit ka sa akin nagagalit? Hindi ba't tayong dalawa naman ang gumawa non? Kung kasalanan ko, kasalanan mo rin. Isa pa.. Ikaw ang may asawa, Ikaw dapat ang umiwas! kaya 'wag mo 'kong sisihin!"

Noooo!!! Ayoko!!! 

Paano ko nagawa ito sa asawa ko? Oh God!

Paano ko ipapaliwanag sa kanya ito kapag nalaman niya?

"What if nalaman nya 'to? Anong ipapaliwanag ko?" Nanghihinang tanong ko.

Hinawakan nito ang balikat ko.

"Calm down. Wala namang magsasabi sa kanya di ba? Don't worry.. This will remain a secret. A dirty little secret between you and me. Trust me mabait naman akong kirida e. Hahaha" Nakakalokong tawa niya.

Paano niya nakukuhang sabihin ang lahat ng 'yon? 

Kung makapagsalita ito akala mo ay may napagkasunduan na kami.

"No! You will never be my mistress! It will never happen! I wont let it happen!" I shouted.

Lalo namang lumakas ang tawa nito.

"Really? But it already happened. You betrayed your wife. I can't blame you. How can I? If I'm a temptation you can't resist." Nakangisi niyang sagot.

Nagtagis ang bagang ko sa narinig ko. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.

Gustong-gusto ko siyang sugurin ngayon at pagsasampalin sa mga sinasabi niya.

Pero pinili kong maging kalmado. Babae pa rin siya at kailanman hindi ko kayang manakit ng babae.

"Look, yung nangyari kagabi, hindi yun sinasadya. Pareho tayong nakainom. Hindi ko gusto yung nangyari. Kalimutan na natin yun. Kalimutan na natin ang mga nangyari."

Lumakad ito palapit sa akin. Malapit na malapit. Hinaplos niya ng marahan ang mukha ko. Lumingon ako sa ibang direksyon para mapalis ang kamay niyang humahaplos sa mukha ko.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon