Chapter 8: Invitation

26.4K 211 23
                                    

Nikky's POV

"Punyeta Nikky!.. Kaya naman pala namuti na ang mga mata namin kakahintay sa inyo kagabi, nagjerjeran na pala kayo dito! Omg! As in Omg! Lucky you! Bigtime yun as per Josh and the rest of his friends." Garapalang sabi ni Mitch. Well ganyan talaga magsalita si Mitch lalo na kapag kaming dalawa lang.

Walang kakimi-kimi, minsan ay nagugulat din ako sa mga pananalita niya. Kapag kasi nasa labas kami ay super sophisticated siya, dahil madalas sa mga nagiging bf niya ay mayayaman, so kelangan talaga niyang magpaka ladylike kapag kaharap sila.

Kasalukuyan kaming nasa apartment ngayon. Pinuntahan niya ako para tanungin kung bakit hindi ako nakapunta kagabi.

At dahil sa sobrang saya ko ngayon at wala rin naman akong ibang mapagsabihan ng nangyari kagabi, ikinwento ko kay Mitch ang buong pangyayari kagabi.

"Bunganga mo naman! Gusto mo ng mic? Pero just to correct you ha? Yes, I know I am lucky, jackpot pa nga e. Pero believe it or not, its not about the money this time. I really like him." pagtatama ko sa iniisip niya.

"Pttffff! Don't tell me na tinamaan ka talaga doon?" Natatawang tanong nito.

Tumingin lamang ako sa kanya at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

"No way!!! Nikky!!! Akala ko ba hinding hindi ka maiinlove sa lalaking may asawa? Akala ko ba makikipaglaro ka lang?" Nanlalaki ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala.

"Yun din ang akala ko noon e. Ano pa bang magagawa ko e andito na 'to. Sabi mo nga di ba? mas masarap ang bawal." Sagot ko.

"Hahahahaha! That's my girl! Teka buti napapayag mo? Ang suplado nun 'di ba? Akala ko nga hanggang sa pangarap ka na lang dun e. Hahaha." Usisa nito.

"Darliin' nakatikim ng twerking. Hahahaha. Atsaka sino na ba ang tumanggi sa akin? He can't resist my charm." Pagyayabang ko.

"Kung alam ko lang na madali lang palang makuha yun, hindi ko na sana ipinakilala sayo. Pasalamat ka kasama ko si Josh kung hindi, natikman ko na rin sana siya.. Ihhhhh!" Tili nito.

"Back off! Huwag ka ng umapela pa ok? Ok na nga kami eh, atsaka tama ng ako na lang ang kerida, wag ka ng dumagdag pa."

"Hanep ah? Selosang kerida? Pero teka, Di ba kaklase mo yung kapatid ng asawa niya? Hindi ba mukhang delikado?" Muling tanong nito.

"Yep, si Angel. I don't see it as a threat. Actually I look to it as an advantage. Look, hindi ba mas mapapadali pa ang access ko kay Nathan at sa asawa niya, sa mga pangyayari sa buhay nila?"

"Oh God! You're so smart Nikky!" Sabay tapik sa mga braso ko at tila kinikilig kilig pa.

"I know right?" Tatawa tawang tugon ko.

***Riiiiinnnngggg Rinnnnggg!

Tumahimik kaming dalawa ng marinig namin ang nagriring na phone.

"Oh wait a sec!" Kinuha ni Mitch ang cellphone nito mula sa bag at mabilis na sinagot ang tawag.

"Hello?...
...Uhh nothin' really.. Why?
...That's nice!
...Ok....
...Yeah. What time ba?
..Suree! sige sige..
...Ah, is it Ok to bring my friend?
..Yeah its Nikky!
...Ok! Bye honey!" Nginitian ako nito at ibinaba ang teleponong hawak.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si Joshua, iniinvite tayo kila Tom. House Party daw." excited na sabi nito.

"Kasama ba si Nathan?" Excited kong tanong.

"I didn't ask eh. Pero malamang pupunta yon. Kaibigan niya yung magpapa-party eh."

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon