Chapter 24: Graduation Day

43.4K 763 835
                                        

Chapter 24

Ellaine's POV

Eksaktong dalawang buwan ang lumipas matapos ang masakit na mga nangyari. Sinikap kong mamuhay ng normal. Nag-umpisa na akong lumabas labas kasama ng mga kaibigan ko. Sila ang tumayo bilang gabay ko para piliting kalimutan panandalian ang problema ko. Oo panandalian lang, dahil paminsan-minsan ay hindi ko pa rin maiwasang maisip ang lahat.. pati na rin si Nathan.

Well sabi nga ng mga kaibigan ko, It will take time for me to move on. Umiwas akong makibalita ng tungkol kay Nathan kahit na alam kong malapit lang ang bahay namin sa Main Restaurant niya. Laking pasalamat ko na rin at walang nakikibalita o walang nagtatanong ng kahit na sino sa pamilya ko at pamilya ni Nathan ng tungkol sa kung ano ang nangyari sa amin, maliban na lang sa mga kaibigan ko. Ayoko rin naming pag-usapan muna ang mga bagay na may kinalaman tungkol sa lagay ng relasyon naming dalawa ni Nathan, not now. Darating din ang panahon na maghaharap kami at pag-uusapan namin ang mga bagay-bagay. Maybe I just need time for myself.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ko na ang pagpasok sa isang negosyo. Maliit na negosyo lang naman. Boutique ang naisipan kong gawing negosyo, may wholesaler akong nakilala sa Hongkong ng minsang magshopping kami doon. Filipino ito at willing siyang magsupply sa akin sa mas murang halaga. Inuumpisahan ko na ring maghanap ng pagpepwestuhan ng aking boutique at pagaasikaso ng permit at kung ano ano pang papeles na kakailanganin para dito, sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Mabuti na lamang at kahit paano ay may ipon din naman ako sa bangko na tama lang para mailaan sa puhunan at iba pang gastos na kakailanganin ko. Pasasaan ba't matutugunan ko na rin ang pangangailangan naming mag-ina.

Araw ng Graduation ni Angel ngayon, at bilang ate nito ay umaapaw ang kaligayahan ko dahil sa wakas ay magtatapos na ito sa kursong Business Management.

At kung meron mang mas galak na galak pa sa akin ay wala ng iba kundi ang mga magulang ko. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila habang pinapanood ngayon ang nagma-martsang kapatid ko sa entablado para tanggapin ang diploma nito. Tuwang tuwa ang mga ito habang pumapalakpak pa. Katabi ko naman ang anak kong si Shan na nakikipalakpak din naman habang pinapanood ang Tita niya.

Sumunod ay ang ilan pang kaklase ni Angel ang umakyat ng stage para tumanggap ng mga kanya kanyang diploma, pero ang kaisa-isang pumukaw ng atensyon ko ay si Nichole nang ito na ang tatanggap ng diploma.
Parang mayroong nag-iba dito. Natuon ang paningin ko sa tiyan nito.

baka naman dahil sa togang suot nito kaya nagmukha lamang siyang malaki.

Nagkibit na lamang ako ng balikat at ibinaling na lang ang pansin sa mga masasayang nagsisipagtapos habang hawak na ang kanya kanyang diploma.

Matapos ang seremonyas ay hinintay na lamang namin si Angel sa labas ng Auditorium ng University, dahil masyado ng maraming tao sa loob para batiin ang kanya kanyang kapamilya na nagsipagtapos nakadagdag pa rito ang mga nagkalat na photographers.

Maya-maya pa ay nakita na namin si Angel na papalabas at kasunod naman ay ang mga kaibigan nito.

Sumalubong ng yakap ang mga magulang ko sa kanya at masayang binati ito. Natutuwa naman akong pinapanood lamang sila habang emosyonal na nagyayakapan. Ilang sandali pa ay ako naman ang nilapitan nito.
Niyakap ko ito ng mahigpit at ganoon din naman siya.

"Congratulations!" Bati ko rito habang mangilid-ngilid ang luha.

"Thank you Ate!"

Kumalas ako sa pagkakayakap dito at hinawakan ko ito sa balikat.

"You made us all proud!"

Nakangiti man ay tumutulo naman ang mga luha. Tumango lamang ito dahil tila hindi makapagsalita. Ibinaling nito ang pansin sa hawak kong si Shan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon