Chapter 21: Revelations

18.3K 236 100
                                    

Chapter 21

Nathan's POV

"Kumain ka na muna bago ka umalis, nakapagluto na ako ng breakfast. Sabay na tayong kumain." Malambing na yaya ni Nicky habang naghahanda na ako papasok ng Opisina.

Ilang araw na rin akong hindi nakaka-pagreport sa trabaho at hindi ko naman pwedeng basta basta na lang pabayaan 'yon. Kailangan ko ng pumasok.

"Ok. Tapos ko rito, bababa na ako." Nakangiti kong sang-ayon.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Mamimiss na naman kita.. Umuwi ka ng maaga ha?" paglalambing nito.

"Ah. Ano kasi Babe.. Hindi na muna ako uuwi dito mamaya, kailangan kong umuwi na muna sa pamilya ko. Baka kasi hinahanap na rin nila ako, ilang araw na rin akong hindi umuuwi."

Biglang namang nalungkot ang mukha nito kaya naman mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Wag ka ng malungkot.. 'di ba pinag-usapan na rin naman natin ito? Kailangan ko lang uwian ang anak ko."suyo ko dito.

"Talaga ba? Anak mo lang uuwian mo?" paninigurado nito.

"Uyyy.. Sabi ko na nga ba nagseselos ang babe ko e!"tudyo ko dito.

"Eeh kasi naman e!.." nangandalukot ang mukha nitong sabi.

"Wala ng rason para magselos ka, hindi ba sinabi ko na sayong ikaw na ang mahal ko?" panunuyo ko pa rin dito.

"Nag-aalala lang ako na kapag nagkita kayo, hindi mo na ulit ako maalala." Nakasimangot nitong sabi.

"Hindi mangyayari 'yon. 'wag ka ng mag-alala ok? Uuwi pa rin naman ako dito. Hindi ko lang pwedeng pabayaan ng basta basta ang anak ko. Naiintindihan mo naman ako 'di ba?"

"Oo na po! Hmmp! Halika na nga sa baba at ng makapag-almusal na tayo."

******

Matapos naming mag-almusal ay nagpaalam na ako agad para pumasok ng Opisina.

Dumiretso ako sa opisina at umupo agad para makapag-pahinga saglit.

Wala pang isang oras at pumasok na si Charice.

"Sir Goodmorning. I just want to tell you na marami pong nagtanong nitong mga nakaraang araw sa inyo. Marami pong kliyente ang nagpa re-sched ng meeting dahil hindi po kayo naka-attend sa mga last meetings niyo. Even Ma'am Ellaine called me last 2 days to check if you're here. "

"What did you tell her?" balewalang tanong ko rito matapos kong marinig ang mga sinabi nito. Sumandal ako sa swivel chair na inuupuan ko.

"I just told her na hindi nga po kayo nagpupunta dito at hindi ko po alam kung nasaan kayo."

"Ok. So is that all you want to say?"

"Ah Y-yes Sir. That's all." Napapayukong sagot nito.

"Ok, then you may leave." Taboy ko rito. Wala akong oras para magpaliwanag sa kanila kung saan ako nagpupunta at kung ano ang ginagawa ko.

Maghapon kong itunuon ang atensyon ko sa trabaho. Nagpahatid na lang ako ng pagkain dito sa loob ng opisina dahil marami akong hinahabol na trabaho at kailangan kong matapos ang lahat ng ito.

Nagulat ako ng marinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Angel. Umupo ito sa upuan na kaharap mismo ng table ko.

"I heard that you are finally here. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I know what's going on between you and Ate, and I know that it's none of my business. Pero I just want you to know na naaapektuhan na ang pamilya ko sa gulo ninyong dalawa ng Ate ko. Once and for all ayusin niyo na ito. Dahil kung hindi, you will regret all of this! Maawa ka sa pamilya mo at lalong lalo na sa Ate ko!" galit na galit na sigaw nito na ikinagulat ko.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon