Chapter 9: The Risk

25.2K 200 25
                                    

Nathan's POV

Hininto ko ang sasakyan ng makarating kami sa tapat ng apartment ni Nikky.

Pareho kaming tahimik at nagpapakiramdaman.

"Ingat ka pauwi." paalam nito.

Ilang saglit pa ay humalik na siya sa labi ko bago ito tuluyang umibis ng sasakyan.

Pagpasok nito, ay mabilis kong pinaandar ang kotse ko pauwi.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hinahayaan kong mangyari ang lahat ng ito. Bakit kailangan kong mag-paubaya ng ganon na lang.

What the hell is wrong with you man!

Alam kong hindi ako ito! Pero bakit wala akong magawa?

"Shiittt Nathan! Shiit!" Kasabay ng sigaw ko ay ang paghampas ko sa manibela ng sasakyan.

Don't do this to Ellaine. She's your everything remember? Sabi ng maliit na boses sa utak ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong mahal ko ang asawa ko pero bakit paulit ulit ko na itong niloloko.

All this years, akala ko matatag na ang nararamdaman ko para kay Ellaine, pero nagkamali ako.

Simula ng makilala ko si Nikky, unti unti akong nagiging marupok .

Naging mahina ako sa tukso. Ilang beses ko mang labanan ang init na nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nikky is too hot to ignore, may kakaiba sa kanya na mahirap tanggihan at mahirap balewalain.

Sanay na ako sa mga babaeng umaaligid at lumilingkis sa akin simula highschool and college days, but this girl..... I don't know what she did to me para hayaan kong gawin ito sa asawa ko.

Hindi ko kinakaya ang init na dala mo sa tuwing dumidikit ka sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagiging mapusok ko, pero.....

Aaminin kong...

I'm willing to take the risk.

Unti-unti na akong nababaliw sayo.

Kakaibang experience sa kama ang ibinibigay mo sa akin sa tuwing magkapiling tayo. Lahat ng nagawa natin ay hindi ko pa nagagawa sa ibang babaeng nakaniig ko at kahit na sa mismong asawa ko.

You always give me that different pleasure na akala ko sa pantasya ko lang magagawa.

Madilim pa ang paligid ng makarating ako sa bahay.

Dumiretso na ako sa kwarto at laking gulat ko ng maabutan kong gising pa rin si Ellaine.

Nakaupo ito sa kama.

"G-gising k-ka pa pala?"

Tumingin ito sa akin, bakas sa mukha nito ang hirap sa pagtulog.

"Hinihintay kita. Hindi ako makatulog dahil wala ka sa tabi ko. Hindi ako makatulog dahil nag-aalala ako. Nag-aalala ako na baka napaano ka na sa labas. Nag-aalala ako dahil napapadalas na ang paglabas-labas mo. Nag-aalala ako na baka isang araw mawala sa isip mo na may pamilya kang naghihintay sa pag-uwi mo." Madamdaming sabi nito.

"S-sweetheart...."tanging nasambit ko.
Wala akong maapuhap na isagot.

"Pero ok lang. You don't have to explain everything. I understand." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Na-giguilty ako.

"I'm sorry. Hindi na mauulit Sweety." paumanhin ko.

"No. You are not sorry. Alam kong masaya ka sa kung ano man ang ginawa mo ngayon kaya hindi mo na kailangang humingi pa ng tawad. I am your wife and I will let you do the things that will make you happy. Hindi kita hinintay para makipag-away at pakinggan ang explanation mo. Hinintay kita dahil gusto ko lang masigurong ligtas ka sa pag-uwi. Now if you don't have something to say, matutulog na ako. Goodnight." mabilis itong humiga ng kama at tumalikod sa akin.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon