Chapter 18
Nathan's POV
"Hey, what are you doing? 'di ba sinabihan na kitang magpahinga lang?" Naabutan kong nagluluto si Nikky. Galing ako ng trabaho, pangatlong araw ko ng pansamantalang tumutuloy sa bahay ni Nikky.
Umuuwi pa rin naman ako ng bahay pero para kumuha lang ng damit. Hindi ko maiwan si Nikky dahil hindi pa ito makakilos ng maayos at ayokong mapasama ang pinagbubuntis niya, kaya kahit na ako na ang kumilos ay ayos lang sa akin. Araw-araw ay nilulutuan ko na ito ng kakainin sa maghapon bago ako pumasok ng opisina at tuwing gabi na lang ay uuwian ko na lang siya ng makakain galing sa restaurant.
"Nahihiya na kasi ako sayo, lagi na lang ikaw ang kumikilos. Kahit paano ay gusto naman kitang mapagsilbihan." Hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawa kaya naman mabilis kong inagaw ito.
"Maupo ka na lang diyan. Ayos lang ako.. Mas mabuti pa siguro kung mag-hire na lang ako ng katulong para sayo. Hindi ka pwedeng mag-pakapagod. Do you understand?" kunot noo kong sabi.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Nakasandal ang ulo nito sa likod ko.
"Thank you. Sobrang thankful akong nandito ka." Mahinang sabi niya.
Natahimik naman ako. Hindi ko na rin alam kung bakit nag-papaubaya na ako sa kanya. Marahil ay dahil kailangan niya lang talaga ako sa ngayon, kung sabagay ay hindi naman din naging madali ang mga pinag-dadaanan niya sa mga nakalipas na araw.
Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"You don't have to say Thank you. Responsibilidad ko ito, dahil ako ang ama ng dinadala mo. Gusto ko lang makasiguro na maayos mong i-pagbubuntis ang anak ko."
Tumingin ito sa akin na may malamlam na mata. Bumitaw ito sa pagkakayakap.
"D-dahil lang ba talaga sa bata kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" tila nalulungkot nitong tanong.
Hindi ako kumibo at tumingin lamang sa ibang direksyon. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.
"N-Nathan.. Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Kahit konti lang. Kasi ako, mahal na kita. Kahit na alam kong hindi mo maibibigay sakin ng buo ang atensyon mo, ang oras mo at ang puso mo. I'm willing to take the risk kahit reputasyon ko pa ang nakataya. "
"Please Nikky, wag na nating pag-usapan to. Huwag mo ng dagdagan ang mga iniisip ko. Tama na siguro yung nandito ako para ibigay ang mga pangangailangan mo. Hindi pa ba sapat 'yon?"
Hindi na niya sinagot ang sinabi ko.
Ngumiti ito at kahit hindi niya sabihin ay alam kong pinipilit lang niya ang ngiting ipinapakita niya.
Bumuntong hininga ito bago magsalita.
"luto na siguro yan. Gutom na ako e." pag-iiba nito ng usapan.
Hindi na lamang ako kumibo, muli ko na lamang ibinaling ang atensyon ko sa niuluto ko.
Tinikman ko muna ito at palagay ko ay luto na nga ito. Pinaupo ko na si Nikky at nagsimula na akong maghain. Sa sulok ng mata ko ay nakikita ko si Nikky na tinitignan lamang ang bawat kilos na ginagawa ko. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon at wala na akong balak pang alamin kung anu-ano ang mga 'yon.
Tahimik lang kaming kumain at hindi na muling nag-usap pa. Matapos naming kumain ay nagligpit na ako at inihatid na siya sa kwarto para matulog.
"Ah.. Nikky, kailangan ko na kasing umuwi, darating na kasi bukas ang pamiya ko." Paalam ko rito matapos ko siyang ihiga sa kama.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomantizmSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...
