Chapter 14: OJT

17K 160 24
                                    

Ellaine's POV

Mabilis ang mga araw na lumipas at ngayon nga ang araw ng pag-alis namin papuntang Hongkong.

Tapos ko ng bihisan si Shan at ganon din naman ako. Nasa harap ko naman ngayon si Nathan na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura at isa isang binibitbit palabas ang mga luggage namin.

Napapailing na lamang ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Nakikita kita Ok? Parang tuwang tuwa ka talaga na iiwan niyo akong mag-isa ah." nakanguso nitong sabi habang papalabas, kasunod naman ako.

Nitong mga nakaraang araw ay nakikita ko ang unti unting pagbabalik ni Nathan sa dati. Hindi na siya umuuwi ng madaling araw mas maaga na itong umuuwi para makasabay sa dinner, hindi na rin gaanong lumalabas kasama ang barkada at kung aalis man ay mabilis rin itong bumabalik.

Nagkaroon din ito ng mas maraming oras para sa anak niya pati na rin sa akin. Tulad ng dati ay madalas niya kaming ipasyal sa kung saan. Lihim akong natutuwa sa mga nangyayari. Ayoko na rin namang magmatigas dahil mas hamak na lamang pa rin naman ang pagmamahal ko sa kanya at wala rin naman idudulot na mabuti ang pagbabangayan naming mag-asawa.

"Hindi naman ako natutuwang iiwan ka namin, natatawa lang ako sayo! Para ka kasing bata. Isang linggo lang naman kami doon at babalik na rin kami. Ipapasyal ko lang yung bata." sabi ko na may tonong paglalambing.

Nasa may pintuan na kami at nakasakay na sa sasakyan si Shan. Di nagtagal ay sumakay na rin ako dahil kailangan na naming makarating ng maaga sa Airport para makapag check in at isa pa ay nandoon na ang mga kaibigan ko, kami na lang ang hinhintay.

Isa isang ipinasok ni Nathan ang mga bagahe namin sa sasakyan at pagkatapos ay sumakay na rin ito.

Habang nasa byahe ay patuloy lang ang pangungulit ni Shan.

"I'm super duper excited to see Micky and Minnie Mommy! Are we going to see them in Disney Land?" Excited na tanong nito.

Natutuwa akong tumingin sa kanya.

"Yes anak. At marami pang Disney Characters ang makikita mo doon like Disney Princesses!" Tugon ko.

"Really Mom? So cool! I really can't wait till we get there!" nanlalaki ang mga mata nitong tingin sa akin. Pero maya-maya'y nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "But it will be more fun if Daddy is with us." Laglag ang balikat itong napasandal sa backseat.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagsilip ni Nathan sa anak niya gamit ang rear view mirror.

"Anak, I want to come but I can't. Daddy has a lot of work to do. But I promise you that nextime you go there, kasama na ako. Ok? Smile na. Daddy don't like to see you sad." lingon nito sa anak niya.

Mataman ko lang silang pinapanood. Nakakatuwa silang pagmasdan.

Hanggang sa makarating kami sa airport ay nagmumukmok pa rin si Shan. Buhat buhat ito ni Nathan habang hila hila sa kabilang kamay ang isang luggage. Hawak ko naman ang isa.

Sinalubong kami ni Aly at ni Jen at nasa likod naman si Marcus. Nakipagbeso ako sa kanila at bumati naman kay Marcus. Saglit kong ipinakilala si Marcus kay Nathan.

"Bakla ka! Kahit kailan ay cause of delay ka! Anong oras na?" Biglang sabi ni Aly ng makalapit ako sa kanya.

"Traffic kasi ito naman, mainit agad ang ulo." lambing ko rito.

"PMS ako wag kang ano dyan!" Natawa naman kaming dalawa.

"Okay guys, pumasok na tayo, magche-check in pa tayo" yaya naman ni Jen.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon