Chapter 5
Nathan's POV
Ilang linggo na rin ang lumipas at normal na tumakbo ang pamumuhay ko. Mas lalo akong napalapit sa mag-ina ko. Andyan na yung lalabas kami everytime na magkaroon ako ng maluwag luwag na oras pagkatapos ng trabaho o kaya naman ay sa bahay lang, magluluto ng masasarap na pagkain si Ellaine at sabay sabay kaming kakain kasama si manang. Para sa akin ay napakalaking bagay na yung napapasaya ko sila, sa bawat ngiti na nasisilayan ko sa kanila ay natatakpan ko ang kasalanang isang gabi ko lamang ginawa pero buong buhay kong pagsisisihan.
Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa Birthday ng kapatid na babae ni Ellaine, inihatid ko na sila kaninang umaga doon bago ako pumasok, napag-usapan namin na doon na kami magdidinner at sabay na kaming uuwi matapos ang salo-salo.
Pagbaba ko ng sasakyan ay naabutan ko na sa labas si Angel na may mangilan-ngilang bisitang kausap, malamang ay mga kaklase nya.
Napalingon si Angel at ang iba pa niyang kasama ng makitang papalapit ako.
Nagliwanag naman ang mukha nito pagkakita sa akin at mabilis akong sinalubong."Kuya!" Nangiti naman ako dahil alam ko na kung bakit tuwang tuwa ito na makita ako.
"Happy Birthday baby girl!" Iniabot ko ang regalo kong matagal niya ng kinukulit sa akin. Hindi na rin naman iba ang turing ko sa kanya bagamat sister in law ko lamang siya, para sa akin ay kapatid ko na talaga siya.
"Iihhhhhhhh" impit na tili nito, kahit hindi niya pa nakikita ang laman ng regalo ko ay alam kong batid niya na kung anong laman nito. "Kuya for real?" paninigurong tanong niya.
Natatawa akong tumango ng sunod sunod.
"Waaaaaahhhhhh!!!!! Yesssss!!! Thank you so much kuya!!! You're the best!" Mabilis nya akong niyakap ng mahigpit at paulit ulit na nagpasalamat.
"No problem. Basta promise me na pagbubutihin mo ang pagaaral mo para sulit ang Iphone 6+!" Seryosong bilin ko.
"Promise ko yan sayo kuya!"
"Hoy advance gift na rin namin sayo yan ng kuya mo sa graduation mo this year wag ka ng umasa ng pangalawang regalo! Dinaig mo pa kami dyan sa phone na yan." hindi na namin namalayan ang paglapit ni Ellaine samin. Buhat buhat si Shan.
Nakangiting lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi at humarap kay Angel.
Kinuha ko naman mula sa kanya si Shan.
"Psssh!" Pasiring na tingin ang ibinato ni Angel sa Ate niya. "Kahit kailan panira ka Ate!"
Natatawa naman akong ginulo ang buhok nito.
"Tama na yan. Gutom na ko e. Nakumpleto ba ang mga putaheng ipinadala ko?" Iginiya ko na sila papasok habang naguusap.
Sandaling nagpaalam sa bisita si Angel at sumabay na itong pumasok samin.
"Yes Boss! Tuwang tuwa nga itong bruhang to dahil andami mong putaheng ipinadala. Nagpapasalamat nga si Mama at hindi na namin pinoblema ang mga lutuin."
"No problem, isa naman sa mga tungkulin ko yun e, ang mapasaya ang mga mahal sa buhay ng mahal ko." sabay kindat sa kanya.
Siniko ako nito at tatawa tawa kaming pumasok ng dining area. Pero tila nawala ang maluwag na ngiti ko pagpasok namin ng Dining area.
Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo at biglang pinagpawisan ng malamig. Nagsimulang bumagal ang takbo ng paligid at animo umaalingawngaw ang mga boses ng mga taong naroon. Hindi pwedeng mangyari ito.
Si Nikky....
Paanong...
Nakaupo ito at kumakain sa long table kung saan kami kakain mismo. Habang panay ang pakikipagtawanan sa iba pang kasama nito. Batid kong hindi niya ako napansin. Dahil sa mga nakaharang na tao sa entrada ng dining area.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomansaSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...