Nikky's POV
Ganado ako ngayon, nakapaglinis na at nakapagluto na ng almusal. Sobrang saya ko sa mga nangyayari ngayon sa amin ni Nathan.
Naging magaan na ang lahat para sa amin, nagawa niya na rin akong tanggapin na akala ko nung una ay hindi na mangyayari. Sana ay magtuloy-tuloy na.
Ayokong mag-isip ng kung anu-ano sa ngayon dahil ayokong masira ang mood ko.
Nag-umpisa na akong maghain sa lamesa. nagluto ako ng kung anong makita ko lang sa ref, may bacon,egg at longanisa. Tinernuhan ko rin ito ng sinangag na kanin.
Bago ako pumasok ngayon ay gusto ko na munang mapagsilbihan si Nathan.
Lumapit ako sa kama upang gisingin ito.
Umupo ako sa gilid ng kama at natutuwang pinanood ito sa pagkakahimbing. Napakaamo ng mukha niya. Ang sarap sarap titigan.
Yumuko ako at hinalikan ito sa labi, marahan kong tinapik ang pisngi nito."Gising na... Babe." inalog alog ko pa ang balikat nito.
Unti-unti namang bumukas ang mga mga mata niya, at unti unting bumangon.
"Uhhm. pasensya na, napasarap ata ang tulog ko. Anong oras na ba?" naupo ito sa gilid ng kama.
"Alas-nueve na ng umaga. Halika na kumain na tayo. Nakapagluto na ako ng almusal at tinimplahan na kita ng mainit na kape." masuyo kong aya.
Tumingin ito sa lamesa at tinignan ang mga nakahapag na pagkain atsaka ako muling tinignan at ngumiti.
"Wow. Marunong ka palang magluto."
"Oo naman no! Ano namang palagay mo sa akin?"
"Wala naman. I just don't expect it. Akala ko kasi, walang pakialam ang mga bata---"
"Bata? Sa tingin mo bata pa ako?"
Nag-isip ito saglit.
"Hindi na pala." napakagwapo nitong ngumiti at simpleng ngiti niya lang ay nabubuo na ang araw ko.
"Halika na nga! Kumain na tayo, papasok pa ako e."aya ko.
"No. Hindi ka papasok ngayon. Maghahanap tayo ng apartment mo. Yung disente. Ayoko dito sa lugar na to. delikado at hindi maganda para sa nagiisang gaya mo."
Naguguluhan akong tumingin sa kanya, binabasa kung totoo ba at seryoso ba siya sa mga sinasabi niya.
"Bakit?" Natatawa nitong tanong.
Wala sa loob kong yumakap dito ng mahigpit at naiyak talaga ako.
Ang saya saya ko ngayon, at walang words para iexpress ang nararamdaman ko ngayon.
"Hey, what's with the drama?" Inilayo niya ako sa kanya at tinignan ako sa mata.
Yumuko ako at pinahiran ang luha ko.
"Wala. Masaya lang ako. Sobra Nathan."
Ginusot niya ang buhok ko.
"Halika na nga. Kumain na tayo, kakausapin ko pa ang mga kaibigan ko na nagpaparent ng apartment." sabi nito at tumayo na.
Tumayo na rin ako at umupo sa upuan na kaharap ng lamesa. Wala pa rin akong kibo at panay lang ang ngiti sa kanya habang tinitignan ko siya.
Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya.
Tinignan niya ako.
"Hindi ako sanay na wala kang kibo and stop staring at me dahil naiilang ako."
Napabungisngis ako bigla.
"I am just so happy. I'm still speechless at hindi lang talaga ako makapaniwala."
"Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomansaSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...