Chapter 7: Lies

27.8K 180 9
                                    

Ellaine's POV

Alas siyete ng umaga,

Aligaga na ako sa pagluluto dahil kailangan ko ng pakainin si Shan, alas otso ng umaga ay papasok na ito sa school. Mabuti na lang at napaliguan ko na siya, kaya wala na akong masyadong iintindihin pa.

"Ako na diyan Ellaine, bihisan mo na lang ang anak mo." Alok ni Manang habang ibinababa ang mga labahin, ngayon kasi ang araw ng paglalaba niya.

"Hindi na ho Manang, sandali lang naman hong magbihis si Shan, ako na ho ang bahala dito. " tanggi ko. Alam ko namang marami pa itong gagawin.

Isa sa mga nagustuhan ko kay Manang ay napaka maalalahanin nito, para na namin itong nanay. Wala na kaming mahihiling pa rito bilang isang kasambahay.

Dinampot na nito ang mga labahing dadalhin sa washing room, ngunit huminto ito na tila may nakalimutan..

"Teka nga, hindi ko napansin si Nathan ah, hindi pa ba gumigising yung batang yon?" nagtatakang tanong nito.

"Eh umalis ho kaninang madaling araw, nagpaalam ho na may emergency meeting daw sa bagong tayong branch niya, 24 hrs kasi yun, hindi ko lang ho alam kung anong oras makakauwi." Paliwanag ko.

Nagkibit balikat na lamang ito at tumuloy na sa washing room.

Matapos magluto ay nagpatuloy na ako sa mga iba pang gagawin.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Shan, inaayusan ko ito ng buhok  ng dumating si Nathan.

Humalik ito sa amin, tila pagod na pagod.

"Good Morning heart! Kumain ka na ba? Ipaghahain kita, tamang tama at nakapagluto na ako ng breakfast. Sabayan mo na ang anak mo." magiliw kong alok.

Umupo ito sa kama at bumuntong hininga.

"Thank you sweetheart pero, I'd rather sleep for a while because I need to go to our main branch later. Andami ko pang aasikasuhin e." tanggi nito at mabilis na humiga ng kama.

Lumapit ako rito at hinaplos ang buhok nito.

Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito at pagpikit ng mariin.

"Mukhang napagod ang mister ko ah. Kamusta naman ang naging lakad mo kanina? May naging problema ba?"

Bumukas ang mata nito at sunod sunod ang paglunok. Parang nagulat pa ito sa tanong ko at nagbago ang ekspresyon ng mukha... or it's just me?

"Aahh. W-wala namang naging problema heart. M-may.... may mga minor revisions lang, pero kayang gawan ng paraan. Siguro napagod lang talaga ako, at kulang na rin sa tulog."

"Sabagay... E ikaw naman kasi, akala ko naman ay may malaking problema na. Sige na at magpahinga ka na." Masuyo ko itong hinalikan sa noo.

Ngumiti naman ito at magiliw na hinalikan ang kamay ko.

"I love you." sabi nito habang titig na titig sa akin.

"Mas mahal kita" ganting sagot ko.


***********************


"Teh, Mall naman tayo minsan, hindi na tayo masyadong nagbobonding, pansin mo Teh?" Malanding sabi ni Aly habang ngumunguya ng pakwan. Dito sila nananghalian ngayon sa bahay kasama si Jen.

"Oo nga naman Ellaine, grabe ka, ni hindi mo na nga alam ang mga pangyayari sa amin." May himig pagtatampong sabi ni Jen.

"Sus! Gusto mo lang talagang pag-usapan yang jowa mo kaya sinesegway mo talaga papunta dyan sa lovelife mo eh noh?!" May paduro duro pang sabi ni Aly kay Jen.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon