Nathan's POV
Matapos ang pag-uusap naming yon ni Tom ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Wala naman kaming balak na magpakalasing pa, isa pa kailangan kong magtrabaho bukas dahil sinadya kong ilaan ang araw na ito para sa pamilya ko.
Nagkataon lang na kailangan kong makipagkita kay Nikky, dahil sa di inaasahang pagkikita namin kanina sa mall.
Alas otso pa lamang ng gabi kaya paniguradong gising pa ang mag-ina ko.
Pumasok ako ng bahay at nadatnan ko si Manang na abalang naghuhugas ng pinggan.
"Hi Manang! Good evening! Ang mag-ina ko?" Bating tanong ko.
Saglit itong huminto sa paghuhugas ng marinig ako.
"Oh iho. good evening din. Ayon kakaakyat pa lamang. Katatapos palang naming kumain. teka kumain ka na bang bata ka?" Nag-aalalang tanong nito.
"Ah oho Manang. Salamat ho. Akyat na muna ako." paalam ko.
Ngumiti na lamang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Tumuloy na ako sa kwarto, ngunit wala ang hinahanap ko. Marahil ay nasa kwarto ni Shan.
Pumunta ako sa kabilang kwarto at hindi nga ako nagkamali, kasalukuyang binibihisan na ni Ellaine ng pantulog si Shan.
Tumingin sila sa gawi ko ng maramdaman nila ang prisensya ko.
Ngumiti naman ako sa kanila at pumasok ng tuluyan.
"Goodevening my princess and my sweetheart!" Bati ko ng may paglalambing.
Parang wala namang narinig si Ellaine at patuloy lamang ito sa ginagawa.
"Daddy! You're home early!" masayang bati naman ni Shan.
Lumapit ako sa kanila at masuyong hinalikan sila sa pisngi.
"Yes my princess, I came home early para makapaglaro tayo ng mas matagal."
Mukha namang nagustuhan nito ang sinabi ko kaya mabilis itong tumakbo palapit sa akin para yakapin ako at paulit ulit na halikan sa pisngi. Napakasarap sa pakiramdam. Feeling ko tuloy ang tagal na naming hindi nagagawa to, ang lambingin ang isa't isa.
Muli kong tinignan si Ellaine, nakatingin lang ito sa amin pero walang emosyon ang mukha. Para bang si Shan lang ang tanging nakikita.
Naninibago ako. Dati rati kapag dumarating ako ay halos hindi siya magkandaugaga sa pag asikaso sa akin, andyan yung tatanungin ako kung kumain na ba ako o kaya naman ay kung napagod ba ako sa trabaho, lalambingin ako na may kasamang masahe.
Aaminin kong namimiss ko na ang asawa ko, yung dating kami.
"Kumain na ba kayo sweetheart?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman talaga ang sagot.
"Tapos na." maikling sagot nito. Tumayo ito at kunwaring may inaayos sa kama ni Shan.
"Baka may gusto kayong kainin, magpapadeliver ako." suhestiyon ko pa.
Abala pa rin ito sa kung anong inaayos.
"No. Busog ako."
"Hmmm.. Ako kasi nagugutom ako e." kahit hindi naman. Gusto ko lang talagang kausapin niya ako ng mas matagal.
Humarap ito sa akin, kaya mabilis kong nailagay ang kamay sa tapat ng tiyan ko para umaktong gutom talaga.
"May kanin at ulam pa sa baba, Nandoon pa rin naman si Manang magpahain ka na lang." balewalang sagot nito.
"Ahm. Gusto ko ikaw ang maghain para sa akin e." paglalambing ko.
"Pagod ako Nathan." muling tanggi nito.
"Ok lang. Hindi na lang ako kakain." May bahid pagtatampo kong sabi. Alam kong galit talaga ito sa akin kaya naman hindi ko na lang siya pinilit. Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay Shan na abalang nilalaro ang mga laruan niyang bago.
Natutuwa akong nagustuhan niya ang mga 'yon.
"Oo nga pala, aalis kami ni Shan sa isang linggo. 1 week kaming mawawala." maya maya'y sabi ni Ellaine na hindi man lang tumitingin sa akin.
Aalis sila? Bakit sila lang?
"Aalis? Saan kayo pupunta? Bakit wala akong alam dito?" Nagtatakang tanong ko.
Mataman niya akong tinignan.
"Paano mong malalaman eh parati kang wala? Parati kang abala di ba?"
"Yung tanong ko ang sagutin mo. Saan kayo pupunta ng anak ko? "
Lalo naman sumeryoso ang mukha nito .
"Sa Hongkong. Kasama namin si Jen at Aly. Noong nakaraang linggo pa namin nabili ang mga ticket. Naging abala ka kasi nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi na ako nagsabi pa sayo. Ayokong maabala ka." sumama talaga ang loob ko. Mukhang kaya na nitong magdisisyong mag-isa. Ni hindi man lang ako kinunsulta.
"Pwede pa ba akong sumama o humabol man lang?" Tanong ko.
Tumaas naman ang kilay nito at pinagkrus ang mga kamay nito.
"Yung totoo? Kasama ka naman sana talaga. Kaya lang naman ako nagdesisyon na kami na lang ay gusto ko lang makapagpahinga at makapag-isip. Gusto kong magkaroon ng sarili ko ring oras. Yung para sa akin lang at sa anak ko? Gusto ko kasing maranasan din yung tulad ng ginagawa mo, yung walang iniintindi kundi sarili mo lang. Gusto ko ring sumaya." May hinanakit na pag-amin nito.
Natigilan ako sa narinig ko. Ganoon na ba talaga ako sa paningin niya? Ako lang ba talaga ang hindi nakakapansin ng ipinagbago ko? O sadyang naging abala lang talaga ako kay Nikky. Kailangan ko na ba talagang tigilan ang pagkahibang ko sa babaeng yon? Pero paano siya? Lalo na ngayon na ako mismo ang gumawa ng responsibilidad ko sa kanya. Kailangan ko siyang tulungan sa mga gastusin niya, dahil nangako na ako at tulong ko talaga sa kaniya yon.
Pero paano naman ang pamilya mo? Lalo na kapag nalaman ni Ellaine ang tungkol kay Nikky.
Aaaah! Pestee! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Sige maghihintay na lang ako sa pagbabalik niyo." Pineke ko ang ngiting sumungaw sa mga labi ko.
Tumayo ako at saglit na nagpaalam kay Shan para magtungo sa kwarto naming mag-asawa. Hindi ko na matagalan ang malamig na pakikitungo ni Ellaine sa akin. Hindi ko kinakaya ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya. Paano na lang kaya kapag nalaman niya pa ang tungkol sa kalokohan ko?
Tsk Nathan. Bakit kasi naging mahina ka sa tawag ng laman? Takot na takot ka sa mga posibleng mangyari e ikaw naman itong gumagawa ng sarili mong multo!
Ellaine's POV
Matapos kong kumutan ang nahihimbing ng si Shan ay sinimulan ko ng ayusin ang mga laruan na nagkalat.
Habang naglilinis ay hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko ang mga naging reaksyon ni Nathan kanina, batid kong nasaktan ko ang damdamin niya sa malamig na pakikitungo ko, pero kailangan ko lang gawin yun para sa akin
Matapos nitong magpaalam kay Shan ay hindi na ito bumalik. Isinalansan ko ang mga laruan ni Shan sa Cabinet kung saan nakalagay ang mga laruan nito, pagtapos kong gawin yon ay muli akong lumapit kay Shan at ginawaran ito ng halik sa noo.
"Goodnight Baby." lumakad na ako palabas at pumasok sa kwarto namin.
Bumungad sa akin ang natutulog ng si Nathan. Umupo ako sa kama at humarap sa kanya.
May kung ano sa akin na gustong haplusin ang buhok niya.
Namimiss na kita. Bakit ba ang bilis mong nagbago? Ano ba talaga ang naging problema Nathan?
Alam kong may kung anong bumabagabag dito at nasisiguro kong hindi lang niya masabi ng tahasan, ramdam ko iyon. Mula sa mga kilos at pananalita nito alam kong may itinatago siya.
Kung hindi mo masabi sa akin ay ako ang tutuklas at hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.
Mahal na mahal kita Nathan.
Dinampian ko siya ng mabilis na halik sa mga labi at maya-maya pa ay humiga na rin ako para matulog.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...