Chapter 1: Baliktanaw

61.7K 352 4
                                    

Chapter 1

Ellaine's POV

Biyernes ng gabi.

"Girl, ano kaya kung sa bahay niyo na lang tayo magbonding?, nakakasawa na kasi kung sa mall nalang tayo palagi e." Si Jen.

"Oo nga naman girl! Doon na lang tayo sa bahay niyo, mas makakatipid tayo doon at kahit magdamagan pa tayong magbonding ay pwede! Di ba?" Sang ayon naman ni Aly.

Jen and Aly, they have been my best friends since High school at hanggang ngayon na graduate na ng college ay magkakasama pa rin kami sa trabaho. Hindi na yata talaga kami mapag hihiwalay. Anyway have I mentioned that Aly is a gay? Oh well. We don't care. We love him for who he is.

Bakit nga ba biglang nagbago ng pananaw itong mga to! Mall is our favorite place to Hang out, kaya naman nagtataka ako kung ano ang pumasok sa isip nila.

"Eh wala naman tayong gagawin sa bahay namin. Nakakainip lang doon." Sagot ko.

"Hello? Ang dami kayang pwedeng gawin sa bahay niyo, like movie marathon or chess or eat or-----" said Jen

"or cook or clean or gamble! Andaaaaming gagawin sa inyo believe me!" dugtong pa ni Aly sa iba pang sasabihin ni Jen.

Hmmmmm... Something's weird. And I don't know kung anong meron.

I have to find out.

"Ok. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niyo, pero dahil mapilit kayo, let's go!"

Sabay-sabay kaming naglakad para pumara ng taxi.


*********


Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

Pero may napansin akong kakaiba.

Patay ang lahat ng ilaw. Wala man lang ilaw kahit man lang sa garahe.

"Umalis ba ang mga tao dito?" nagtatakang tanong ko, knowing no one will answer me dahil pare-pareho naman naming hindi alam.

Pero.. Kung aalis man ang mga tao dito, they will text or call me.

"You have your own keys naman di ba?" asked Jen.

"Yup. But this is weird. Really. This is really weird." Sabi ko.

"Your thought is getting the better of you again my dear." Said Aly.

Binuksan ko ang gate.

Whoa. Kung umalis sila, bakit nandirito ang mga sasakyan? Gosh!

Hindi ko maipaliwanag ang kabang biglang bumangon sa dibdib ko.

I opened the door with my keys.

And slowly opened the lights.

OH MY GOSH!

OH MY GOSH!

Natutop ko ang bibig ko.

Flowers are everywhere! At hindi lang basta bulaklak.. Iba't ibang uri ng bulaklak ang pumuno sa buong bahay namin. Nagmukha tuloy flower shop ang bahay!

Napansin ko ang mga petals sa sahig na papunta sa pintuan ng kwarto ko.

Bagama't kinakabahan ay sinundan ko yung mga petals hanggang narating ko na ang pinto ng kwarto ko.

Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko..

May pag-aatubili sa akin kung pipihitin ko ba ang doorknob, pero sa huli ay nanaig pa rin sa akin ang pihitin ito.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon