Chapter 12: Payong Kaibigan

17K 225 48
                                    

Nathan's POV

Pagkatapos kong ihatid ang mag-ina ko sa bahay at makapagpaalam na aalis muna ay mabilis kong tinawagan si Nikky habang nagdadrive.

"Where are you?" Tanong ko rito ng may mataas na tono.

"Ay galit agad?" Sagot nito.

"Where the hell are you?" Gigil kong tanong.

"Nasa labas ng mall, pumapara ng taxi. Marami kasi akong dala. Bakit ba?" Iritableng tanong nito.

"Hintayin mo ako diyan." Mabilis kong ibinaba ang linya at binilisan kong magdrive.

Naabutan ko itong prenteng nakaupo sa isang waiting area.

Binusinahan ko ito para pasakayin ito sa sasakyan. Wala akong planong bumaba dahil sa takot na baka may makakita sa amin.

Lumapit ito na iilan lang ang bitbit at halatang iritado ang mukha.

Binuksan nito ang passenger seat.

"Ay kuya, baka pwedeng tulungan mo ako sa mga bitbit ko kasi masyadong marami." Sarkastikang sabi nito.

"Isa-isahin mo. Hindi ako pwedeng bumaba dito, dahil maraming nakakakilala sa amin ng asawa ko dito!"

Galit nitong hinagis ang mga dala dala niya sa likuran ng kotse. Pabalibag na isinara ang pintuan at isa isa ngang hinakot ang mga pinamili.

Nagtagis ang bagang ko sa ikinilos nito. Araw-araw na lang ba akong makikipagsagutan at makikipag away?

Nakarating kami sa bagong apartment nito. Sa pagkakataong yon ay tinulungan ko na itong magbaba ng mga pinamili.

Hanggang sa pagpasok sa bahay ay nakasimangot ito, kaya naman ay hindi ko mapigilang mairita.

"Huwag mo akong simangutan." sabi ko matapos kong ilapag ang mga gamit.

Padabog nitong ibinaba ang hawak niya.

"What, ikaw lang ang may karapatan sumimangot at magalit kung kelan mo gusto?" Pabalang na tanong nito.

"Anong ginagawa mo doon? Are you stalking me?" Diretsahang tanong ko.

Tumawa ito ng nakakaloko.

"What? Stalking you? Come on! Nandoon ako para mamili ng gamit ko. Hindi ko alam na nandoon ka, so stop accusing me! I am not that desperate to stalk you!"

"Really huh? Don't you know na doon kami madalas mamili ng asawa ko, kaya marami ng nakakakilala sa amin doon?"

"Asawa mo! Oo asawa mo! Bigyang diin mo pa! Ilang beses niyo bang uulit ulitin ang salitang asawa? Sige!Ipamukha niyo sa akin na kabit lang ako! "

Saglit akong natigilan sa sigaw nito.

"Are you jealous?" Tanong ko.

Ngumisi ito.

"I am not jealous. Why will I be jealous? alam ko kung ano ako sayo at kung hanggang saan lang ako sayo." naluluhang sabi nito.

"Ang sa akin lang, magiingat ka. Alam mo ang sitwasyon natin at lalong hindi ka dapat nakikipagusap sa---"

"Saan? Sa asawa mo? Why? are you afraid of getting caught? Natatakot kang baka may sabihin ako sa kanya?" Mapaklang ngiti ang sumungaw sa labi nito.

"Of course yes! Yes, I am afraid to get caught! Hindi mo na kailangan pang itanong yan dahil alam mo naman ang sagot! Nag-iingat lang ako dahil ayoko siyang masaktan. Lalong lalo na ang anak ko."

"At ako ayos lang na masaktan ha? Ganoon ba? You're being unfair Nathan."

Napasabunot ako sa buhok ko.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon