Chapter 23
Ellaine's POV
Mag-iisang Linggo na rin simula ng umalis si Nathan at mag-iisang Linggo na rin akong hindi lumalabas ng kwarto. Hindi ko na rin maramdaman ang gutom. Minsan ay hinahatiran ako ng pagkain ni Manang dito sa kwarto pero kahit anong pilit ko ay wala talaga akong ganang kumain. Nararamdaman kong maraming gustong itanong si Manang pero pinipili pa rin niyang respetuhin ang pananahimik ko. Dalawang araw matapos umalis ni Nathan ay ipinahatid ko na muna si Shan sa mga magulang ko, mabuti na lamang bakasyon ngayon kaya hindi ko siya masyadong aalalahanin. Mabuti na ring nandoon siya dahil ayokong makita niya ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko maatim na pati siya ay masaktan kapag nakita niya akong ganito, At isa pa ayokong malaman niyang hindi umuuwi ang Ama niya.
"Ellaine? Ellaine... Alam kong naririnig mo ako.. Pwede ba kaming pumasok?"
Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Jen mula sa labas ng kwarto ko, pero hindi iyon sapat para kumilos ako.. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko, pinilit kong magbingi-bingihan. Hindi pa ako handang humarap sa kahit na kanino sa ngayon. Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto.
Tsk! Ang kukulit.
Naramdaman kong may umupo sa magkabilang gilid ko. Pinilit nilang tanggalin ang unan na tumatakip sa mukha ko, kaya naman bugnot akong napaupo sa higaan.
"My gosh Ellaine! Anong ginagawa mo sa sarili mo? Nakikita mo ba yang sarili mo?" Si Jen habang titig na titig sa akin.
Nakasimangot naman akong tumingin dito.
"God Look at you! Ikaw pa ba yung kaibigan namin? Baka naman impostora ka ha? Anong ginawa mo sa kaibigan namin ha?" may halong pagbibirong sabi ni Aly.
Siniringan ko naman ito ng tingin.
"Bakit ba kasi nandito kayo? Wala akong ganang makipag-usap. At wala ako sa mood para makipagbiro." Humiga ako ulit pero mabilis akong hinila ng mga ito.
"Tumayo ka nga dyan! Ano ka ba? Buburuhin mo na lang ba ang sarili mo dito sa loob ng kwarto mo?" Sigaw ni Jen sa akin.
"Sabihin mo lang kung magpapakamatay ka girl! Hindi yung ganitong inuunti-unti mo! May alam akong way na mas mabilis, ituturo ko sayo!" Dagdag pa ni Aly.
Doon ko na hindi napigilan ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa at rumehistro ang awa sa mga mukha nila.
Lumapit si Jen at hinawakan ang mga kamay ko.
"Girl we came here to support you, to let you know na.. Nandito lang kami lagi para sa 'yo... Sabihin mo kung ano ang problema, handa kaming makinig.. Hindi mo kailangang solohin ang problema mo.."
Naantig ako sa mga sinabi ni Jen. Hindi ko napigilang hindi ipakita ang nararamdaman ko ngayon, kakalimutan ko na muna ang hiya. Siguro nga kailangan ko ng makakausap, kailangan ko ng mga absorber at makakapagbigay ng mga payo, dahil kung ako lang ay hindi ko na alam kung ano ang kailangan kong isipin para malagpasan ang lahat ng ito. Baka hindi ko na kayanin at baka kung ano na ang magawa kong hindi maganda sa sarili ko.
"Ang sakit sakit e... Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.. Nahihirapan na ako... Bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat e. Wala akong ginawang masama sa kanya.. Pero bakit parang sa huli ako pa ang talo.."
"Ano ka ba... 'wag mong sabihin yan.. Ellaine.. Tandaan mo hindi ka pwedeng matalo.. Kailangan mong lumaban para sa anak mo, para sa karapatan mo. Kailangan mong ipaglaban kung ano man ang pagmamay-ari mo. Hahayaan mo na lang bang masira ang pamilya mo ng ganun ganon na lang?"
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...