Chapter 6: Just Go With The Flow

31.1K 230 17
                                        

Nikky's POV

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napasandal ako sa pintuan. Parang hapong hapo ang buong katawan ko. Parang pagod na pagod pero ang totoo ay wala naman talaga akong ginawa ng buong araw para mapagod ng ganito.

May tumutulak sa akin na muling silipin siya, pero pilit kong nilalabanan.

Ano bang meron siya bakit ganon ako ka attracted sa kanya? Hindi naman ako dating ganito. Aminado akong nakikipagrelasyon ako sa mga lalaking may asawa, pero hindi ako attracted sa mga lalaking may asawa.

Magulo ba?

Ganito na lang.

Sila ang pilit na lumalapit sa akin. Hindi ko ginusto ang makipagrelasyon sa kanila, marahil dala ng sitwasyon ko sa buhay, kaya nagagawa kong kumapit sa kanila. Oo, pinerahan ko silang lahat. Ginamit ko sila para sa mga pangangailangan ko.

Pero iba sa lahat si Nathan.

I like him. Gustong gusto ko siya. Hindi dahil sa mayaman siya.

Nung makita ko siya kanina sa party, nagulat ako. Hindi ko alam na may kaugnayan siya kay Angel, kaibigan ko si Angel pero hindi ganoon kalapit, wala akong alam tungkol sa personal na buhay niya.

Alam kong may asawa si Nathan, pero bakit ganon? Nung makita ko siyang kaakbay niya ang asawa niya hindi ko maipaliwanag ang kirot sa dibdib ko. Parang tinutusok ito ng maliliit na kutsilyo ng sunod sunod.

Muli ay sinubukan kong Buksan ng bahagya ang bintana para sumilip, pero ganoon na lang ang panghihinayang ko ng makita kong wala na siya.

Naupo ako sa kama.

Tama ba talaga ang ginawa kong pang-aakit sa kanya nung gabing yon?

Bakit ba naman kasi magkaka gusto ka nalang e yung sa may asawa pa! Tanga! Sermon ko sa sarili ko.

Noong gabing makausap ko siya ng matagal, para kasing napakabait niya, parang siya yung tipo ng taong hindi kayang manakit. Simpleng tao kahit may sinasabi sa buhay. Gentleman, at higit sa lahat may sense kausap.

Napahiga ako sa kama habang nagiisip.

Parang biglang nanariwa sa akin ang mga halik niya noong gabing iyon. Swabe at napakalambot ng labi, napaka passionate niya kung humaplos. Kinuha niya ang pagkababae ko na parang mamahaling perlas at takot na takot magasgasan. Nag-init ang buong katawan ko sa isiping 'yon at wala sa sariling napayakap ako sa katawan ko. Alam kong mali, pero gusto kong maulit pa iyon.

Sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lamang naramdaman ang ganoong pagpapahalaga. Lumaki kasi ako na kulang sa pangangalaga ng magulang.

Nagiisang anak lamang ako. Namatay sa Cancer ang Tatay, edad trese pa lamang ako, walang wala kami noong time na yon, walang nagawa ang Nanay ko kung hindi mag-asawa ulit, that's the only way para mabuhay kami. Maswerte na lamang ako dahil nagawa kong ipagpatuloy ang pagaaral ko sa tulong na rin ng step father ko. Hindi naman siya ganoon kayaman, tama lang para mabuhay niya kami at mabili ang luho namin. Hanggang sa mabuntis ang nanay ko at mamatay sa panganganak dahil sa sakit nya sa puso, nagkaroon ito ng maraming komplikasyon, hanggang sa hindi na kinaya ng katawan niya. Mabuti na lamang at malusog niyang ipinanganak ang kapatid kong lalaki.

Hindi ganoon kaganda ang naging pagsasama namin ng step father ko. Nag iba na ang pakikitungo nito sa akin simula ng mawala si Mama. Naging lasingero na ito at nalulong sa masamang bisyo, kung sino sino ng lalaki ang nakakasalamuha ko sa bahay, kulang nalang ay ipa-table nya ako sa mga iyon kapag nagiinuman sila sa bahay.

Hanggang sa isang hating gabi, matapos ang Highschool Graduation ko. Naalimpungatan ako ng may humahaplos sa hita ko, napabalikwas ako ng upo at pilit kong inaaninag mula sa ilaw na nangagaling sa bintanang nakabukas kung sino ito, kahit hirap ay napagtanto ko kung sino ito kaya bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Pilit akong hinihila ng Step Father ko at inilalapit sa kanya, pero buong tapang at lakas ko syang sinipa sa mukha at nagtatakbo ako palabas ng bahay.

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon