Chapter 15: Tama na

18.2K 196 43
                                    

Chapter 15

Nathan's POV

"Good Morning Kuya Nathan!" Ngiting-Ngiti na bati nito.

Hindi ako makapaniwalang hindi man lang nito ininda ang mga prisensya ng kasama niya. Ramdam na ramdam ko ang kabang nag-uumpisang bumangon sa dibdib ko.

Isang linggo akong hindi nakipagkita dito o mas mabuting sabihin na matagal ko itong iniwasan, simula noong huli naming pagkikita. Wala rin naman akong balak makipagkita sa kanya kahit na alam kong mawawala ang pamilya ko ng isang linggo. Plano kong itutok ang buong atensyon ko sa trabaho habang wala sila, kaya hindi ko talaga inaasahan ito.

"Ah kuya... Si Nichole nga pala. Kasama namin siyang mag-O-OJT dito, pag-pasensyahan mo na mahadera lang talaga ito. Pero hindi naman siya magpapasaway kuya, akong bahala dito." Paglapit ni Angel sa kanya at marahang tinapik ang braso nito.

Nanatili akong tahimik at tikom ang bibig na lumipat ng tingin kay Angel. Hindi ako makapagsalita.

Narinig ko ang impit na tawa ni Nikky.

"Oo naman kuya, hindi naman ako magpapasaway lalo na sayo." Makahulugang sabi ni Nikky.

Hindi ko alam kung paano ako kikilos ng maayos ngayong nasa harapan kami ni Angel. Gustuhin ko mang hilahin palabas ngayon si Nikky ay natatakot akong malaman niya ang namamagitan sa amin dahil kung nagkataon ay hindi malabong malaman din ito ni Ellaine. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Nikky ngayon, at kung ano man 'yon ay natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

"Ano kuya? Hired na ba kami?" naputol ang pag - iisip ko sa tanong ni Angel.

Unti-unti akong nag - ayos ng upo.

"S-sige. Kakausapin ko na muna ang secretary ko na kausapin ang HR kung saan kayo pwedeng I - assign, hindi ko kasi alam kung saang department ang bakante ngayon." Napilitan akong pumayag dahil ayokong mapahiya si Angel. Oo.. Yun lang yon at wala ng iba.

Nagpalakpakan naman ang mga ito sa galak. Lumapit naman si Angel sa akin at niyakap ako ng mahigpit sa sobrang tuwa.

"Kuya! Sobrang thank you! Hulog ka talaga ng langit!" tuwang tuwang pagpapasalamat nito. Alanganin ko namang nginitian ito.

"Pero hindi ko maipapangako na magkakasama kayong lahat sa iisang branch. Sa pagkaka - alam ko kasi wala ng masyadong bakante ngayon dito, kaya posibleng sa iba ma - assign ang iba sa inyo." Anunsyo ko sa mga ito pero kay Nikky lang nakatingin.

Iba - iba ang naging reaksyon ng mga ito. Lalong lalo na si Nikky.

"Ayos lang sa akin Kuya. Kahit saan pa ako ma - assign, at alam kong ganoon din sila, 'di ba guys?" pagkukumpirma ni Angel sa mga ito. Isa - isang nagtanguan ang mga kasama niya maliban lang kay Nikky na matamang nakatingin sa akin.

"Sa akin hindi OK." Prostesta ni Nikky na ikinagulat naman naming lahat. Kinakabahang tumingin ako sa kanya. Tumingin muna ito sa akin bago bumaling kay Angel. "Alam mong pinili natin itong Restaurant ng kuya mo dahil kumpara sa ibang branches nito ay di hamak na mas malapit ito sa apartment ko. Sa inyo maaaring ayos lang ang mapalayo kayo, dahil may mga magulang kayong nagbibigay ng budget niyo sa araw - araw, pero para sa aking mag - isang tinutustusan ang pag-aaral ay mahihirapan ako. Budget - wise kukulangin ako sa pang - araw - araw sa pamasahe pa lang." pangangatwiran nito. Hindi ko alam kung isa ito sa mga palabas niya, pero maari ring totoo. Mukhang mahihirapan akong mapalayo sa babaeng ito.

Nag-aalangang tumingin sa akin si Angel na parang sinasabing, sige na kuya.

"Kuya... May punto si Nichole. Kami ay ayos lang kahit saan, si Nichole na lang ang kunin mo dito."

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon