Chapter 16
Nathan's POV
Lumipas ang maghapon na hindi ako mapakali sa mga sinabi ni Nikky. Mukhang mahihirapan akong pakiusapan siya. Litong - lito ako kung ano ba ang dapat gawin. God knows how much I wanted to stop seeing her. Ayoko ng lumalim pa ang ugnayan namin.
Siguro ay mas mabuting kausapin ko siya ng mahinahon kapag lumamig na ang ulo nito, baka sakaling makinig siya at buksan ang isip sa mga sasabihin ko. Sa ngayon ay aabalahin ko na muna ang sarili ko sa trabaho.
Biglang naputol ang pag - iisip ko ng tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng Office table ko.
Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay mabilis ko itong sinagot.
"Hello Heart?" bati ni Ellaine sa kabilang linya.
"Hello Sweetheart! How was your flight?"
"Ok naman. Nakakapagod, pero it's all worth it naman. Lalo na kapag nakikita ko ang anak mong masaya. Papunta na kami ng Disney ngayon. Nako 'tong anak mo hindi mapakali. Mukhang gusto ng makarating doon agad -agad!" Masayang sabi nito.
Napapangiti ako dahil parang nakikita ko ang mga mukha nilang masaya ngayon.
"Really? That's great! Where's Shan? I want to talk to her." Bigla ay nakaramdam ako ng excitement na marinig ang boses ng anak ko.
"Hi Dad! We're going to Disney Land. I'm with Mommy, Tita Jen and Tita Aly too!" Masayang balita nito.
"Wow! That is so nice! Don't forget to take a picture Ok? I want to see my princess with her favorite Disney Characters!"
"Ok Daddy. Bye for now!" Tila nagmamadaling sabi nito. Maya - maya lang ay narinig ko ng ipinasa ang phone sa Mommy niya.
"Hello Sweetheart, nako pasensya ka na sa anak mo, excited eh." Paghingi ng pasensya nito.
"Ok lang Sweetheart. Naiintindihan ko." Natatawang sabi ko.
"Anyway how's work?" Maya-mayang tanong nito.
Bigla naman akong kinabahan na hindi ko mawari ng marinig ko ang tanong nito, bigla kasing sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ayokong ipahalata rito na hindi maganda ang takbo ng araw ko ngayon. Kaya naman pinilit kong maging natural ang boses ko.
"O-Ok naman Heart. Nagpunta kanina si Angel dito kasama ang mga kaklase niya. Naisipan nilang dito na mag OJT. Alam mo namang hindi ko matanggihan ang isang yon."
"Ah talaga? Nako ha masyado mong inii-spoiled yung babaeng yon, mamaya e masanay. Alam mo naman kung gaano ka-pasaway 'yon. Ayoko lang mapahiya sayo." May tonong pag-aalala nito.
"Ikaw naman. Ayos lang sa akin 'yon, alam mo naman na napamahal na rin sa akin ang kapatid mo."
"Tsk. Sige na nga ikaw na ang bahala. O siya sige na, nandito na kami e. Ingat ka diyan ha? Kumain ka ng marami. I love you." Malambing na paalam nito.
"Opo Boss Sweetheart! Ingat din kayo diyan! I love you too!" paalam ko,hindi na ito sumagot at narinig ko nalang na ibinaba niya na ang linya.
Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko matapos ng pag-uusap namin.
Naisip ko na, siguro kung sumama lang ako sa kanila, malamang ay hindi ako mamo-moblema ng ganito.
Natatakot akong magkita ulit kami ni Nikky. Natatakot ako sa mga pwede pang mangyari. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ng ilang beses na may mangyari sa amin, maaaring may posibilidad pang mangyari 'yon ulit. Hindi ko alam kung hanggang saan ko ba kayang labanan ang temtasyon na nabubuhay sa akin tuwing kaharap ko na ang babaeng yon. Parang nawawala ako sa tamang pag-iisip kapag nararamdaman ko ang katawan niyang malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomantikSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...
