Chapter 19
Nikky's POV
Dalawang buwan na ang lumipas , simula ng malaman kong nagdadalang tao ako. Matapos ang pagpapahinga ko ng isang lingo ay bumalik na rin sa normal ang buhay ko, pumapasok na rin ako sa University dahil kailangan kong matapos ang pag-aaral ko. Natapos na rin ang OJT ng mga kasamahan ko at siyempre sa tulong na rin ni Nathan ay nakuha ko ang evaluation ko para sa OJT kahit na ang totoo ay hindi ko naman talaga natapos ito dahil na rin sa lagay ko. Mabuti na lang at naiintindihan 'yon ng mga kaklase ko at wala rin akong narinig na pagtutol mula sa kanila. Dalawang bwan na lang ay magtatapos na rin ako ng kolehiyo sa wakas. Hindi ko na kailangan pang mag-trabaho sa coffee shop, magmula ng mabuntis ako ako ay nag-resign na ako sa coffee shop kung saan ako nagta-trabaho sa utos na rin ni Nathan.
Anlaki ng pasasalamat ko sa kanya. Napakarami niya ng naitulong sa akin, anlaki na rin ng pagbabago ngayon ng buhay ko, mas naging magaan para sa akin ang lahat. Sa ngayon ay maayos ang pagsasamahan namin ni Nathan, lagi niya akong dinadalaw para kamustahin sa tuwing may mga bakanteng oras siya. Hindi ko na rin siya kinukulit masyado tungkol sa kung ano talaga kami. Para sa akin hindi na mahalaga yon, basta ang importante sa ngayon ay maayos kami at lagi siyang nandyan para sa akin.
"Ate! May naghahanap ho sa inyo sa labas." Natigil ako sa pagmumuni-muni sa sigaw ni Rose.
"Ano ba naman yan Rose! Papatayin mo ba ako sa gulat? Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Iritableng tanong ko sa bente anyos kong kasambahay.
"Ay.. sorry po Ate.. Nagmamadali po kasi yung mga nasa labas e. Pasensya na po." ka-kamot kamot na sabi nito.
Bumuntong hininga ako bago ako magtanong.
"Sino daw ba sila?" tanong ko.
"Eh hindi ko nga po kilala. Basta ang sabi tawagin ko daw po kayo."
Nagtatakang tumayo ako mula sa kama at lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako sa mga taong nakaupo na sa sala.
"GIIRRRRL! Surprise! Akala mo maitatago mo samin ng matagal itong apartment mo ha!" Salubong sakin ni Janine.
Tumingin ako sa mga kasama niya. Si Grace,Erika at si Angel. Napasinghap ako ng makita ko si Angel. Hindi ko alam kung paano ko sasalubungin ang mga ngiti nila.
"A... Hehe! P-paano niyo nalaman ang bahay ko?"
"Grabe ka Nichole! Parang gusto ko ng maniwala na ayaw mong malaman namin ang bahay mo ha!" Sabi Erika.
"N-nako! H-hindi naman sa ganoon. Nagtataka lang ako kasi wala naman kasi talaga akong napag-sabihan ng bagong bahay ko."
"Wow ha! High Profile?" Sabat ni Grace.
"Tumigil nga kayo! Yan! Yan ang rason kung bakit ayokong sabihin sa inyo, ang gugulo niyo eh. Andami niyo pang tanong." Biro ko sa kanila. Umupo ako sa one sitter na Sofa.
"Bakit may itinatago ka ba?" Nakangiting tanong ni Angel. Bigla akong napatingin dito. Parang iba ang dating sa akin ng tanong na 'yon. Nanlamig ang buong katawan ko dahil dito. Pero kung titignan mo ang mga mata niya ay natural lang naman para sa kanya ang tanong na 'yon. Napapraning lang siguro ako.
"W-wala ah! Hehe. Biro lang naman. Teka kumain na ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Yep kumain na kami. Meryenda na lang Ok na." Sabi ni Grace.
"Ang kapal mo talagang babae ka!" natatawang sabi ni Erika. Natawa na lamang ako. Tinawag ko na lamang si Rose para magpahanda ng meryenda para sa kanila.
"Bigtime ka na girl ha, may maid and everything ka na.. Siguro mayaman ang nakabuntis sayo no?" walang gatol na tanong ni Erika. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsiko ni Janine sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...