Chapter 3
Ellaine's POV
"Sweetheart maiinip ka lang doon. Besides, boy's night out yun."
"Yun na nga heart eh! Boy's night out yun! Knowing Joshua maraming baong kalokohan yun." Naiirita ng tumalikod ako para humarap ulit sa salamin, para magsuklay. Katatapos ko pa lamang maligo at kasalukuyang naghahanda para matulog.
Kanina pa ako kinukulit ni Nathan para pumunta sa party ng mokong niyang pinsan. Hindi ko kailanman naging close si Joshua, in short hindi ko siya gusto dahil alam ko ang mga kalokohan niya ever since maging kami ni Nathan, kasama na ang kalokohan ng iba pa niyang kaibigan..
"Don't you trust me?" May bahid na hinanakit nitong tanong.
Pinagmasdan ko ang mukha nito mula sa salamin. Nakukunsensiya ako, pero mas nananaig ang nararamdaman ko.
Ewan ko, pero natatakot ako.
Na baka kapag pinayagan ko siya ngayon, bumalik siya sa dati niyang gawain.
Happy go lucky, walang responsibilidad sa kahit kanino man.
"It's not that I don't trust you. I don't trust Joshua and.. and your f-friends and I don't trust that party! That's all!"
Nagkatitigan kami sa salamin.
Umiling - iling ito at napatayo sa kama.
"Edi yun na rin yun! You don't trust me. Dahil kung may tiwala ka talaga sa akin, hahayaan mo ako. Para kasing after all these years, kulang pa ako na ipakita sayo na kayong mag-ina ko lang ang top priority ko. Lahat ng efforts ko hindi mo pala napansin. Isang gabi lang na party e, minsan lang. Ngayon ko lang ulit gagawin to, ang lumabas kasama-----"
"Kung talagang gusto mong umalis, edi umalis ka! Hindi mo na kailangan pang isumbat kung ano na ang mga nagawa mo para sa amin ng anak mo!"
Yun lang at mabilis itong lumabas ng kwarto.
BLAAAAAAAAAAAG!
Pabagsak na pagsara nito ng pinto.
Mabilis na umagos ang mga luha sa pisngi ko.
Sa tagal ng pagsasama namin ni Nathan ay ngayon pa lamang kami nagka sigawan ng ganito. Oo nag-aaway din kami paminsan-minsan pero hindi tulad ng ganito. Hangga't maaari ay pinag-uusapan namin ito ng maayos.
Hindi niya ba ako naiintindihan?
May mali ba akong nasabi?
Masama na ba akong asawa dahil sa hindi ko pagpayag na umalis siya?
Alam ko naman ang mga ginawa niya para sa aming mag-ina after all of these years e, at hindi ko naman binabalewala ang lahat ng 'yon. Pero alam niya rin kaya ang mga sacrifices ko para sa pamilya namin?
I'm just afraid.
You can call me selfish pero natatakot akong masira ang nasimulan na namin.
Ideal Family.
Yan ang tingin sa amin ng nakararami.
Somehow true. Dahil yun talaga ang gusto naming mag-asawa kaya pinagtatrabahuhan naming mabuti ito.
Napatayo ako bigla sa huling naisip ko.
Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa salamin.
"E bakit nga ba ako umiiyak?" pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.
Oo nga pinagtatrabahuhan naman naming mag-asawa ang magandang pagsasama namin.
Kasama na rito ang pag-unawa sa isa't isa.Bigla tuloy akong napa-isip.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...
