Chapter 17
Nathan's POV
She's 2 weeks pregnant.
She's 2 weeks pregnant.
Parang sirang plakang nagpaulit-ulit lang sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Pinipilit ko pa ring intindihin at parang ayaw tangapin ng sistema ko.
No.. Please no! This can't be happening! Hindi pwede.. Hindi pwedeng mangyari 'to. There's a lot of things to consider. Hindi pwedeng basta basta na lang ganoon. Oh my God.
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na ang naiisip ko. Paano ko ipaliliwanag to kay Ellaine? Kay Shan? Oh God my daughter.. paano na ang anak ko. Paano na ang pamilya ko, at paano na si Nikky? Gulong gulo ang isip ko, napakabilis ng mga pangyayari.
"Kuya... Kuya? O-Ok ka lang?" Biglang bumalik sa realidad ang isip ko ng makita kong nasa harapan ko na si Angel.
Pinili kong kumalma at magpakanatural sa harapan nito.
"Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero parang hindi mo ako naririnig." Kunot noong sabi nito.
"Ah... Ano... K-kasi.. Aah.. M-may iniisip lang. M-may sasabihin ka?" tanong ko.
"Sabi ni Doc, pwede ng iuwi si Nichole, she needs a complete bed rest for a couple of week daw but I was thinking about the works-" pinutol ko ang iba pang sasabihin nito.
"N-No that's ok. Don't worry about it. I-I'll fix that. For now she needs to rest. L-Let's go, I'll bring you guys home." Aya ko rito.
"But kuya we don't know her new apartment!" pag-aalala nito. Oo nga pala hindi niya alam na alam ko ang apartment ni Nikky.
"I-I aah.. I already called one of my employee from HR department and they gave her address." Pagpapalusot ko.
Bagamat nasa mukha nito ang pagtataka ay tumango na lamang ito.
**********
Nakatayo ako ngayon at kasalukuyang pinapanood ang wala pa ring malay na si Nikky. Nandito kami ngayon sa apartment niya, hinatid ko na muna si Angel sa bahay nila at pagtapos ay dumiretso na ako dito para tuloy-tuloy ng makapagpahinga si Nikky. Apat na oras na ang lumipas at nanatili pa rin itong walang malay. Sabi naman ng Doctor ay mas makakabuti sa kanya ito para bumalik ulit ang lakas niya. Pero hindi ako mapakali dahil sa sobrang pag-aalala, lalo na sa batang nasa sinapupunan niya. Alam kong mahirap tanggapin pero kahit naguguluhan ang isip ko, hindi maitatanggi na anak ko ang dinadala nito.
Gusto kong magmura, gusto kong magwala! Pero naisip ko na wala namang mangyayari kung gagawin ko 'yon, Nandyan na ang bata, at ang tanging magagawa ko na lang ay tanggapin ito at tulungan si Nikky para sa mga pang-gastos nito sa pagbubuntis.
"N-Nathan?" Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Nikky. Nagkamalay na ito.
Lumapit ako rito at umupo sa kama kung saan siya nakahiga.
Mabilis na nangilid ang mga luha niya.
"A-akala ko... A-akala ko hindi ka na babalik. Akala ko hindi mo na ako babalikan." Mahina at pilit na pilit nitong sabi.
"Shhhh.. Shhhh. Huwag ka na munang magsalita. Magpahinga ka na muna." Hinaplos ko ang pisngi nito. Ayoko na muna siyang tanungin ng kung ano-ano. Mas makakabuting magpahinga na muna ito.
"D-dito ka lang please. Huwag mo akong iiwan ha?" tuloy tuloy lamang sa pagdaloy ang mga luha niya. Awang-awa ako sa nakikita kong Nikky ngayon. Mahina at namumutla, parang nabawasan din ang timbang nito.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...