Chapter 11: Walang Humpay na Pagtatalo

20.7K 181 17
                                    

Ellaine's POV

Nanunuod ako ngayon sa kwarto ng teleseryeng inaabangan ko gabi gabi. Ito ang pumapawi ng inip ko sa araw araw na lumilipas.

Naramdaman ko ang dahang dahan na pagpasok ni Nathan, marahil ay tulog na si Shan.

Kahit hindi ako nakatingin ay batid kong nakatingin ito sa akin.

Pinatay ko ang TV.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Alam kong naghihintayan lang kami kung sino ang mauunang magsalita.

"Saan ka nanggaling?" Panimulang tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Dinig ko ang mahabang buntong hininga niya.

"Nagpalamig." maikling sagot nito.

"Nagpalamig? bakit? Nagalit ka ba sa nasabi ko? Ah. So ikaw pa ang may ganang magalit?" tumayo ako ng kama at hinarap siya.

Nakayuko ito at hindi kumikibo.

"Anong problema Nathan? May problema ba tayo?" Parang maiiyak kong tanong.

Tumingin ito sa akin.

"Wala." tumalikod ito sa akin at inilagay ang mga gamit na bitbit sa maliit na center table na katapat lang ng sofa.

"Wala? Marahil ikaw lang ang walang problema! Kasi puro sarili mo lang iniisip mo!" Hindi ko mapigilang sigaw.

Humarap ito sa akin na madilim ang mukha.

"Stop talking as if you really know whats in my thoughts!" Sigaw nito.

Napailing ako.

"We've been together for so long at hindi ka pa naglihim ng kung ano ang tumatakbo diyan sa isip mo! Hindi ka naman dating ganyan! Kung may problema ka, kasama mo ako! Sa akin mo sinasabi lahat hindi ba?.... What happened now Nathan?" Mabilis na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tila natigilan naman ito.

"Nothing. Maybe I'm just tired." sagot nito at pabagsak na umupo sa sofa.

"Tired Nathan? Sa palagay mo ba ikaw lang ang napapagod? Napapagod din naman ako Nathan! Pagod na pagod na ako! Hindi lang ang katawan ko! Pati puso't isip ko napapagod na kakaintindi sayo! Ni hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak mo kung bakit gabi-gabi, hindi ka na niya kasabay kumain! Kung bakit hindi ka na niya nakakasama ng madalas! Na kung bakit hindi ko alam kung saan ka na nagpupupunta at kung ano na ang pinag-gagagawa mo!"

Padabog itong tumayo.

"Please Ellaine. I want to rest! Let's end this conversation." Itinaas nito ang mga kamay na animo ay ayaw ng makarinig ng kahit ano mula sa akin.

"And now you don't want to talk? Bakit ba parang iniiwasan mo ako? May itinatago ka ba sa akin?" Tanong ko.

Natawa naman ito ng nakakaloko.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita iniiwasan at wala akong tinatago sa iyo! Yan ba ang nakukuha mo kakapanood ng mga teleserye? Itigil mo na yan. Hindi na nakakabuti sa takbo ng isip mo." naglakad ito papuntang cabinet at naghanap ng maisusuot.

"Huwag mo kong baliktarin Nathan! Parang ako pa ang may problema, parang ako pa ang may mali! Tell me what is happening! Ano ang nangyayari sayo?" Pinaghahampas ko ang balikat niya. napipikon na ako dahil inililigaw niya ang usapan.

Humarap ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

Nanlilisik ang matang tumingin sa akin.

"I should be the one who's asking! Ano ang nangyayari sayo Ellaine? You are acting like a crazy desperate nagging housewife! You better stop! Baka hindi ako makapagtimpi sayo."

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon