Chapter 20
Nikky's POV
Kasalukuyan akog nag-papalit ng kobre kama bago matulog ng may marinig akong mga kalampag na nagmumula sa baba. Pagtapos no'n ay nagulat ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang humahangos na si Rose.
"Bakit ba tarantang taranta ka?" naiinis na tanong ko dito.
"Te si Sir Nathan ho kasi nasa baba lasing na lasing, tumumba sa sala, Eh hindi ko ho kayang itayo."
Mabilis akong tumakbo pababa at nadatnan ko nga itong nakahandusay na sa kalasingan. Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik pa ang mukha nito.
"Uhhmm.." Ungol nito. Saglit naman itong umupo at mabilis ko siyang inalalayan para hindi matumba.
"kaya mo bang maglakad pa? Ipapasok ka namin sa kwarto." Nag-aalalang tanong ko dito.
"kayaa kooo paaaa!" sigaw nito. Naiiling na lang ako. Kailangan ko siyang intindihin dahil lasing nga ito at wala sa wisyo.
"Rose tulungan mo akong alalayan siya papasok ng kwarto."
Iilang baitang lang naman ang hagdanan papunta sa kwarto kaya palagay ko ay makakaya naman namin siyang alalayan papunta doon. Isinakay ko ang isang kamay niya sa balikat ko at ganoon din si Rose, nagawa naman nitong tumayo at maglakad ng pa-unti unti sa tulong na rin namin, kaya hindi na ganoon kahirap para sa amin ni Rose. Dahan-dahan kaming umakyat ng hagdan at ng makarating kami sa kwarto ay inihiga namin siya sa kama.
"Rose kumuha ka ng malamig na tubig at bimpo, bilisan mo!" tumalima naman ito agad sa iniutos ko at mabilis na nakabalik dala ang mga sinabi ko. Pinagpahinga ko na rin si Rose dahil maaga pa itong gigising bukas.
Inalis ko ang mga sapatos ni Nathan para maginhawaan ang paa niya.
"Bakit ka ba kasi uminom ng ganyan e hindi mo naman pala kaya!" sermon ko dito habang pinupunasan ko siya.
Hindi ito kumibo at panay iwas ng mukha niya kapag pinupunasan ko ang mukha nito.
"Tsk. Nag-away kayo 'no?" hindi ko mapigilang itanong.
"She doessssssn't understand mee! Maybee it's too hard to undersstaand mee.. kashee kahhit ako hindii ko naah maintindihaan sharili koo! Waalaa na nakakaintindii shakinn!" lasing na lasing na sabi nito.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito.
"No. Stop it. Hindi totoo yan. Andito pa ako. Kaya kitang intindihin Nathan... Naiintidihan ko ang sitwasyon mo, at alam kong naguguluhan ka sa ngayon. Sorry. Sorry dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.. I'm so sorry Nathan. " Maluha-luha kong sabi.
Tumingin ito sa mga mata ko.
"I guessh you're right! Ikaw ngaa ang dahilaan ng lahaat ng itoo! Naguguluhan na akoo Nikkyy! Bahkeet 'di ko maamin sha sharili ko na ikaw na ang mahaal ko?" Hinaplos nito ang pisngi ko at kitang kita ko ang luhang tumulo sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon lang. O dala lang ba ng kalasingan niya ito? Gusto kong isipin na lasing lang talaga siya pero puso ko ang nag-uutos na paniwalaan siya dahil nararamdaman kong totoo ang mga sinasabi niya.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin kaya naman sumubsob ako sa leeg niya. Balewala ang amoy alak na katawan nito kumpara sa ginhawang nararamdaman ko habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa yakap niya.
"Ang tagal kong naghintay na mayakap ka uli Nathan... Ang tagal kong naghintay sa pagkakataong 'to.. Mahal na mahal kita Nathan, at handa akong maghintay ng pa-ulit ulit." Madamdaming pahayag ko.
BINABASA MO ANG
A Seductive Mistress
RomanceSabi nila... Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit, na kapag isinubo ay pwede mong iluwa kapag napaso. Tama sila. Ang kanin, masarap lalo na kung bagong luto, mainit, malambot at mabango. E paano kung lumamig? Itatapon mo na lang...